Chapter 2

0 0 0
                                    

Napahinto ako sa sinabi ni McKenzie at nagdasal na sana ay nagbibiro lang siya. "Please tell me you're joking."

"Oh hell no, baby. I'm not. In fact, I'm dead serious." Rinig kong sabi niya sa mapang-asar na tono.

Napamura nalang ako dahil sa sinabi ni McKenzie. "Pero hindi pa ako ready."

"Ready or not, you'll have to face him. Grow some balls, Mari."

"Gago. I will never have those. Why not tell that to yourself? Kalalaki mong tao wala kang itlog." Sagot ko naman sakanya sa nang-aasar din na tono. Alam kong mapipikon siya sa sinabi ko. Si McKenzie ang tipo ng tao na madaling mapikon kapag pagkalalaki niya ang pinag-uusapan.

"TK. Matagal na kong meron niyan. Ipahawak ko pa sayo eh."

"Di na. Maliit naman yan eh." Pigil akong tumawa dahil alam kong sobra na siyang napipikon pero nagpipigil lang siya ng inis.

"Okay. Fine. Whatever. Kalimutan mo na lang na may sinabi akong 'Grow some balls'. Papalitan ko nalang yan ng 'Grow some tits, Mari'."

Bago ko pa siya mamura ay naibaba niya na ang tawag. Inis akong tumingin sa dibdib ko.

"Di naman flat ah." Bulong ko sa sarili ko.

Bago ako pumasok sa classroom ay nagtext muna kay McKenzie.

To:Baby McKenzie
Motherfucker ../..

In-off ko muna ang cellphone ko dahil baka tumawag na naman ang ulupong na 'yon. Nagsasawa na ako sa boses at pagmumukha niya.

Kinabukasan, simula nang bumaba ako ng bahay hanggang makarating sa school ay para akong tanga na bawat hakbang ay lilingon sa likod-kaliwa-kanan. Pero sa di malamang dahilan ay minalas ako. 'Yong iniiwasan o mas magandang sabihin na pinagtataguan ko ay nakaabang na tapat ng classroom na papasukan ko.

Paano niya nalaman na dito ang una kong klase? Yan ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Tumalikod kaagad ako at naglakad pabalik. Di pa ako handa na harapin siya. Di pa ako handa na mapahiya. Pero bago pa man ako makalayo ay nakalapit na siya.

"Heeey. Are you trying to avoid me?" Tanong niya habang hinahabol ako sa paglalakad ng mabilis. Jusko po. Di pa ako handa sa english-an na magaganap.

"What? Ofcourse not. Why would I do that?" Tanong ko sakanya pabalik at mas binilisan pa ang lakad. Pero dahil mas mahahaba ang legs niya kesa saakin ay mabilis siyang nakatakbo paharap saakin at hinarangan ang dadaanan ko.

"I dont know. Maybe because you said you like me too?" Ugh. Bakit ko ba kasi sinabi 'yan?

"So what if I said that? That doesn't mean that you have the right to block my way. So please, excuse me." Mabilis naman siyang tumabi pero sinundan niya pa rin ako.

"So I heard it right, huh. I was not wrong after all. " Pabulong niyang sabi sa sarili niya pero rinig na rinig ko naman. He bit his lip as if trying to supress a smile. Napaiwas naman ako ng tingin dahil konti nalang ay mapapangiti na rin ako.

Tumigil ako sa paglalakad ng mapansin kong nasa may gate kami. Tumigil din siya at tumingin saakin na parang gulong-gulo siya.

"I don't get it. You just arrived here for your first class, but you're leaving already. Are going to ditch class?" Di ko na napigilan na mapangiti dahil sa itsura niya. Para siyang bata na walang kaalam alam sa mundo.

"I don't have a class yet." Pagsisinungaling ko.

"But McKenz told me you're going to have your first class at 8." Sinasabi ko na nga ba. 'Yung bwisit na yun ang nagsabi dito kay Marcus kung saan ang una kong klase. Masyado talaga siyang atat na magkaroon ako ng lovelife.

How To Love The Woman Of Intricacies?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon