ISA

5 2 0
                                    

ISA

"Cheers!"

Namutawi ang halakhakan sa loob ng aming bahay. Kaarawan ngayong ng pinakamamahal kong si Rodrigo.

Kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho ay tuloy-tuloy ang kanilang pagtagay ng isang sikat na alak. Lango na ang ibang mga kasamahan niya, at maging si Rodrigo ay bakas na ang pagkahilo sa mga mata.

Alas tres y media nang tumigil sila sa pag-inom. ang iba ay umuwi na sa kanilang mga bahay ng mas maaga at mayroon ding dito na tinamaan ng antok. Akay-akay ko si Rodrigo paakyat sa aming kwarto at ang iba ay nanatili sa baba kung saan ako naglatag ng mahihigaan nila.

Kasabay ng pagbukas ko ng pintuan ng aming silid ay paglabas ng kanyang mga kinain. Halu-halong amoy ang bumalot sa aming silid. Isang malakas na palahaw ang aking pinakawalan ng dumapo ang kamao ni Rodrigo sa aking pisngi. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi sa sakit na nararamdaman.Nagdire-diretso na siya sa kama at doon ibinagsak ang sarili. Payapa ang kanyang tulog. Dahan-dahan kong nilisan ang kanyang suka at takot makagawa ang anumang ingay.

Buong gabi akong hindi nakatulog. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. Makapal ngunit maayos ang kanyang mga kilay, mahaba ang kanyang pilik-mata na nakakabit sa kanyang mapupungay na mata. Hindi ko napigilan ang sariling ipadausdos ang aking mga daliri sa kanyang perpektong ilong at maninipis na labi. Mayroon siyang kaunting balbas at bigote na mas nagdepina sa kanyang pang banyagang mukha. At ang ilang puting buhok sa kanyang ulo ang naglarawan ng kanyang edad.

Iginala ko ang aking mata sa aming silid. Kulay abo ang mga ding-ding, pareho namin itong gusto. May dalawang tukador na kinalalagyan ng aming mga damit at isang mesang puno ng papel at iilang libro. Napadpad ang mata ko sa nag-iisang larawan sa aming kwarto. Kuha iyon noong araw ng aming kasal. Ang aking kulay rosas na labi ay binagayan ng aking puting trahe de boda. Samantalang ang malinis na gupit naman ni Rodrigo ay bumagay sa kanyang Americana.

Sumilip ako sa aming bintana na natatakpan ng kulay puting kurtina. Magbubukang-liwayway na. Bumaba na ako upang magluto ng aming almusal. Naroon pa rin ang mga kasamahan ni Rodrigo, mahihimbing ang tulog Hinahanda ko ang mesa ng narinig ko ang mga yapak patungo sa aking pwesto. Bumungad sa akin ang iritadong mukha ni Rodrigo. Padabog siyang umupo at nag-utos ng kape. Dumating na rin sa hapag ang kanyang mga kasamahan, tatlo lang sila kaya nagkasya kami sa mesa. Sa pagkakatanda ko ay sina Lito, Mario at Felipe ang mga ito. Hindi nakatakas sa aking mata ang malagkit na tingin ni Mario, manliligaw ko ito noong haiskul.

Kulay kahel ang kurbata ni Rodrigo ngayong araw na ito, bumagay iyon sa puting polong panloob niya. Tinabig niya lang ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang kurbata, tila ba nandidiring makapitan ng kahit anong mikrobyo. Sabay-sabay6 silang umalis ng aming bahay lula ng kanyang kulay itim na Ranger. Kumaway ako ngunit wala akong natanggap na sagot kahit isang busina. Napanuntong-hininga ako at saka pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi.

Pumasok ako ng bahay at dumiretso sa aming silid. Humilata ako sa kama at tinitigan ang litrato ng aming kasal. Ako lamang ang nakangiti at siya ay parang aburido sa mga nangyayari. Tiim-bagang at malalim ang tingin. Hindi ko mapigilang mapahikbi sa mga nangyayari, kasalanan ko ito at kailangan ko itong pagbayaran. Ipinikit ko ang aking mga mata, hinayaan ang mga luha at unti-unting inalala ang pinagmulan ng lahat ng ito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon