Chapter 1

70 1 0
                                    

✔Leave Work, Book a flight, escape reality and GO!

Maaga pa ako pumunta sa opisina. I finally made up my mind, I quit. Pagdating na pagdating ko sa office, agad ako dumiretso sa office ni Ms.Karen para mag submit ng resignation letter, nung una parang ayaw pa niya ako payagan dahil magaling daw ako na empleyado pero ilang saglit ay pumayag na rin siya na pakawalan ako. Pagkatapos ko mag submit ng resignation, dumiretso ako sa aki'ng station para ligpitin ang mga gamit ko at inisa-isa ko pa ito nilagay sa box na dala-dala ko. Habang nililigpit ko ang table ko, nakita ko ang picture frame na may laman ng picture namin ni Jason. Naka display pala dito sa working table ko.

Kinuha ko ito, tinignan ko at napaisip kung gaano kami kasaya sa litrato na ito, pero iba na ngayon ang pumapasok sa isip ko, pumapasok sa isip ko kung paano niya ako sinaktan at niloko. Pumikit ako at naglakas loob na tinapon sa trash can ang picture frame namin. Yeah right, kakalimutan ko na ang damuhong yun and move on with my life. Pagkatapos ko ligpitin ang mga gamit ko, umupo ako sa upuan ko at nagpahinga. Dumaan si Sarah at napatigil sa station ko. Gulat na gulat ang expression niya, hindi niya ata enexpect na aalis na talaga ako.

"Oh my god, Zia ano to?" naguguluhang tanong si Sarah at pumasok sya sa station ko at sumandal sa table ko at tinawid ang braso nito.

Tumingin lg ako kay Sarah, honestly hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko kasi kahit ako hindi ko alam bakit parang ba'ng automatic ako na umuwi sa bahay para gumawa ng resignation letter. Basta ang alam ko gusto ko muna tumigil sa pag tatrabaho and to give some time to myself. Yun lg talaga ang alam ko'ng rason.

"I'm...leaving. For good," pag-aalangan ko pa.

Hindi sumagot si Sarah at tumingin siya sa mga nakaligpit ko'ng mga gamit at niyakap ako ng mahigpit. Mamimiss ko tala si Sarah, eh siya lg naman talaga ang naging ka-close ko dito sa opisina, ang lagi ko kasabay sa lunch at napapagsabihan ko ng mga problema ko kaya mahirap din para sa akin na umalis but I don't have any choice. Pagkatapos ng long moment namin ni Sarah, hinatid niya na rin ako sa labas ng office. Yeah, yun na talaga ang last na magkasama kami dalawa sa office. Mamimiss ko talaga ang lahat dito pero nasasaktan ako dahil dito rin ako lagi'ng sinusundo ni Jason kaya mas mabuti na lg na umalis na ako kesa naman sa ma abutan niya ako dito at pakinggan ang useless excuse niya. Ayaw ko na talaga.

"Uy, mag-iingat ka ah? huwag na huwag mo talaga kalimutan na tawagan ako ok?" niyakap ulit ako ni Sarah ng mahigpit at niyakap ko rin siya at ilang saglit bumitaw na rin siya at may kinuha sa bulsa niya na isang gift card at binigay sa akin. Aldrovandi Villa Borghese, Italy. Tumingin ako ng ilang saglit kay Sarah, mahal ata to? agad ko tinanggihan ang gift card.

"Sarah, mahal yan hindi ko matatanggap yan. Ok lg ako nuh."

"Sa'yo na yan!" pagpupumilit pa niya at binigay ng sapilitan sa akin ang gift card, "Walang problema eh wala naman may makikinabang niyan eh. Galing yan kasi sa kuya ko dalawa sana sila ng girlfriend niya kaso hindi sila matutuloy alam mo naman naghiwalay sila kaya tinapon niya yan." tumawa ng marahan si Sarah at tinanggap ko na lg ito. May choice pa ba ako?

"Maraming salamat talaga Sarah ha?" niyakap ko siya ulit at tumawag ng taxi. Ilang saglit ay dumating na rin ang taxi at nag nagpahabol ako ng huling paalam kay Sarah, sumakay ako at napatingin lg sa binatana ng taxi, maraming pumapasok sa isipan ko. Naguguluhan ako. Wala rin ako masyadong tulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga pangyayari. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko talaga inasahan na hahantong lg talaga sa ganito ang samahan namin ni Jason. Pumikit na lamang ako at hinayaan muna ang aki'ng isipan na makapag-relax kahit sandali lg.

After 45 mins dahil sa matinding traffic, nakarating na rin ako sa aki'ng condo. Salamat naman at nakarating na rin ako. Hindi na ako makapag-hintay na humiga sa aki'ng munting kama. Pagkababa ko ng taxi, bit-bit ko ang mga gamit ko at tumungo sa elavator. Ilang minuto bumukas na rin ito at pinindot ko sa 6th floor, pagtung-tong sa 6th floor dumiretso agad ako sa aki'ng condo unit at binaba ang lahat ng mga gamit ko. Ano na kaya ang magandang gawin? kinuha ko ang aki'ng cellphone para tignan ang oras at wallpaper agad namin ni Jason ang nakita ko kaya pinatay ko na lg ang cellphone ko at nilagay sa sofa.

Nag pasya na lg ako na maghanda ng pwede ko'ng makakain dito sa condo ko. Pagkatapos ko kumuha ng chips at coke, umupo agad ako sa ilalim ng aki'ng sofa at binuksan ang aki'ng laptop. Kinuha ko ang gift card na binigay sa akin ni Sarah at nag research ako sa google. I can't believe my eyes from what I saw. Ang ganda ng place! Napaisip ako, I really need a vacation. No, not just a vacation but I need to escape pain so....I'll travel the whole world. Tama, this is my dream ever since and I know kaya ko na rin mag travel, mag-isa na ako kaya I'm sure marami-rami na rin ako na ipon sa aki'ng savings sa bank. I really can't contain my excitement! Iniisip ko na libutin ko ang buong mundo na mag-isa, I'll discover new things, new poeple, new culture and everything is new. Napatingin ako sa aki'ng laptop at hindi ko napigilan na mapangiti sa aki'ng sarili. Kaya nagsimula na ako gumawa ng aki'ng bucket list. That's right, I need a bucket list, I need to achieve something more than work. That's right Zia, let's escape reality. 

Ilang minuto rin ako nag mukmok kaya nagpa book na rin ako ng flight pa puntang Italy pero befor yan, syempre chineck ko rin yung savings ko and thank God I have more than enough kaya pwede na ako magpabook ng flight. One click and there, naka book na rin ako ng flight pa puntang Italy next week. Kaya simulan ko na rin mag impake. Ilang saglit na isipan ko rin na tawagan si Sarah. 

"Hello? Oh, Zia!" tuwang-tuwa si Sarah na marinig ang boses ko kaya napangiti rin ako. 

"Just wanna let you know na nagpa-book na pala ako ng flight sa Italy next week na." 

"Oh? talaga? ang bilis naman!" 

"Yeah, kaya gusto ko rin mag pasalamat sa gift card and it really means a lot." sabi ko. 

"Ganun ba," sabi niya at bumugtong hininga. "But I really wish you luck sa vacation mo. Uy, wag mo kalimutan na mag send ng bikini photos at yung pasalubong ko ah?" tumawa siya, loka-loka talaga to si Sarah. 

"Loka ka! Sige, don't worry tatawagan kita before ako umalis ok? bye Sarah." binaba ko ang phone at nilagay sa sofa. 

Tumungo ako sa terrace, I just need some fresh air. Ang sarap talaga ng hangin pag nasa labas ka. Hindi ko napigilan na humikbi habang napapaisip ako na dapat si Jason ang kasama ko sa trip at hindi ako mag-isa. Pero hindi eh...sobrang sakit lg talaga ang ginawa niya sa akin and to think na parang tanga ako. Tumingin ako sa paligid, pinunasan ko ang aki'ng luha. Dapat hindi ako umiiyak ngayon because he's not worth it. Pero wala naman siguro masama na umiyak dahil tao ka at nasasaktan ka di'ba? 

"It's alright Zia, it's okay to cry." 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Map of LoveWhere stories live. Discover now