Author's POV
Adamson University, 2:00 pmFacilitator: Andito na ba lahat?
Assistant: Wala pa, Ma'am.
Facilitator: Sino pa mga kulang?
Assistant: Yung apat na taga La Salle po then yung isang taga FEU.
Habang nag aayos na yung mga maaga dumating, stuck sa traffic naman ang mga La Sallista. Si Rachel, nasa gate na.
Guard: Ano pong kailangan niyo Ms.?
Tanong ng guard kay Rachel nang mapansin na pasulyap-sulyap ito sa loob.
Rachel: Ah kuya, magtatanong lang sana. May dumating na bang athletes dito galing ibang school?
Guard: Meron po. Kasama ba kayo sa shoot?
Rachel: Opo. Galing mo akong FEU.
Pinagbuksan agad ni Manong Guard si Rachel.
Guard: Pasok po kayo Ma'am. Di niyo naman sinabi agad na isa ka dun sa mga bisita. Sorry po.
Rachel: Nako okay lang kuya. Wag ka mag sorry. So, saan ako pupunta?
Guard: Diretso ka lang tapos kaliwa. Makikita mo na doon ang gym.
Rachel: Sige po. Thank you.
Habang naglalakad, na aw-awkward siya kasi panay yung tingin ng mga students sa kanya.
Rachel: (bumulong) Ano kaya meron? Ako ba tinitignan nila?
Nakikiramdam lang siya ng may narinig na usapan ng mga studyante.
Student 1: Si Daquis ba yan? Yung player ng FEU?
Student 2: Ha?! Saan?!
Student 1: Ayun oh.
Turo niya kay Rachel na naglalakad. Bigla naman tumakbo si Student 2 sa kinaroroonan ni Rachel.
Student 2: OMG! Pa picture po!!! (Sabay hug at labas ng camera niya)
Rachel: S-sure.
Kahit naiilang, ngumiti parin siya. Yun naman pala, kilala siya ng students kaya panay ang tingin sa kanya.
Student 2: Thank you po ate Rachel!!
Maya-maya..
Student 3: Guys!! Si Daquis!!
Adamsonians: Waaaaaah!! Pa picture!! (Sabay takbo kay Rachel)
Di niya alam yung gagawin niya. Tatakbo ba siya o hahayaan niyang dumugin siya?
Rachel: S-sure.. sige.. ah wait lang.. okay.. welcome.. no problem.. hi.. hello..
Ipit na ipit na si Rachel. Kawawa naman. Iba talaga pag sikat. Unexpected kasi na makikita siya ng mga students on a regular day. Compared sa FEU students, sanay na sila na makasalubong kahit saan si Rachel.
She accomodates everyone na magpapapicture, papa autograph, at video greetings.
Rachel's POV
Adamson University, 2:30 pmNako pano 'to. May shoot pa ako. I'm already 30 minutes late. Andami pa nila eh. Huhu. Someone save me here!! :(
???: Guys tigil na yan. May shoot pa siya sa gym, kawawa naman oh pawis na pawis na.
Teka sino yun? Familiar yung boses pero di ko siya makita kasi andami nakapaligid sakin.
Pinaalis niya lahat sa harap ko para makadaan siya.
