.
napatayo ako bigla ng biglang lumitaw si Liare ang familiar ko sa harapan ng babaeng nag-uusap na malakas ang boses tila nag-paparinig sa akin.
Tinutokan nito ng kutsilyo ang leeg ng babae
Liare!" sigaw ko, at agad agad pumunta sa table ng babaeng tinutokan nito ng kutsilyo sa leeg
Anong karapatan mong pag-salitaan ng ganyan ang master ko" sabi ni Liare, parang gigil na gigil itusok ang kutsilyo sa leeg nung babae
Itigil mo yan Liare!" may diin ba sabi ko sa kanya, napatingin siya sa akin, ngayon ko lang napansin na umiilaw ang tatoo ko na star sa braso, at umiilaw rin ang asul niyang mata
Binitawan niya rin yung babae at bumalik sa akin kaya bumalik ako sa upuan namin ng kambal
Vlaire!! ang astig ng familiar mo!! kyaaa" akala ko magagalit sila sa akin pero heto si Hot natutuwa pa
Kayo ba yung tinatawag na twin class S wizard nila?" tanong ko, tumango-tango naman sila.. So malalakas pala tong kasama ko, sabagay malalakas ang Familiar nila
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at umalis na, papunta ako sa Building 1 ngayon tinuro naman ng kambal ang direksyon sa pupuntahan ko, iba kami ng pupuntahan kasi bago palang ako dito. Kaya ito ako ngayon nakaharap sa malaking building
Nakisabay ako sa pag-pasok ng mga bagong istudyante, Nang makapasok kami ay may nakita akong stage sa gitna
Anong ginagawa ninyo!! ang babagal ninyong kumilos! dalian ninyo mag-linya kayo ng dalawang linya!!" agad kaming napalinya ng dalawa ng sumigaw yung babaeng may katandaan na naka-salamin, nakasuot siya ng pulang cloak na palatandaan bilang isang mentor
Ngayon gusto kong humarap kayo sa kaharap ninyong linya" sigaw na naman ng mentor namin, grabeh matanda na nga malakas pa. Agad agad kaming humarap sa katabi naming linya, sakto namang lalakeng may blond na buhok ang kaharap ko, ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya
Ngayon gusto kong magpakilala kayo sa kaharap ninyo kasi sila na ang kapartner niyo sa mga activities natin" psh, yun lang? kaya niya kami pina-linya? tch, tch, tch
Hi! ako si Leo galing ako sa bayan ng Mino" okey ang hyper niya, nginitian ko siya
Ako si Vlaire A~~" tch di na ako naka-tapos ng sumigaw siya
BLAIRE?" sigaw niya kaya napatingin lahat sa akin pati si Mentor naka tingin na rin sa akin
Vlaire V-L-A-I-R-E hindi Blaire, teka ano bang meron sa Blaire huh? bakit ganyan ang reaksyon ninyo?" tanong ko sa kanya, pero si Mentor ang sumagot
Si Blaire ay ang prinsessa ng bansang Mino--ang pinakamalaking bansa, siya ang bunsong anak ng hari at reyna pero nawala siya nung ika-walo niyang kaarawan may dumukot sa kanya kaya hanggang ngayon hinahanap parin siya" napa-tango tango ako sa narinig ko sa mentor namin, kaya pala ganoon nalang ang reaksyon nila kong naririnig nila ang pangalan ko
Ngayon isa-isa magtungo sa gitna ng stage at ipakita ang kapangyarihan ninyo! bilis!!" tch, tingnan mo ito si mentor, kani kanina lang mabait ngayon back to normal na naman
At ito nga isa-isa kaming pinapunta sa harapan
=======================================
BINABASA MO ANG
The Kingdom of Magic (finding the lost memories)
FantasyI am Vlaire Avelondge, Bigla-bigla nalang nawala ang memorya ko, YES all my memories and now----- I discovered who I am supposed to be Magiging okey ba ang lahat? Anong gagawin ko kung saka-sakaling magkakagulo-gulo ang lahat? Kasi, I am the 4th and...