Vinie was a 200-pounds beauty. Marami ang lumalait sa kanya ng dahil sa katabaan niya. Pero hindi ito naging hadlang sa upang mangarap siya. Lalo na ang pangarapin na mamahalin din siya ng crush niya since high school na si Kenneth Del Mundo. A certified campus Heartthrob and a heartbreaker. Alam naman niyang imposibleng lapitan siya ni Kenneth kaya hanggang tingin na lang ang ginagawa niya.
Ngunit nagkamali siya. Isang araw ay kinausap siya nito at sinabing gusto siya nitong maging kaibigan. Labis niyang ikinatuwa ang pakikipagkaibigan nito sa kanya dahilan upang lalong mahulog ang loob niya dito.
Pero ang inakala niyang totoo ay isa palang palabas. Pinagpustahan lang pala siya ni Kenneth at ng mga kaibigan nito. Hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng mga ito ng minsan niyang balaking sorpresahin ang binata. Labis siyang nasaktan sa narinig kaya naman ng alukin siya ng ama na lumipat sa America ay hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin iyon.
Lumipas ang walong taon. Wala na si Vinie...dahil siya na ngayon si Cerrine Morales, isa nang sikat na hollywood actress, recording star at pantasya ng bayan. Sexy na siya at wala nang maipipintas sa kanya. Ngunit isang kontrata ang nagpabalik sa kanya sa Pilipinas. Dahil ang manager niya ay tinanggap ang kontrata ng hindi niya nalalaman.One-month contract sa isang TV Network. Ngunit nakatakda pala niyang makitang muli si Kenneth. Ang lalaking nanakit sa kanya na siya ring may-ari ng TV Station.