PROLOGUE

3 1 0
                                    

Hindi ko parin maintindihan kung bakit ako iniwan ng taong aking lubos na minahal, ganun ba talaga ang pagmamahal. Yung kung sino ang gusto mo maging sayo siya pa ang susugat sa puso mo.




Pero hanggang ngayon umaasa parin akong magkakabalikan kami sa ano mang paraan. Ngunit takot na muli akong masaktan kaya ganun na lamang ang pagiging matakutin ko na may magustuhan.



Ako nga pala si Prince Xavier. 18 years old. NGSB po ako. Ibig kong sabihin NO GIRLFRIEND SINCE BREAK. Hindi po talaga ako naniniwala sa FOREVER. Naiinis ako tuwing naririnig ang LOVE na naging dahilan upang masugatan ang aking pusong walang kasalanan na umiibig lang naman.




Mahilig talaga ako tumingin sa mga bituin para pagmasdan ito hanggang makatulog nalang ako. Ang sarap kasi sa paningin at nakakapagpagaan ng kalooban. Pero di ako naniniwala sa paghihiling sa tuwing may nakikita akong falling stars. Tahimik sa kapaligiran ang tangi ko lang naririnig ay ang sariwang simoy ng hangin. Nang makarandam ako ng antok agad kong pinikit ang aking mga mata.

...




"TULOOONG, TULONGAN NIYO KAMI!!" malakas na sigaw ng isang babae na naging dahilan para magising ako at napatayo. Maigi kong hinahanap ang pinagmulan ng sigaw na iyon at umaasang marinig ko muli at matulongan.





"TULOOOONG, TULOOONG." muling sigaw ng boses babae. Napatingin ako sa kanang direksyon ko. Nakita ko sa di kalayuan ang dalagang babae at batang babae. Agad kong hinanap ang dahilan ng kanilang paghingi ng tulong. Nakita ko ang tatlo na mga mababangis na lobo sa kanilang harapan. Nagtataka ako kung bakit di nila kayang labanan ang mga lobo. Hindi kaya wala silang kapangyarihan tulad ng mga normal na tao.






Hindi ko alam ang gagawin. Nalilito ako kung ano ang gagawin dahil dapat walang nino man ang pwedeng makakita ng taglay kong kapangyarihan pero hahayaan ko nalang bang mamatay sila ng wala akong ginagawang pagtulong pwede ko yung pagsisihan habang buhay. Wala nakong magagawa kundi gawin ang tama. Kaylangan ko silang iligtas at makiusap nalang sa makikita nila sa taglay kong kapangyarihan.





Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Hindi ako pwede gumamit ng kapangyarihan hanggat nasa mga pader pa ako ng aming kaharian dahil ninunullify nito ang ano mang kapangyarihan. Agad akong tumakbo ng mabilis at tumalon palabas ng aming kaharian. Nang makalabas na ako ginamit ko agad ang kapangyarihan ko para pabilisin ang aking pagbaba sa harapan ng mga lobo. Habang nasa ere pa ako ay gumawa ako ng apat na mga patalim na gawa sa kidlat na inipit ko sa kanang kamay ko sa aking mga daliri. Mahinahon ko itong binato sa mga mabaangis na lobo habang nasa ere. Nang makababa ako agad kong nilapitan ang dalawang babae.




"Ayos lang ba kayo?" mahinahong pagtanong ko sa kanila. "Teka, Xyra? Ikaw pala yan pero bakit hindi mo kayang labanan ang mga lobong yun!?" nagtatakang tanong ko muli sa kanya.

"Eh, hindi sila pangkaraniwang lobo. Magingat ka sa kanila kaya lumayo ka dyan kung ayaw mo pa silang patayin ka." sagot nya sa aking pagtanong. Anong ibig nyang sabihin eh siguradong patay na sila dahil sa Lightning Spikes na binato ko sa kanila.





"Umilag ka kuya!!" Sigaw ng bata na ipinagtaka ko. Agad akong humarap sa likuran ko. Nagulat ako ng makita ang isang lobong tumalon papunta sa direksyon ko kaya napatalon ako papunta sa likod pero hindi na ako nakailag pa. Natamaan ako sa kaliwang braso sa ginawang pag atake ng lobong iyon. Napadaing ako ng mahina dahil sa sakit na nararandaman ko sa aking braso na naging dahilan rin para mapahiga ako malapit kila Xyra.





"Ayos ka lang ba!? Xavier? Sasabihin ko palang sana sayo na hindi gumagana sa kanila ang ano mang pag atake gamit ang kapangyarihan." saad ni Xyra. Eh pano ba naman di nya pa sinabi ng maaga kanina para di ako matamaan.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prince Meet His Princess: Embrace Of SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon