By chance.

665 11 3
                                    

Talking on phone..

“Akala ko ba magcucut ka?!”

“Jeron, may long test kami ngayon, hindi ako pwedeng magcut.”

“Pero ang sabi mo manunuod ka ng game!!”

“Sorry Jeron, I can’t this time. Kelangan kong bumawi sa academics ko.”

“Alam mo kung ayaw mong manuod, sabihin mo nalang ng deretso hindi yung idadahilan mo pa yang mga academics mo!!!”

“Please try to understand me, kahit ngayon lang please.”

“No! Anong klaseng girlfriend ka? Akala ko ba mahal mo ako, why can’t you even watched my game! “

“Ngayon lang naman ako hindi makakanuod eh and I promise this will also be the last time that I won’t be able to watch. Please understand..”

“Yeah, this will be the last time.. napakawalang kwenta mong girlfriend! I’m breaking up with you!”

Then he ended the call.

Napakawalang kwenta mong girlfriend…

I’m breaking up with you…

Did Jeron just say those words to me? Did he just break up with me?

Ginive-up niya ako ng ganon ganon nalang?  Dahil lang sa isang game niya na hindi ko mapapanuod?

My tears go down from my eyes. I can’t help it. I can’t believe Jeron would break up with me just because of a game I can’t watch. Wet cheeks, tears continue to fall from my eyes but I continue to walk towards my room..

*KABLAG*

Nalaglag yung mga libro ko sa sahig…

“Sorry…” A guy said as he help me picked my books.

“It’s okay.” Ugh! Anubayan. My voice is cracked,  halatang halata sa boses ko na umiyak ako. Nakakahiya naman sa taong ‘toh.

“Aishana?”

Napatingin ako sa lalaking  nakabunggo sakin.. If I don’t misheard him, I guessed he said my name.

“Aishana, ikaw nga. Okay ka lang ba? Bakit ganyan yang mata mo? Umiyak  ka ba?” Si Kevin pala.

“Ha? Hindi, okay lang ako. Sige ha mauna na ako, malalate na kasi ako sa class ko eh.” Then pumunta na ako sa room ko, just in time.

Accounting class. Kanina pa salita ng salita ‘tong prof naming pero ni isa wala akong naiintindihan. Yung mga sinabi parin sakin ni Jeron kanina ang tumatakbo sa isip ko. Walang kwenta nga ba talaga akong girlfriend? Don’t I deserve him? Hay. Pero wala na akong magagawa, siya na mismo ang kumalas. Ayaw ko namang maghabol, kahit mahal na mahal ko siya babae pa din ako. I should keep my head held high.

“Okay class, that’s all for today. See you on Wednesday.”

Sa wakas na tapos narin! Lumabas na agad ako ng room, nagugutom na ako. Gusto kong kumain, kumain ng maraming marami!

Paglabas ko ng room, ang daming studyante sa hallway.

“Aishana!” May tumatawag sa akin.

I look around and look where the voice is coming from.

“Aishana! Aishana! Andito ako!”

I looked left and I saw Kevin.

Lumapit siya sakin.. “Kevin? Bakit?”

By chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon