"Isipin mo na lang hindi tayo nagka kilala."
Paulit-ulit na nagpaplayback sa utak ko ang mga katagang to. Paano ko siya makakalimutan gayung siya ang bestfriend ko? At higit pa don ay naging magkababata kaming dalawa.
Sabay kaming lumaki. Sabay na nagkaroon ng muwang sa mundong ito. Parehong nangarap sa buhay at nagsumpaang walang iwanan kahit kailan.
Hindi ko maiwasang kumirot ang aking puso. Lahat ba ng mga pangarap namin noon ay maglalaho na lang? Na dahil ba musmos pa lang kami noon pwede naming kalimutan ang sumpaan namin.
Hindi ko napigilan ang takas na luha saking mata. Kasabay nun ay ang paninikip ng aking dibdib. Ito na naman! Ang hirap hirap na namang huminga.
Hinawakan ko ang aking dibdib at saka marahan itong pinisil. Parang pinipiga na naman ang pakiramdam ko. Lagi na lang akong nasasaktan kapag naalala ko ang mga nangyari sa amin.
Kailangan ko nang tumigil! Hindi ito ang ipinunta ko sa Maynila. Nandito ako para mag-aral! Tama! Mag-aaral akong mabuti para naman maipagmalaki ako ni Mama. Ako na lang ang inaasahan niya. Hindi ko sya maaring biguin.
Humugot ako ng malalim na hininga saka inayos ang sarili. Pinunasan ko rin ang halos tumuyong luha sa pisngi ko. Saka naglakad paalis ng rooftop.
Pagkababa ko sa groundfloor ng school building namin ay may mga estudyante akong nakakasalubong na marahil ay tapos na rin ang klase gaya ko. Mag aalas singko na rin kasi.
Pagdaan ko sa may soccer field ay may nakikita akong kumpol ng mga babaeng nakapalibot sa isang matangkad na lalaki. Unti-unting bumagal ang aking paglalakad. Parang nanghina ang mga tuhod ko.
Alam kong kahit nakatalikod siya, kilalang-kilala ko pa rin siya. Ang malapad niyang likod. Ang maganda niyang tindig. Ang buhok niyang natural na yatang magulo sa pinakamagandang paraan. Lahat ng katangian niya alam ko.
Nakikipag tawanan siya sa mga babaeng sabik sa kanyang atensyon. Lahat ng mga to ay nginingitian nia ng ubod ng tamis samantalang ako'y di nia manlang kayang ngitian. Parang kinikirot ang puso ko sa pag-iisip.
Bumagsak ang aking paningin sa pathway na dinadaanan ko. Malapit na ko sa pwesto nila. Muli akong sumulyap sa kanya.
Gusto ko uli makita ang mukha ng bestfriend ko. Madalang ko lang siyang makita dito sa campus.
Ngunit laking gulat ko na sa pagsulyap ko sa kanya ay nakatingin din pala siya sakin! Parang may sumipa ng kung ano sa dibdib ko. Panandalian kong nakalimutang huminga!
Grabe! Ang sama ng titig nia sakin. Ang malalalim niyang mata ay parang pinapatay ako sa tingin! Di niya alintana ang mga babaeng kinakausap siya at nakatingin sa mukha nia.
Ako ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa. Hindi ko kinaya ang intensidad ng titig niya. Baka pag magtagal pa ako e mapaluhod na lang ako dito.
Napansin yata ng mga babaeng nakapaligid sa kanya ang paninitig niya sakin kaya natahimik ang mga ito at sinundang tingin ang tinitignan niya. Which is ako. Binilisan ko na lang ang lakad ko. Ayokong maintriga sakin ang mga babaeng yun.
Habang papalayo ako sa kanila ay narinig ko pa ang mga bulung-bulungan ng ibang babae.
"Sino yung babaeng yun? Ba't siya tinitignan ni Calum?"
"Ewan. Baka may crush din kay Calum."
Binilisan ko na talaga ang paglalakad. Ughhh! Calum! Ano ba talagang problema mo sakin? Ba't mo ako tinatrato ng ganito?