Prologue

80 5 1
                                    

MAHAL KITA.

Yan ang kaisa-isang salita na makapagbabaliw sayo. Yung feeling na di mo ma-explain. Basta na lang may mga paru-paro na gustong kumawala sa tiyan mo. Ang alam mo lang ang gaan at ang sarap lang ng pakiramdam mo. Wala kang iniisip na problema, kinikilig at sobrang saya mo lang. Pero sa bawat sayang nararamdaman may kasunod na lungkot. Lahat may unexpected twist. Kaya nga ako? Minsan ayoko nang marinig yang salitang yan. Naaalala ko lang kasi lahat ng sakit na naramdam ko. Ayoko nang maramdam yon. Ayoko na.

Mahal kita pero meron ka nang iba. Mahal kita pero masaya ka na sakanya.
Mahal kita kahit ang hirap hirap na.
Mahal kita kahit wala nang pagasa.
MAHAL PA DIN KITA kahit ang sakit sakit na.

Mahal pa din kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon