BINGO! (oneshot)

86 4 0
                                    

BINGO!

by: ladyAima

Readers kagaya ng sabi ko dati ang storyang eto ay hango din sa napakalawak kung imagination pero ang pinagka-iba nito ang ibang parts ng story na ito ay hango sa totoong nangyari (kay author:D) dinagdagan ko lang at yun yung mga gusto ko sanang mangyari. Enjoy the this story.

---------------------------

Sigurado ako lahat tayo may pinapangarap sa buhay natin katulad ng makapag-tapos sa pag-aaral, makahanap ng maayos na trabaho para masuklian natin ang mga bagay na pinaghirapan ng mga magulang natin, magkaroon ng totoong kaibigan at higit sa lahat ang mahalin ng taong matagal mo ng crush na naging gusto at hindi mo namalayang mahal mo na pala.

Ako nga pala si Geilyn Anne Cruz. 3rd year nursing student ng isang university. 18 years old na. Hindi katangkaran, kayumanggi ang aking balat, pinagkaitan ng hinaharap at ng pwet for short i know i'm not that sexy, hindi rin kagandahan, NBSB din ako. walang nagkakamali eh, hindi kasi ako yung tipo ng mga lalaki. bakit naman sila pipili ng isang katulad ko kung meron namang babaeng mas higit sa akin.

Si Mark Vin Lopez ang lalaking pinapangarap ko. Siya ang Prince Charming, Mr. Right at ang Dreamboy ko. Alam ko hindi siya perpekto may mga bagay akong di pa alam sa kanya, hindi pa kasi ako binibigyan ng pagkakataon para makilala siya. sa malayo ko lang siya pinagmamasdan.

Sabi niya di raw naman siya ka-gwapuhan, sabi rin ng iba pero siya yung tipo ng lalaki na pinapangarap din ng isang babaeng katulad ko. Matangkad, Moreno, Smart at isa siyang lalaking may destinasyon ang buhay. currently junior phographer siya ng university namin, kaya naman kilala siya sa school namin. Every semester kasi kumukuha kami ng kwadyerno na gawa ng mga studyante sa school at parati siyang andoon, most of the pictures kasi kuha niya at ng mga kasamahan niya.

"GEILYN!!!" sigaw ni christine matalik kung kaibigan, lahat ng sekreto ko ay alam niya, siya yung taong pinagkaka-tiwalaan ko.

"o-ow? ano problema?" sagot ko naman sa kanya

"ayan ka na naman geilyn. daydreaming na naman, pwede ba stop muna yan. hahanap pa tayo ng mauupuan natin" sabay hila sa akin. formal academic opening pala namin ngayon, every year ng ginagawa eto para pormal na buksan ng presidente ng university namin ang school year.

"so-sorry christine. tara!" sabay hila sa kanya para makahanap ng mauupuan namin.

"mara mara! may naka-upo dito?" tanong niya sa isang kaklase namin

"dito.. wala. hehe!" sagot naman niya

"mabuti naman, geilyn tara upo na tayo" hinila niya naman ako at umupo na rin

"christine?" tanong ko

"ow? ano yun?" sabi niya

"saan naka-upo ang CEN? (College of Engineering)" habang paikot-ikot ang ulo ko. asan na ba kasi yun!!

"ahay! geilyn hinahanap mo na naman yun.."

"sige na please! tulungan mo ako" pagmamakaawa ko naman

sabay kami naghanap, mahirap di hanapin yun ang dami kasing estudyante. may anim kasi na college ang university na to, mga highschool din at elementary kaya naman punong puno ang gymnasium.

"AYUN! geilyn" sabay turo

madali ko naman nahanap. nginitian ko lang siya at pinagpatuloy ang paghahanap kay mark.

ilang sandali ang nakalipas at hindi ko pa rin siya makita. nalungkot ako :(

"christine, di ko siya makita" sabay yuko at halatang halata na malungkot ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BINGO! (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon