Wala ka namang ginagawa. Hindi ka naman nagpaparamdam pero heto pa rin ang puso't isip ko hinihintay na makita ka. Alam ko naman wala ka ng pake e, pero hindi ko pa rin maiwasang umasa. Umasa na meron pa tayong chance. Kahit ang lalim ng sugat na tinamo ko galing sayo heto ako handang masaktan muli mahalin mo lang ulit. Wengya katangahan na tong ginagawa ko, pero sige lang gusto ko naman to e. Sabi nga nila kapag nagmamahal ka hindi mo maiiwasan ang magpakatanga. Sabihin mo ng tanga ako, martyr at kung ano-ano pa pero wala e mahal pa rin kasi talaga kita. Para kasing pinigilan tayo e, inalisan agad ng karapatan para maging masaya sa piling ng bawat isa. Hindi ko talaga alam kung ako ba yung nagkamali o ikaw. Hindi naman kita masisi kung meron ka nang iba kasi alam kong nagmamhal ka lang naman. Pero anoba naman! Nagmahal lang din naman ako ha? Wala naman akong ginawang masama pero bakit masakit? Bakit ako nasasaktan? Bakit naman ganito yung kapalit ng binigay kong pagmamahal? Bakit kailangan mo kong iwan? Iniwan mo ko sa ere e, nang-iwan ka at ang masama pa? Wala ka man lang pasabi. Ok sana kung nagsabi ka ng "Nafall na ko sa iba, sorry ha?" Tanggap ko kung ganon e. Kaso lang hindi ka nang-inform, bigla ka na lang nawala. Para kang bula, akala ko magtatagal ka hindi pala. Ang bilis mong maglaho, agad-agad wala man lang warning. Pero alam mo ba kahit ang sakit sakit na? Lintik! Hindi ka pa rin mawala-wala sa isip ko. Hindi pa rin mapalitan ang pangalan mo sa puso ko. Nahihirapan ako oo, pero kahit tignan mo sa iba't-ibang anggulo mahal pa rin kita e. ANG HIRAP MO KALIMUTAN SOBRA. Kahit gustong-gusto ko na mabura ka na sa pagkatao ko wala e nandito ka pa rin talaga. Kilalang kilala ka ng systema ko, pati mga ala-ala na nagawa natin ayaw nitong pakawalan. Hanggang kelan kita mamahalin? Hanggang kelan ako ganito? Hanggang kelan ko matitiis yung sitwasyon na'to? Ayoko na e. Sawa na ko. Pero hindi naman yung pagmamahal ko yung napapagod, ako lang naman. Tao lang naman kasi ako... napapagod, nasasaktan, nagsasawa. Kaso lang yung pagmamahal ko sayo? Buo pa rin ayaw man lang mabawasan. Kahit gustong gusto ko na maramdaman na maging masaya muli, hindi ko pa rin kaya kasi nasasaktan pa rin ako. Pero kakayanin ko. Kakayanin kong mag move on hindi dahil gusto ko kundi dahil kaya ko. Sa ngayon? Hayaan mo muna akong mahalin ka ng palihim. Kahit ganito lang ok na kasi hindi ko pa kayang kalimutan ka ng buong-buo. MAHAL NA MAHAL KITA! KAHIT MASAKIT, KAHIT PARANG BINIBIYAK ANG PUSO KO. GANITO AKO KA-TANGA SAYO.