Prologue

111 1 0
                                    

Nabibingi ako, habang kausap siya sa kabilang linya. Para ba'ng malabong radyo, halos hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya sa akin as he let go of those words.

"I'm sorry, Zia." bumugtong hininga siya. Tumulo lamang ang mga luha ko, wala ako masabi. Sobrang...sakit. "Zia, listen...I didn't mean..."

"Didn't mean what? didn't mean na lokohin ako? like Hey Zia I'm sorry niloko kita, I'm sorry because you found out ganun ba?!" tumaas ang boses ko, pero halos hindi ko na rin naririnig pati ang sarili ko, tumulo ng tumulo lg ang mga luha ko. Hindi siya nagsalita, hinihintay pa niya na magsalita ako. Pero it felt like words left my mouth, I'm so broken.

*Flashback*

Bored na rin ako at wala masyadong trabaho sa office ano kaya ang magandang gawin?

"Uy Zia,"

Lumingon ako at nakatayo si Sarah sa tapat ng station ko.

"Uy, sarah bakit ngayon ka lg?"

"Naku girl," pumasok si Sarah sa station ko. "Galing ako sa starbucks eh, pinabili kasi ako ni Ma'am Karen ng coffee. Nga pala, nakita ko si Jason dun at may kasamang girlalu."

Napatigil ako sa aki'ng ginagawa, teka, akala ko nasa Tagaytay siya for the meeting?

"Sure ka?" pagsisigurado ko, because I'm sure nasa Tagaytay si Jason ngayon kasama ang mga business partners niya. "Nasa Tagaytay ngayon si Jason with his co-workers kaya impossible ang sinasabi mo,"

"Hindi, I'm sure si Jason yung nakita ko suot-suot pa naman niya ang t-shirt na ibinigay mo sa kaniya nung birthday niya diba pinakita mo pa sa akin yun?" 

Tama si Sarah, ipinakita ko nga sa kaniya ang t-shirt bago ko ibigay kay Jason. Pero hindi pa rin ako na kukumbinsi na si Jason yun kaya para sigurado I'd better call him. Tinawagan ko siya at sa ikatlong ring may sumagot na rin....babae.

"Yes? who's this?" 

Natahimik ako, lumaming ang pakiramdam ko nung marinig ang boses ng babae sa kabilang linya...impossible to diba? gusto ko magsalita pero no words escaped my mouth. I was totally speechless, at di nagtagal narinig ko na rin ang boses ni Jason sa kabilang linya. 

"Sino yan?" tanong pa niya. 

"Babe, there's a call. Who's Zia?" tanong ng babae. 

"Huh?" kinuha niya ang phone at sinagot, "Hey, hon bakit napatawag ka? pasensya kana kung hindi ako nakatawag sa'yo eh alam mo naman walang signal dito. How are you? I missed you." sabi niya, pero halos nabingi ako. Wala na ako narinig kundi ang tibok ng puso ko, hindi ako nagsalita at tumulo lamang ang mga luha ko at dahan dahan ko binaba ang cellphone. Tumingin si Sarah sa akin, tila nalulungkot rin siya para sa akin kaya niyakap niya ako. Hindi ko napigilan ang aki'ng sarili kundi umiyak sa balikat ni Sarah. 

Ilang minuto na rin ako umiiyak sa balikat ni Sarah, pero hindi ko kaya pigilan ang aki'ng sarili. Sobrang sakit talaga. Paano niya nagawa sa akin to? after for 6 long year nagawa niya ako lokohin? saan ba talaga ako nagkulang?  



The Map of LoveWhere stories live. Discover now