Chapter 3: Misunderstanding

1 0 0
                                    

Chapter 3

Nandito kami ngayon sa park, naging tambayan narin namin to dito bago umuwi sa kanya kanya naming bahay

"Yam,may crush ka?"

Nabigla naman ako dahil sa tanong niya

"Crush?"

"Oo, may crush ka sa school niyo?"

Ulit niya sa tanong niya sakin

Crush? kung crush naman yung pag uusapan marami ako nun,

"Meron si Harvey:)"

Sabi ko sa tanong niya, pero syempre pag love na siya lang yung love ko!:)
Crush lang naman tina tanong niya right?:)

"Ahh"

Simpleng sagot niya

"Ikaw? May crush ka?"

Ganting tanong ko sa kanya

"Yeah,si Nicole yung ka batch mo,ang sexy kasi eh"

Sabi niya sabay parang nag iimagine

"Ahh,okay"

Nakaramdam naman ako ng inis sa sinabi niya kaya tumayo na ako sa pagkakaupo at inaya ko na siyang umuwi

"Tara na? Uwi na tayo?"

"Okay"

Nakaka bad vibes naman tong taong to!

Mas maganda naman ako dun sa Nicole nayun noh!
Hmmmp!:3

Nauna nakong maglakad sa kanya at naka sunod lang din naman siya sakin

Tahimik lang kaming naglalakad at di ko man lang namalayan na nasa sakayan na pala ako ng jeep

"Geh,una na 'ko"

Sabi ko sa kanya at pumasok na sa jeep

Nakita ko naman siyang walang lingon na naglalakad paalis

Hhmmp!:3
Bahala siya dyan!

Hanggang sa nakarating na'ko samin ay Hindi parin nawawala yung pagka asar at pagka inis ko

Pagka tapos kong magbihis ay kinuha ko na yung phone ko at tiningnan kung may message niya ba, ngunit kahit isang blankspace man lang,wala akong natanggap galing sa kanya

"Okay!bahala ka dyan!"

Sigaw ko

Agad naman akong nakarinig ng katok mula sa labas

"Ate! Okay ka lang dyan?"

Nag aalalang tanong ni Gabriella

"Ah,oo okay lang ako"

Sagot ko naman sa kanya at narinig ko nalang ang yapak niyang papaalis

*sigh*

Makapagluto nga muna

Kaya bumaba na ako at dumeretso na sa kusina

Pagka tapos kong magluto ay tinawag ko na sila para kumain

"Gab! Tawagin mo na sila mama,kakain na"

Utos ko sa kapatid kong nanunuod lang ng TV

"Okay"

Tamad naman siyang tumayo at tinawag na sila mama para maghapunan

Habang tahimik kaming kumakain ay biglang nagsalita si Papa

"Kamusta na ang pag aaral mo Drea?"

Biglang na tanong ni papa sakin kaya napalingon ako sa kanya tsaka nagsalita

"Ayos naman po pa"

Sagot ko kay papa at tumango naman siya

"Mabuti naman,wag ka munang magboboyfriend hanggat hindi kapa nakaka pag tapos ng koleheyo"

"O-opo"

Sagot ko nalang, di ko pa naman boyfriend si Ken eh,okay lang naman sigurong magka gusto diba?

Tsaka as if namang maging boyfriend ko yun eh may gusto nga yun kay Nicole eh!
*rolled eyes*

"Dapat lang! Para lang din naman to sayo eh,wag kang gumaya sa mga tita mo na ang agang nagpabuntis kaya hindi na naka pag tapos ng pag aaral"

Tumatango tango nalang ako

"Alam mo naman na ang daming mga chismosa dyan sa labas kaya umiwas kayo sa mga issues, ikaw din Gab! Wala ka na ba talagang planong mag aral?"

Dagdag naman ni mama sabay baling ng atensiyon namin kay Gab,

Huminto na kasi siya sa pag aaral kasi wala naman daw siyang mapapala sa pag aaral na yan!

Kahit anong pilit namin sa kanyang mag aral ay wala talaga kaming napapala

"Ma,alam niyo namang ayoko ng mag aral! Dagdag gastusin lang yan!"

Sabi naman ng kapatid ko, Grade 8 palang ay Huminto na siya dahil hindi niya daw talaga feel na mag aral

Nung pinilit nga namin siyang pumasok sa paaralan ay naglakwatsa lang!

"Ewan ko sayong bata ka! Ikaw din ang magsisisi sa huli, makita mo!"

At nagpatuloy nalang rin kami sa pagkain

Pagka tapos naming kumain ay pumunta na ako sa king silid at kinuha ko na naman ang phone ko

*sigh*
Wala pa rin talagang text niya

Makalipas ang ilang oras ng paghihintay ay wala parin talagang Ken na nagpaparamdam kaya nagpasya na akong matulog

FoolishnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon