She has always been a dreamer... and a stalker.
Viniela Enciarga also known as Vinie has always been in love with Kenneth Del Mundo. Ang captain ng college basketball team, certified hearthrob at sexiest man in the campus.
How she wish he feels the same way towards her. Buhay nga naman. You can never have it all. With a body like hers, tanga na lang ang papatol sa kanya. She's a 200 pounds beauty. Beauty pa rin siyang maituturing dahil sabi nga ng mga bakla sa kanilang kanto, may fez siya. Ngunit hanggang dun na lang siya. Sa katawan niyang 40-38-36, masakit mang tanggapin ay hindi niya mararanasan ang pagkaguluhan ng mga kalalakihan.
Ngunit di bale na. Masaya na siya masilayan lang ang sinisinta. Si Kenneth. Si Kenneth na walang malay niyang pinagnanasahan. Wala siyang ginawa kundi ang sundan ito, Mangolekta ng stolen shots nito at ang pangarapin na lingunin man lang ng binata. Baliw na nga daw siya sabi ng kayang bestfriend na si Chiquitita o Chiqui for short.
Baliw na kung baliw. Ano nga namang pake ng iba? Eh sa dun siya masaya. She won't give a damn to anyone who discriminate her. She got used to it anyway.
Katulad ngayon. Nakatago siya sa likod ng halamanan sa open grounds ng kanilang campus. Pinagmamasdan niya ang binata habang nagpapraktis ito. Hawak ang camera, walang humpay sa pagpindot ang kanyang daliri upang kunan ang bawat galaw nito. Sa tuwing nakakashoot ito ay di niya maiiwasang mapatili ng bahagya dahilan upang mapalingon sa gawi niya ang binata. Mabuti na lang rin at mabilis siyang kumilos kahit papaano kaya naman nagagawa niyang magtago.
Ilang beses na siyang na-warningan ng mga teachers niya, kahit mga professors sa college department ay ilang beses na siyang naireklamo dahil sa pagkuha niya ng litrato. Kahapon nga lang ay binigyan na siya ng huling pagkakataon. Sa oras na mahuli uli siyang kumukuha ng picture ng walang paalam ay masususpend siya. Malilintikan siya sa nanay niya. Lagot siya pag nagkataon. Pero hindi pa rin sapat iyon para itigil niya ang ginagawa niya. Sisiguruhin na lang niya na magiging maingat siya upang hindi na mahuli ng kahit na sino.
Muli sana siyang kukuha ng litrato ng biglang may umagaw sa camera niya. Hindi niya napansin na may tao sa likuran niya. Kinabahan siya.
Lagot na!sigaw niya sa isip. Pigil ang paghinga, dahan-dahan niyang nilingon kung sino ang nakahuli sa kanya. Si Chiqui pala. Buti naman. Nakahinga siya ng maluwag.
"Bakla naman eh! Nagulat ako sayo!" pabulong niyang sabi sa kaibigan.
"Ano ka ba naman? Hindi ka ba nagsasawa o natatakot man lang sa ginagawa mo? " usisa ng kaibigan niya.
"Ako magsasawa? Parang di mo ko kilala, Chiquitita!" sagot niya sa bestfriend niya.
"Hay nako bestfriend. Kung nagfofocus ka na lang sa pag -aaral mo? Malapit na yung graduation natin, Sige ka baka matanggal ka sa honors pag nahuli ka ng mga teachers. " pagalit ni Chiqui sa kanya. "At pwede ba, call me Chiqui. Naalibadbaran ako sa Chiquitita eh." dugtong pa nito.
"Yes, Chiquitita Amorsolo. Your wish is my command. Akin na nga uli yang cam ko, Tsaka wag ka maingay. Baka marinig ako ni Kenneth. " sabay agaw sa cam na hawak pa rin ng kaibigan. Hindi man lang napansin na pinalitan ng kaibigan ang memory card sa loob ng kanyang lumang digicam. Akmang kukuha muli siya ng litrato ng may tumawag sa kanilang atensyon.
"HEY!" sigaw ng isa sa mga ka-teammate ni Kenneth. Si Jacob. Kilala niya ito dahil minsan na siya nitong isinuplong sa kanilang principal. "You're here again?" sabi nito ng makalapit sa kanila.
"Hey din! " bati ni Chiqui dito. Sabay hawi sa buhok nito na sinabayan ng abot-tengang ngiti. Nagpapacute ito.
Nagulat man sa inasal ng kaibigan ay hindi na pinansin iyon ni Vinie. Tinangka niyang tumakbo ngunit hinila ng lalake ang mahaba niyang buhok na naka-pigtail ng mga oras na iyon.
"Aray!" sigaw niya, "Bitiwan mo ko!"
"What are you doing here again huh? Andito ka na naman siguro para kumuha ng litrato ni Captain ano?" akusa nito sa kanya. Bagkus na sumagot ay tinapakan niya ang paa ng lalake. Napasigaw ito. Halatang nasaktan ito dahil napaupo ito upang himasin ang paang napuruhan.
"What have you done?!" sigaw nito. Napansin niyang ang lahat ay napatingin sa kanila at unti-unting lumapit.
"I-ikaw kasi eh. Hinila mo yung buhok ko!" sigaw niya pabalik sa binata. "Kung hindi mo sana hi----"
"What's going on here?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Vinie ng marinig ang tinig na iyon. Unti-unting nilingon ang pinanggalingan ng boses. At nakumpirma niyang si Kenneth nga ang nagsalita.
Natulala siya at hindi nakapagsalita. Naiintindihan na niya ang pakiramdam ng mga bidang babae sa mga pelikulang napapanood niya sa tuwing dumadaan sa harap nito ang lalaking sinisinta. Kulang na lang ay lumundag ang kanyang puso at lumabas sa dibdib niya. Nabibingi na rin siya sa lakas ng kabog nito.
OH MY! OH MY! Sigaw niya sa isip.
"Miss? Miss?"
Sa sobrang pagkatulala ay hindi niya napansin na kinakausap na pala siya ng crush niya. Bumalik lang ang ulirat niya ng kurutin siya ng kanyang bestfriend sa tagiliran,
"Aray! Masakit yon ah! " sigaw niya sa kaibigan. Nahiya siya ng ma-realize na kaharap nga pala niya si Kenneth.
"I said, what's going on here?" ulit nito sa tanong ito.
"A-a-ano kasi eh.. a-ano.." nauutal na pasimula niya.
"Eh kasi yan Captain eh. Kinukuhaan ka na naman ng picture!" sabat ni Jacob. Mukhang okay na ito dahil nagawa na nitong makatayo ng mag-isa.
"I'm asking her, Jacob. Is that true, Miss?"
"Ah.. ano.. ahm.. "
"Tignan mo! Eh di hindi ka makasagot. Silence means yes. Dalhin na natinsa principal's office para magtanda" sabi pa ni Jacob. Narinig niyang sumang-ayon ang ibang kasama nito.
"T-teka lang! Wala naman kayong proof na kinukuhaan ko nga si Kenneth ng picture!" katwiran niya.
"Proof? 'Yang camera mo ang proof. Ebidensya sa pinag gagagawa mo! " bulyaw uli ni Jacob.
"Hoy lalake! Huwag mo nga sigawan ang bestfriend ko! Hindi por que high school lang kami, papayag na kami na api-apihin niyo lang! " bulyaw pabalik ni Chiqui dito. Inagaw din nito sa kaibigan ang camera at inabot kay Kenneth. "Ayan! Tignan niyo!"
Nanlaki ang mata ni Vinie sa ginawa ng kaibigan.
OH NO!!!!!! Lagot ka sakin mamaya Chiquitita!
Babawiin pa sana niya ang camera kung hindi lang si Kenneth ang pinag-abutan ng kaibigan niya. Nakayuko lang siya habang tinitignan ng mga ito ang mga kuha sa camera niyang iyon. Nagtaka siya dahil wala man lang nagreact ng makita ang mga larawan.
Tinignan niya si Kenneth na napansin niyang nakatingin din sa kanya. Halatang nagpipigil ng ngiti. Tumaas tuloy ang kilay niya.
"Oh ano? May nakita kayo? " usisa ng kaibigan niya sa mga ito.
"Ahem. Wala. Sorry for accusing you." Inabot sa kanya ni Kenneth ang camera. "Cute." pahabol nito bago tuluyang bumalik sa court kasabay ang mga ka-teammates nito.
Nagtaka siya sa sinabi nito. Dapat ay nakita nito ang mga litrato nito at dapat binibitbit na siya ng mga ito sa office, Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Dahil mukhang naaliw ito sa kung ano man ang nakita nito sa camera niya.
Nalaman niya kung bakit. Dahil laman ng camera ang mga pictures niya. Pictures na kinuhaan nila ni Chiqui ng mag overnight ito sa kanila last week. Mga wacky pictures niya.
"Chiquitita?!"
Sigaw niya nang lingunin ang kaibigan. Ngunit wala na ito at nakita niyang kumaripas ito ng takbo. Marahil ay takot madaganan bilang parusa.