Chapter 1

5 2 0
                                    

Hindi ako galit pero hindi rin naman ako natutuwa. Baka pwedeng sabihin na inis 'tong nararamdaman ko pero alam kong higit pa ito sa inis. Ano nga ba ang dapat mong maramdaman kapag nalaman mo na, nakipagbalikan na naman ang bestfriend mo sa gago niyang ex-boyfriend? 'Yong boyfriend niyang ilang beses na siyang linoko at dalawa silang sinusuyo.

"Ewan ko sa'yo, Phoebe. Parang wala kang kadala-dala sa ginawa sa'yo niyan. Ilang beses na ba kayong naghiwalay sa loob ng tatlong buwan niyong relasyon? Tatlo? Lima? At ano lagi ang dahilan? Dahil sa ex niya na sinusuyo niya pa rin! Don't you get it? He's a confused asshole. Di niya alam kung sino ba talaga ang mahal niya sainyong dalawa." Mahabang litanya ko sa baliw sa pag-ibig kong kaibigan. Hindi ko maintindihan kung bakit di niya maiwan-iwan si Bryle, ang gago niyang ex-boyfriend. Hindi naman kagwapuhan pero hindi rin naman panget. Hindi mo masasabing mabait dahil dalawa silang linoloko. At ano bang malay niya na hindi lang pala silang dalawa.

"Nagmakaawa siya sa'akin. Tsaka wala na talaga sila ni Amber." Mahinang sagot niya. Ilang beses ko na 'yang narinig. Wala na daw talaga pero pagkatapos ng isang linggo, malalaman niya na lang na sinusuyo pa rin pala ni Bryle si Amber. Paano niya malalaman? She's freakin' friends with the ex-girlfriend of her fucking boyfriend. Hindi lang friends, close friends sila.

"Bahala ka. Basta ako, ilang beses na akong nagpaalala sa'yo. Good luck na lang sainyo. Anyway, aalis na ako. May klase pa ako." Tumayo na ako at hinanda ang mga gamit ko. Kung alam ko lang na wala rin naman pala akong mapapalang maganda sa pagpunta ko sa bahay nila, e di sana hindi na ako tumuloy. Pumunta lang naman ako dito para makikopya ng sagot sa activity na pinapagawa ng prof namin. Pero imbes na sagot ang makuha ko, ako pa ang nagbigay ng lecture session.

"Sige. Ingat. Pakisara nalang 'yong gate." Sabi niya sabay higa sa kanyang kama. Umalis na ako at tuluyan nang lumabas.

Di ko maintindihan kung bakit nagpapakatanga ang iba pagdating sa pag-ibig. I mean, sure, I'll do anything for the one I love, but not to the extent of losing my dignity. Alam mo dapat kung paano pahalagahan ang sarili mo. You should know your worth. At kung sa tingin mo hindi alam ng taong mahal mo ang halaga ng isang katulad mo, then make him see it. You should never settle for less. Loving someone is also about loving yourself.

Inabot ng 20 minutes bago ako nakarating sa school namin. Kinailangan ko pang mag-antay ng jeep na masasakyan dahil wala naman akong sariling sasakyan. Hindi naman kami mayaman na katulad ng iniisip sa'akin ng iba kong kaklase. Nanggaling kasi ako sa isang exclusive school dito sa probinsya namin. Doon ako nagtapos ng high school. Kinaya lang ng mga magulang ko na pag-aralin ako sa school na 'yon dahil mataas ang pangarap nila para sa'aming magkakapatid.

"Mili, natapos mo ba 'yong pinapagawa ni ma'am?" Bungad sa'akin ni Kisha pagdating ko ng room. "Paano ko matatapos kung wala naman akong nasimulan?" Sagot ko sakanya. Bahala na mamaya. Pagnatawag ako at napahiya, sisisihin ko si Phoebe. Dapat kasi papagayahin niya ako at tuturuan, e. Pero hindi niya naman nagawa dahil pinag-usapan na naman namin 'yong tungkol sa boyfriend niya.

"Ikaw? Nagawa mo ba?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya sa'akin at tumango sabay abot ng libro niya. Si Kisha ang kaibigan kong laging concern pagdating sa studies ko. Palagi niya akong pinapaalalahanan pero minsan siya naman 'tong di rin nagagawa ang mga sinasabi niya.

Ngumiti ako at nag-thank you. Sinisipag naman ako minsan mag-aral pero madalas talaga akong tamad. Madalas din na puro ako cramming. A night before kung mag-aral pag may exams. Concern ako sa studies ko pero hindi lang halata.

Pagkatapos kong mangopya ay naisipan kong magbasa muna para pag natawag ako may maisasagot ako. Magsisimula palang akong magbasa ng maramdaman kong nagvibrate 'yong cellphone ko.

Baby McKenzie calling...

Napataas ako ng kilay ng makita ko kung sino 'yong tumatawag. Ano na naman ang gusto ng lalaking 'to?

How To Love The Woman Of Intricacies?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon