Is it to late?

26 3 5
                                    

Ericka's POV

July 23, 2016. Isang taon na. Isang taon na simula ng iwan niya ko. Isang taon na kong pinipilit ang sarili ko na sana makamove on na ko. Isang taon na.

Acquaintance party namin ngayon sa school. Nadelay ng 2 weeks kasi bumagyo at samin natapat ang bagyo. Dapat 1st week ng July ginaganap ang Acquaintance pero dahil nga sa bagyo, na move. Dagdagan pa ng exam.

Hindi naman ako naeexcite sa Acquaintance e. Sasayaw lang naman ang all year level at sasayaw ng girls and boys. Hay! Magiging bitter na naman ba ko? Ayoko na. Pagod na ko. Gusto ko namang maging masaya. Gusto ko ng lumigaya tulad ng iba.

Fourth year na ko kaya wala na siya sa school na to. Mas mataas kasi yung year level niya sakin. Bale Grade 11 na siya ngayon. At wala na kong pakelam sa kanya. Sa wakas, hindi ko na siya makikita araw araw. Dahil nasa ibang school na siya at masaya ako don.

Ngayon isang taon na simula ng bigla niyang pag iwan sakin. Ughhh! Naiiyak na naman ako. Ayoko na! Pagod na kong umiyak pag naaalala ko siya. Sana dumating ang araw na wala na yung sakit. Sana...

"Huy Seven naiyak ka na naman jan?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Charlene.

"Hindi ah! Napuwing lang. Bakit naman ako iiyak?" Nag fake smile ako sa kanya.

"Ryan na naman ba itu?" Biglang sambit ng bestfriend ni Charlene na si Rein.

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Narinig ko na naman ang pangalan niya. Yang pangalang marinig ko pa lang parang nanghihina na naman ako. Shet! Hindi ko na napigilan at naiyak na ko ng tuluyan.

"Shhh! Seven wag ka ng umiyak." Hinaplos ni Charl ang likod ko at hinaplos naman ni Rein ang buhok ko.

"Twelve wag ka ng umiyak. Wag mo na lang siyang masyadong isipin. Nandito lang kami para damayan ka." Sabi naman ni Rein.

P.s kung nagtataka kayo kung bakit seven at twelve ang tawag sakin nung mag bestfriend kasi...hmm! Hahaha! Yung ex kong si Ralph ang birthday ay December 7 at April 12 naman ang araw na sinagot ko siya. Pero biro biro lang yon pero minahal ko din siya kahit pano. Pero si.. Ryan. Siya talaga yung first love ko. Kaya nga hanggang ngayon hindi ako makamove on sa kanya.

"Ansakit kasi. Hanggang ngayon. Isang taon na! Isang taon na simula ng iwan niya ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on. Hindi ko pa rin siya makalimutan." Tuloy pa din ako sa pag iyak habang sila naman ay tuloy tuloy lang sa paghaplos ng likod at buhok ko.

"Sssshh! Seven tama na. Lagi lang akong nandito. Lagi lang kaming nandito ni bebe (tawagan nilang mag bestfriend) para sayo." -Charl

"Oo nga. Tutulungan ka ulit naming maging masaya."-Rein

"Sana nga! Sana nga makalimutan ko na din siya."

Madilim na din kaya nagsisimula ng magsayaw ang girls and boys. Ayoko na lang silang tingnan dahil nagiging bitter lang ako masyado. Magmomove on na ko. Kaya iiwasan ko ng maging bitter.

Mag isa lang ako ngayon dito sa upuan ko. Kasi nagsasayaw yung mag bestfriend sa mga mahal nila. Hay! Buti pa sila. Masaya sila at mga walang problema.

Nagcecellphone lang ako dito ng biglang tumugtog yung... yung.. yung kanta ko sa kanya. Time Machine. Sabay na may kamay na nanghihingi ng kamay ko. Tinignan ko kung sino dahil ang bastos ko naman diba! Si.. si.. shet! Si Ryan! Bat siya nandito?

"Can I have this dance?" Sabi niya. Shet! Bakit siya nandito? Kinuha ko na lang ang kamay niya dahil ayoko namang mambastos ng tao.

Nasa gitna na kami ng stage habang natugtog yung Time Machine. Fuck! Naiiyak na naman ba ko? Mukhang nakita yun ni Ryan kaya pinunasan yung luha ko. Bat ba ambabaw ng luha ko?

"Please dont cry. Ayokong nasasaktan ka." Nasasaktan? Sinaktan na niya nga ako diba? Isang taon na!

"Hahaha! Ayaw mo pala akong nasasaktan. Haha! Wattaword. Hindi naman ako nasasaktan ngayon diba? Hindi." Tapang tapangan kong sabi sa kanya.

"Ericka!" Sabi niya.

"Ano?" Takang sabi ko.

"Im s-sorry!" Sorry? Huh! Ngayon pa?

"Sorry? Ryan isang taon mo kong sinaktan. Isang taon kong pinilit kalimutan ka. Isang taon akong hirap na hirap makamove on sayo. Isang taon na.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na talaga ako. Shit ano ba to? Iyak na ko ng iyak. May iba na din na natingin samin.

"I-im sorry." Nakayuko niyang sabi.

Umiling ako. "Ryan hindi porket sinabi mo ang word na sorry makakalimutan ko na ang lahat. Lahat ng sakit na naiwan dito. *turo sa puso* Dahil ang sakit sakit na bigla mo na lang akong iiwan. Ansakit lang!" Sabi ko habang iyak na ko ng iyak.

"Please. Im begging you." Sabay luhod niya. Shit! Pinagtitinginan na kami ng ibang tao. "Please lets the time back. Ipaglalaban na kita. Hindi ko kayang mawala ka. Sorry! Immature lang ako noon. Ikaw yung first love ko. Ikaw lang! Ikaw lang ang mamahalin ko ng sobra sobra. Please. Please let me love you again. Please." Naiyak na din siya.

"Bakit ngayon lang? Kung kailan gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang mawala sa buhay ko." Nahikbi na din ako. Medyo mahina ang tugtog pero dahil sa tugtog na yan. Lalo lang akong naiiyak.

"Eto kasi ang tamang time. Sorry! Nagpatulong pa ko sa mga kaibigan mo. Dapat ginagawa ko tong mag isa. Pero ipaglalaban na kita. Please. Come back to my life."

Napatingin lang din ako sa mga kaibigan kong nasa gilid lang na si Charlene at Rein. Naiyak din sila.!

Ngumiti sakin si Charlene. "Tanggapin mo na siya ulit sa buhay mo. Ayaw ka na naming nasasaktan. Kaya ginawa namin to."

"Nakausap na namin siya. Pag pinaiyak o sinaktan ka pa niya ulit gigilitan na namin siya ng buhay." At natawa naman ako don. Hay!

Tumingin ulit ako kay Ryan. Nag serious ulit ako. "Hindi mo na ba talaga ako sasaktan?"

"Hindi na po promise. Ipaglalaban na kita sa magulang ko at sa lahat. Please I know that there's a Time Machine if you'll back to my life. Please! I love you so much." Halata mo sa mata niya na sincere siya.

Tumingin ulit ako dun sa mag bestfriend. Nag thumbs up sila sakin. "Ok! Time Machine." At ngumiti ako sa kanya. Nanlaki ang mata niya.

"Talaga?"

"Ayaw mo ata? Geh wag na la---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya kong hinalikan. Napapikit na din ako sa halik niya.

Kumalas siya sa halik namin at sinabing "Thank you, I Love You so much." Sabay kiss ulit ng smack.

"Nakakadalawa ka na ah!" At kinurot ko ang ilong niya.

"Aww!" At tumawa siya. Pinunasan naman niya ang mga luha ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya. At kiniss niya ko sa noo. Yieee!

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid.

"Yieeeeeee." Kantyaw nila samin. Tumawa na lang kami ni Ryan.

Sana dumating ang panahon na magiging ako din si Ericka Mae Matulac Laloma.

-The End-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Machine (One Shot)Where stories live. Discover now