JANICE
Nanonood ako ng laro ni James. Syempre. Supportive girlfriend here. Nang matapos sila kaagad kong kinuha yung tubig at tuwalya. Nilapitan ko siya at pinunasan yung pawis niya.
"Thank you" nakangiti niyang sabi at ibinigay ko sakanya yung tubig
"Galing talaga ng boyfriend ko" at tumawa naman siya
"Syempre, ang dami ng girls o" at kinindatan yung mga babae.
"O edi sakanila ka mag papunas ng pawis mo!" At binato ko sakanya yung twalya. Babalik na sana ako ng bleachers kaso hinawakan niya kamay ko.
"Pero syempre, mas maganda ka sakanila" at kinindatan niya ko.
"Hindi mo ko madadala sa kindat kindat mo. Sundutin ko yang mata mo" kunyareng-inis kong sabi. Binuck hug niya naman ako. Sus. Madami nanaman niyang maiinggit saakin kasi boyfriend ko ay gwapo HAHAHAHAH. Inggit kayo no.
"Ang harsh mo naman cupcake" pag lalambing niya.
"Ang corny mo! Cupcake?! Ewww" alam na alam niya talaga akong bwisitin. Pumito na yung coach sign na mag uumpisa na yung laro. Last quarter. Bumalik na ko sa bleachers at as always. Lagi silang panalo. Nakaka ilang shoot na rin yung kalaban kaya nakaka habol sila. Anong nangyayari kay James? Huhuhu. Laban kasi to ng school namin which is lagi kaming panalo. E magaling din tong school na kalaban namin. Tumayo naman ako
"GO JAMES! GO INIGO! GO PAT! GO LESTER! GO KATS!" Pinag titinginan tuloy ako. Pero wala akong pake. Tuloy-tuloy lang ako sa pag chicheer.
"Go nicholasians!!!!" Sabi ko at sumabay na ang ibang ka school mates ko.
"I love you Jameeeess!" Sigaw ko at tinignan niya naman ako at kinindatan at ishinoot yung bola.
"WOAAAAH!" Puro sigaw ang maririnig sa court. Syempre supportive kami.
Nang matapos yung game. Syempre panalo kami. Dikit nga yung laban. 45-46 buti na lang naka shoot si Inigo. Nilapitan ko si james. Kinuha niya yung bag niya. Nag sign siya na samahan ko daw siya sa cr. Tumango ako at lumapit sakanya.
"Ang galing galing talaga mo talaga" nakangiti kong sabi habang nag lalakad. Hinawakan niya naman yung bewang ko.
"Matagal na ho" confident niyang sabi. Nang makarating kami sa cr. Hinintay ko lang siya sa labas. Anong gusto mo? Papasok ako? Game joke HAHAHAHAHAH. Mag papalit lang daw siya ng jersey. Syempre pawis na pawis. Habang hinihintay ko siya. Dumaan yung grupo ng mga bruha. Ewan ko anong pangalan ng grupo nila basta tawag ko sakanila bh0UsZxC gHuRls!!!! Lumapit naman sila saakin. Nandilim tuloy paningin ko.
"Look who's here" nag tinginan sila.
"Pa look-who's-here -look-who's-here ka pa e spelling nga lang ng excited di mo pa alam" at nakita kong lumabas si James at pinuntahan sya. Tinignan ko sila bago ako umalis. Nakita ko namumula siya sa galit.
"Oh" sabi niya. Tumatawa kasi ako
"Eh sila chelsea sinisira nanaman araw ko" napa ngisi nalang siya
"Kaya nga natatanong ko na lang sa sarili ko bakit mo napatulan yun? E ang kitid ng utak. Sama pa ng ugali" inis kong sabi.
"Past is past babe" alam na alam niya talaga akong asarin!!!!!!
"Ilang beses ko ba sayo sasabihin na ayoko sa 'babe'?! At hindi ako baboy!!!! Okay?!" Galit kong sabi. Beastmode ako!!!!!!
"Chill chill" tumatawa niyang sabi. With taas kamay pa ha. Nauna aking nag lakad sakanya. Kunware tampo ako hehehehe.
"Sorry na" pag lalambing niyang sabi.
"Tigilan mo ako" matigas kong sabi
"Nag lalambing lang naman ako e" naka pout niyang sabi
"Oo na" sabi ko.
"Alam kita e" nakapout niya pang sabi.
"Syempre girlfriend mo ako. Kilala mo ko" biro ko. AY BUSET! GALIT NGA AKO SAKANYA DIBA
"I knew it" sabi niya at tumawa. Kinurot ko naman siya sa pisngi.
"I love you" bulong niya.
"I love you too" nakangiti kong sabi. Kinikilig ako wag kayo.
"Kain tayo sa labas?" Aya niya saakin. Dumiretso kami sa parking lot at nag drive na siya.
"San tayo kakain?"
"Sa labas" sabi niya.
"Saan ngaaaa" pangungulit ko.
"Basta" nakangisi niyang sabi. May balak nanaman to panigurado.
"Eh hindi to yung daan e" papunta to sa bahay nila e
"May kukunin lang ako sa bahay" pigil tawa niyang sabi.
"Okay" tinatamad akong mag salita. Nang makarating kami bumaba na ko. Nang pumasok kami.
"Wait mo muna ako jan" at iniwan niya ko sa sala. Wala rin yung parents niya. So siya lang mag isa ngayon.
Mga ilang minuti rin. Medyo matagal rin. Dumating na siya. Salamat
"Bat ang tagal mo?" Inis kong sabi.
"Tara na" at hinila niya ko papunta sa likod ng bahay nila. Hala anong gagawin niya omg di pa ako ready CHOS hahahahhaha.
"Ano to" nakita ko kasi may lamesa dito sa labas at nay pagkain
"Diba sabi ko kakain tayo sa labas kaya ayan" pinalo ko naman siya sa braso at napa 'aw' naman siya.
"Seryoso ka?" Tinignan ko lang siya. Tumango naman siya. Gutom na talaga ako. Umupo na ko at nag start kumain.
"Nagustuhan mo?" Asar niya. Nakita ko rin umupo at nag start na rin kumain.
"Gutom ako" pag sinabi ko yun mananahinik siya. Kasi you know. Pag ako nagutom. Beastmoan ako. Este beastmode HAHAHAHAHA.
--------
Gusto niyo ng sabaw? Basahin niyo yan HAHAHAHAH. Love u guys muah