Bakit kaya?

6 0 0
                                    

Dear Crushed,
Alam kong hindi mo alam na naging crush kita. Siyempre, Ako lang kaya ang nakakaalam. Hahaha

Ito naaaa. Ang kwento kung paano nagsimula.
- - -

Lagi kong naririnig ang pangalan mo. Sinasabi ng mga babaeng kaklase ko. Hindi ko alam kong sino ang binabanggit nilang ubod ng talino at napaka gwapo.

Siyempre nagtanong ako kung sino ka, kasi lagi ko silang nakikitang kinikilig kapag binabanggit ang pangalan mo.

Nalaman kong ka batch lang pala tayo, Tinuro ka ng isang kaibigan ko, sabi pa niya "Siya ang ideal man ko!" at bigla kang napatingin sa amin banda ngunit madaling binawi at dali daling pumasok sa katabing silid aralan.

Oh! nakita kita, para sa akin hindi ka naman gwapo maputi lang. Hindi ka nga ngumingiti eh. Bakit kaya maraming babae pati narin bakla ang humahanga sayo?

So nagtanong ako sa kaibigan kong babae na kapitbahay ko rin. Classmates kasi kayo at nakita kong close kayo. Nagtanong ako Bakit ang raming nagkaka crush sa'yo? mabait ka ba? patay na patay kasi ang mga kaklase kong babae pati narin mga kaklase mong babae. Sagot naman ng Kaibigan kong babae na kapitbahay ko rin ay "Siguro malakas lang sex appeal niya at mabait naman. Sana maging kaklase mo siya balang araw at magiging matalik kayong kaibigan."

Nasabi ko nalang sa sarili ko na Bahala na si Tadhana.

CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon