"Ma! Punta tayo dun oh! Dali! Tingnan mo ma!"
"Anak! Pagod na si mama! Kung gusto mo, ikaw na lang pumunta don... Hihintayin na lang kita dito.. Hayy..." Nakakasabik... Ka-akit akit... 'Yan siguro ang mga naiisip ko noon nung pumunta ako sa lugar na 'yon..
*hingal na hingal sa pagtakbo
Nakita ko yung tauhan nung stall na yun na paalis... Sinabi kong di ko palalagpasin ang pagkakataong 'to! Bakit ba parang obsessed na obsessed ako dito sa stall na 'to? Ewan ko ba... Basta ang alam ko, hinihila ako ng di maipaliwanag na external force na ito patungoo sa dapat kong kalagyan...
"Manong! Manong! Kuya manong!" tatakbo ako na tatakbo.
Sinundan ko lang sya ng sinundan. Pasikot-sikot. Paikt-ikot. Paliko-liko. Paulit-ulit-ulit na ganyan ang dinaanan ko masundan lang sya...Nakailang turns ako... Ewan ko... As I know for myself, I'm really bad at directions... Lagi akong naliligaw pag pasikot sikot ang daan eh... Pero with that guy... All of that became nothing... He's like a father to me... I really felt a strong connection or somewhat like an attraction to him...
"Manong! Manong na puti ang buhok!!" napasigaw ako.
At saktong sa pagsigaw kong iyon, napalingon siya... Humarap... At tumingin sa aking mga mata... Hindi ko na napansin... Nag-iba na ang mundo sa paligid ko... Unti-unti akong nanghina.... Unti-unting naubusan ng enerhiya sa mapulta kong katawan.
Nang may narinig ako mula sa kanya...
"Un jour, la force de vous agenouiller..."
Unti-unting nagbago... Nanigas... At nawalan ng control ang aking katawan... Nabawasan... Nang nabawasan.... Nang nabawasan... Hanggang sa mawala na ako sa wisyo ko... At unti-unti ring nagbago ang lahat sa katawan ko... Ang maikling itim kong buhok, naging simputi ng nyebe at sinhaba ng ahas... Ang mata kong itim rin, di kalauna'y naging kulay ng pilak na kumikintab sa tapat ng masinag na araw... Maging ang damit kong suot-suot ay naging mala-gladiator sa itsura... Ang lahat sa akin ay nag-iba... Maging ang tangkad kong pang apat na taong gulang ay naging mistulang elepante sa tangkad...
"Bakit? Ano? Paano?" pagtataka ko nang biglang bumalik lahat ng enerhiya sa katawan ko.
"Kalma lang.."
Nginitian nya ako... Iba.. Iba ang nararamdaman ko sa kanya...
"Paano? Paano ako naging ganito? Paano ka na nakakapagsalita ng Tagalog? Paano?"
"Kalma lang... Di ko alam kung maiintindihan mo ako, pero sa ngayon... Di ko masasagot lahat ng tanong mo... Ang tangi ko lang sabihin sa'yo... Ay darating din ang itinakdang oras... At dun... Dun ko masasagot lahat ng tanong mo sa'kin..."
"Huh? Di talaga kita maintindihan."
"Maiintindihan mo rin ako, Haring Chisholm... Pero sa kasalukuyan, mawawala lahat ng ala-ala mo sa'kin... Babalik ang lahat sa kung ano ito noon... At ang tangi mo lang maaalala ay... Di ko na rin ito sasabihin... Maalala mo rin yon pag nakita mo na 'to. Kaya... Paalam na, Haring Chisholm..."
"Wait, wait! Sandali lang," unti-unting nawala siya tungo sa liwanag.
"Sa muling pagkikita na'tin... Munting Le Roi..."
"Sandali," tuluyan na syang naglaho sa kawalan...
"Sino si Chisholm? Sino si Leroy?" napatingin ako sa sarili ko...
"Huh? Bakit bumalik ako sa dati kong anyo?" napaisip ako. "Hay... Makabalik nalang kay mama."
Naglakad lakad ako... Naglakad. Nang naglakad. Nang naglakad...
"Ay, pusa!" nakaapak ako ng pusa! "Naku, nakakaawa naman... Sorry na ha! Naku!" niyakap ko ng niyakap. It's like a little teddy bear..
"Ano ba pangalan mo? Cute cute mo naman!"
"Chisholmer! Chisholmer ang pangalan ko no!"
"Ay, nagsasalitang pusa! Sungit mo naman!"
"Ganyan talaga pag cute! Hmft!"
"Hahaha! Ang cute cute mo naman!"
Tapos... Bigla na lang nanlaki mga mata nya... Parang may inaalala sya?
"Ay naku! Naku! Naku! Naku! Ang misyon ko!" sabi ni Chisholmer. "Pwede mo ba ipikit mga mata mo?"
"Yun lang ba, Chisholmer... Okay!" pagpikit ng mga mata ko... Sandali akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Pero, ilang segundo lang din... Nawala yung sakit ng ulo ko..
"Okay na! Pwede ka nang mumulat!"
"Okay, imumulat ko na ha Chisholmer!"
"May naaalala ka bang lalaki na matangkad na puti ang buhok?"
Nagtaka ako... "Wala? San mo naman nakuha yan?"
"Ah... Wala! Tara na?"
"Sige!"
Nang sandaling 'yon... Nakaramdam ako ng kaunting kakaiba... Parang may di ko maalala na gusto kong maalala... Parang kulang... Di ko talaga maalala eh...
"Anak! Antagal mo naman! Tara na! Mahuhuli na tayo sa Grinsome Fest Concert! Sige ka... Di mo makikita ang idol mo na kumanta.."
"Mama! Mama! Pwede ba natin isama si Chisholmer? Please!"
"Aba. Oo naman! Ang cute cute pa ng pangalan niya!"
"Tara na, anak!"
BINABASA MO ANG
Chizamu no Randebū: The Daydreaming
FantasyTake a look at a young boy's daydream as he encounter the rendezvous he never expected he would be in... Tunghayan din kung paano niya malalampasan ang bawat pagsubok na darating sa kanya bilang bagong hari ng CLAYHOULT Kingdom... Kasama ang mga mag...