Claire's Pov
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong hawak ko pa pala yung phone ko. Ang Oa ko kagabi, haha naniniwala akong mapapasakin din si Carl bwahaha.
Pumasok na ako sa C.r at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag toothbrush na ako. Humarap ako sa salamin ng c.r ko at nakita kong nakangiti na pictures ni Carl. haha kompleto na araw ko nito. Di lang naman sa C.r ko may pictures si Carl eh meron din sa...
Flashback
"Claire~" tawag sakin ni Scarlet sa baba. pero tamad talaga akong bumaba kay kinuha ko phone ko at denial yung number niya.
"let. akyat ka sa taas. katamad eh" pagkatapos ko sabihin yun ay inend call ko na . sanay naman yun sakin eh haha wala pang 5 minutes ay may narinig na akong footsteps papunta dito.
"Claire~ buksan mo na tong pinto na punong puno ng mukha ni Carl" natawa naman ako sa sinabi niya. yun pa nga lang nakikita niya eh.
di first time ni Scarlet pumunta sa kwarto ko. actually marami na. pero ngayon lang siya nakapunta ulit sa kwarto ko na inlove na ako kay Carl haha
Binuksan ko ang pinto at pinapasok na siya. Humiga ako sa kama at hinyaang siya nalang ang mag sarado ng pinto.
"okay. So back to back pala tong mukha ni Carl dito. " sabi niya at sumunod sa kama ko. Umupo siya at nilibot niya ang kanyang tingin.
"sa bubong, sa drawer,sa mesa, sa salamin... Di ka ba nag sasawa sa mukha ni Carl ?" sabi niya.
"N.E.V.E.R" sabi ko at nag roll eyes pa ako nun ah.
"okay sabi mo eh. Pa c.r ako ah" sabi niya at nag lakad na papuntang c.r ko. Ako ? Heto. Nag sstalk sa facebook ni Carl.
"pati ba naman sa Cr. Ano Claire ah ? Pinagnanasaan mo na ba siya ?" hayys. Matagal n-- I mean di kaya haha
"tumahimik ka na nga lang jan" sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Scroll scroll scroll scr--- "CLLLAAAAIIIRRREEE" ano ba tong tao na ito. Kung makasigaw ah.
"Ano ?"
"Last ko na tong pasok sa kwarto mo. Nakakasawa ang mukha ni Carl tsk. Pati ba naman takip sa inidoro meron din ? Ewan ko sayo claire."
Bwahaha eh sa ang gwapo niya eh hahaha*end of flashback*
So yun nga hahaha
Bumaba na ako ng kwarto kasi kanina pa daw ako tinatawag ni Mader der haha naabutan ko si Mama sa kusina at umupo sa harap ng mesa.
"di ka kumain kagabi ah" sabi ni mama at hinain na sa mesa ang niluto niyang half cooked na itlog at bacon. Bacon :) favorite yun ni Carl haha kaya nga favorite ko na din yun eh :D
"pahingi po ng bacon ah" sabi ko at kumuha ng extra lunch box. Nilagyan ko yun ng kanin at bacon.
"bakit ? Kay Carl na naman ba? " sabi ni mama at umupo na din siya. Magkaharap kami ngayon. Napangiti naman ako at tumango nalang. "opo" sabi ko
"wag mo masyadong ibigay sakanya lahat anak ah baka kapag sa huli ikaw din lang ang masyadong masaktan"
Alam ko naman yun eh. Hahaha
"oo naman ma. Haha sige po pasok na ako" sabi ko at hinalikan na siya sa pisngi at umalis.
Naglalakad na ako papunta sa school. Mag isa kasi nga si Scarlet nandun na daw hays. Di man lang ako hinintay.
Kung nagtatanong kayo kung wala ba akong sasakyan. Well, wala talaga haha. Di naman sa poor kami ah , tinanong nga ni mama kung gusto ko bang magpa bili ng car kaso tumanggi ako. Bakit ? Secret haha eh kasi kapag kami na ni Carl edi ihahatid sundo niya ako kasi wala akong car hahaha joke.
Sa kaka kwento ko sainyo di ko namalayan na nasa gate na pala ako ng school haha. Pumasok ako at dumiretso na sa classroom namin. Pagka pasok ko dun nandun na si Carl at yung tropa niya. Tiningnan ko ang upuan ni Scarlet at ayon. Nakita ko siya at si.... Troy ? Okaay. Whatever.
Pumasok na ako at dumiretso na sa upuan ko.
"Good morning Carl" sabi ko at ngumiti . Pero di man lang siya umimik.
"Hi bes " sigaw ni Scarlet. Tiningnan ko naman siya at si troy. Pagka tapos mag Hi sakin ni scarlet ay kinulit na naman siya ni Troy. Y is dat ? May gusto ba si Troy sa bespren ko ? /sinagot ng maligno/ ge.
Bumalik na naman ako kay Carl. Nagsuot siya ng glasses. Waaaah ang gwapo niya harthart. At take note. Nag babasa siya ng libro.
"Carl. May dinala ako para sayo" sabi ko at nilabas ang lunchbox. "eto oh. Favorite mo yan" at inabot ko sakanya.
"tapos na akong kumain" sabi niya na di man lang lumingin.
"sige na carl. Si mama nag luto niyan"
At kinuha ko yung book na binabasa niya para lang mapansin ito."TAPOS NA NGA AKONG KUMAIN EH ANO KA BA" hinawi niya ang lunch box dahilan para matapon ito at umalis na siya pagkatapos nun.
Pansin kong natigilan ang lahat sa ginagawa nila at nakatingin na sila sakin. Kinuha ko yung lunch box sa sahig.
"bes, okay ka lang?" tanong ni Scarlet.
Okay lang ako :) haha ang babaw naman nun para masaktan ako dun diba ? Hahaha tumango nalang ako at ngumiti sakanya. Sinulyapan ko naman ang mga tropa ni Carl. Nakatingin din sila sakin maliban kay
Den na nag headphones lang. Di niya siguro napansin ang nangyari.Umupo nalang ako sa upuan ko. San na kaya yung lalaking yun ? Walk out walk out pa kasi tsk. Okay lang naman na di niya kainin eh (pero pinilit mo kasi-A.) tsk. Oo na author. Ugghh kala ko ba kampi kita ? Hayys.
Maya maya lang ay dumating din si Carl. Hays akala ko mag sskip siya ng class. Umupo siya sa upuan niya na di man lang ako tiningnan. Pumasok na din yung teacher namin.
Someone's Pov
Bakit kasi di nalang ako? Yan yung tanong na di ko matanong sakanya. Eh sa nakakahiya eh. Di naman siya mahal ng taong mahal niya. Ako nalang kasi . Uggghhh this is so gay.
Nilingon ko siya sa table niya at ouch. Nakatitig na naman siya sa kinababaliwan niya.
Minsan naisipan ko na talagang mag confess sakanya pero takot ako. Bakit ? Takot ako sa mga katagang isasagot niya. Kasi kahit pa saang anggulo tingnan. Wala na akong pag asa. Sa mga titig niya palang sakanya,sa pagpapakita niya sakanyang nararamdaman. Haays. Ayoko namang mag give up sakanya.
"don't give up on something that you did'nt even started yet" yan sabi ng mom ko . Kaya yun.
Matagal ko na ding siyang crush. Minsan nga sinusundan ko pa siya eh. Pero yung pag sunod ko sakanya, nasasaktan din ako.
*flashback*
Napansin kong di pa siya umuuwi. I mean silang dalawa pala. For sure kinukulit na naman niya yung gagong yun.
"Carl my loves, tara sabay na tayo"
Narinig kong sabi niya at agad naman akong nagtago. Sabi ko na nga ba eh.
"may gagawin pa ako eh. Una ka nalang" tsk. Swerte mo nga't gusto niyang makasabay sayo eh.
"edi samahan nalang kita"
"wag na" tsk.
"samahan na kita. Wala naman akong gagawin sa bahay ngayon eh" tsk. Siguro kung ako pa to, kahit araw araw. Gusto ko siya lang kasama ko. Ugghhh so gay.
"SINABI NANG UMUWI KA NA EH. DI MO BA NAIINTINDIHAN YUN HA CLAIRE. DI MO BA NAIINTINDIHAN YUN ?"
At siya pa tong sumisigaw ah. Ang swerte niya kaya. Tinanaw ko siya at nakita kong nanlumo sha pero agad na namn shang ngumiti. Shit. Bakit kasi ayaw mo pang mag give up sa kanya eh tssk. Ako nalang kasi
"sige. Una nalang ako carl my loves" sabi niya at umalis na.
Tiningnan ko siya habang papaalis. Nasasaktan din ako.
Oo nga naman nuh. Paano ka nga pala magiging akin kong di mo naman alam haha at kahit pala alam mo, siya lang naman laman ng puso at isip mo tsk.~~~~~~~~~~~~~
Oh yeeesss. Sino kaya yung unknown guy haha like, comment, share hahaha charot. Gege
-Arnxxx
BINABASA MO ANG
If this was a Movie
RandomNag pakatanga ako kahit masakit. Tinutuloy kong mag bulag bulagan kahit parang di ko na kaya. Hinahabol parin kita kahit mag mukha akong tanga. bakit ? kasi MAHAL KITA. pero kahit pala ilang beses ko nang ipamukha sayo na mahal kita di parin. kahit...