Prolouge

17 0 0
                                    

"Maam Lila!"

Bahagya akong nagulat ng bigla kong narinig ang pangalan ko. Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakatungo ko sa harap ng aking computer.

Nakita ko si Ara, ang ka-opisina ko, na patakbong papunta sakin. Nang makalapit siya sakin ay napakunot-noo ako ng sa laki ng ngisi.

"What do you want Ara? I'm busy." Medyo iritado kong sabi. Minamadali ko kasing iedit ang isa kong article para makasali na sa pagpublish ng aming newspaper mamayang gabi.

"Ito naman ang sungit! Tawag ka ni Maam Sevilla. May bago ka atang assignment!" Sa sinabi niyang yun ay parang gumaan ang pakiramdam. Nagsisi pa tuloy ako dahil sinupladahan ko siya kanina at hindi ko alam kong papano siya patutunguhan ngayong binigyan niya ako ng good news.

I pretend that I was not that happy though ang lakas na ng tibok ng puso ko sa sobrang excitement. I try to look stoic para medyo seryoso akong tingnan. I should portray profesionalism.

"Thank you for the good news Ara. Pupuntahan ko si Maam Sevilla mamaya pag napasa ko na tong article ko."

"Hindi pwede. Ngayon kana pinapapunta ni Maam. Huwag mo ng pagpahintayin. Alam mo namang maliit lang pasensiya nun."

Napabuga ako ng hangin. I know mainitin ang ulo ng editor-in-chief namin pero hindi niya dapat inaapply yun sa amin.

Sinave ko ang tinatype ko at pinatay ko na rin ang PC. Binuksan ko ang drawer ko at naghanap ng maliit na booklet at ballpen para sa pagtetake-note para mamaya sa bago kong assigment. Tumayo ako at pinagpag ng konti ang aking palda at tumingin kay Ara na nakangisi sa akin.

Ara is still an amatuer to this company. Kakapasok lang niya sa kompanyang ito at di pa masyadong mabigat ang trabaho niya unlike to us old employees na halos wala ng panahon sa sarili.

Naglakad na ako papunta sa opisina ng boss namin. All the while, nakasunod lang si Ara sa akin like some idiot that oblige to escort me.

Pagkarating ko sa harap ng pinto ay kumatok ako. Pagkarinig ko ng senyas ng boss ko ay binuksan ko iyon at sinara sa mukha ni Ara na akmang papasok din sa loob.

"You're to harsh on Ara Miss Vallega." Puna ng boss kong nakatingin sa akin habang nakasalikop ang mga palad niya sa mesa.

"She so annoying sometimes Maricar." Pagsusumbong ko.

"Anyway you sit here and we'll start our discussion on your new assignment."

Naupo ako sa upuan sa harap ng mesa niya at ineready na ang ang booklet at ballpen ko.

"Well you see, in demand ngayon sa public specially to our young women readers ang about sa mga eligible bachelor sa sosyodad natin." Napaangat ako ng tingin sa kanya at mukhan na gets ko na ang gusto niyang sabihin.

"Alam mo Liliana you are one of the girl who have beautiful faces from this company and I know you could use your charm to this assignment." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"I want you make an article about one of the bachelor in our society. Here's the photo of the guy." Binuksan niya ang drawer at may kinuhang envelop. Binigay niya iyon sa akin at agad ko iyong binuksan. Tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaking may kulay berdeng mata.

"You want me to investigate about Hezekiah Ariston Fortalejo? You know that's imposible Maricar. Pahirapan ang pag-interview sa kanya"

"Yes. I know its hard. Kaya nga sayo ko ito binigay cause I know you can do this." Hiniwakan niya ang kamay ko. "It will be big break for your career Lila. Think about the things you will recieve if you make this happen. Baka ipromote ka ni Sir Arturo sa isa sa ating mga Magazine."

Medyo nahirapan akong magdesisyon sa bagay na yon. Hezekiah Ariston Fortalejo is imposible to reach. Masyado itong ilag sa media at medyo mysteryosong tao. Some writers attempts to write about his life but failed and instead they write lies just to give satisfactory to the public readers. Isang kompanya na rin ang napasarado dahil lang sa mali-mali nitong pagsusulat sa impormasyon tungkol sa pagkatao niya.

Mr. Fortalejo is so dangerous to deal with. I really need to be careful about this or else baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabaksak ng kompanya namin.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot si Maricar.

"Okay. I'll do this."

Napangiti naman si Maricar. I'm really amaze na hindi uminit ang ulo niya ngayon. Tumayo siya at napatayo rin ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I know you can't say no to this Bestfriend." She said.

Habang nakayakap sa kanya ay nagsimula na akong mag isip ng mga plano para sa misyong iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon