Group Message (After One Year)

7.4K 122 26
                                    

Hindi ito Part 2 kagaya ng inaasahan mo. Kung hindi mo feel basahin, 'wag mo na lang ituloy. Kung curious ka naman kung bakit ganyan ang title then, go on. Feed your curiosity! Malay mo may mapala ka sa pagbabasa mo’t masabi mo na lang sa huli na hindi ka na bitin.

Let’s start!

GM is on its one year anniversary! That’s why ganyan ang title. After one year, ang daming nangyari sa kwentong ito. “Paanong ang daming nangyari samantalang bitin nga ang ending?” Alam kong ganyan agad ang sasabihin ninyo. Kung hindi man, may tanong pa ring mabubuo sa isipan ninyo.

Konting paligoy-ligoy muna bago ko sabihin kung ano nga ba talaga ang ipinupunto ko sa sinasabi kong maraming nangyari sa kwentong ito.

Kung matagal na kitang follower sa Tumblr at nababasa mo ang mga posts kong bibihira pa sa patak ng ulan doon, malamang alam mo na kung paano nabuo ang kwentong ito. Well, kung hindi pa, let me tell you again!

I have this friend of mine na mahilig mag-GM. Babae siya. Kung ano iyong reklamo ni Dex sa mga GMs ni Lovely na natatanggap niya, ganoon rin ako. 'Yong tipong wala ka namang kinalaman pero pinapadaanan ka pa rin ng mga GMs niya at 'yong dapat siya na lang ang nakakaalam ay ipinangangalandakan pa niya sa iba! Nakakainis lang, 'di ba? Pampasikip lang sa inbox. Hindi ko naman magawang barahin dahil naba-vibes kong hindi na niya ako i-te-text once na sabihin ko sa kanya ang mga hinaing ko sa GMs niya. Kaya hinayaan ko na lang! Sa kabila ng pagkainis ko sa mga pinapasa niyang GMs, binabasa ko pa rin naman.

 

Doon ko naisipang gumawa ng kwento tungkol sa GM. Bad mood ako habang sinisimulan kong gawin 'yong kwento. Kung kayo ay napapangiti habang binabasa ang GM, nakakunot-noo naman ako habang nagtitipa ng bawat letra sa keyboard para ipagpatuloy ang kwento at tapusin ito. Hindi ko matandaang kinilig ako habang sinusulat ko 'yon.  Pilit kong hinahalukay sa utak ko kung ano ba ang dapat mangyari sa kwento. Hanggang sa natapos ko ito sa loob ng hindi ko matandaan kung ilang araw nga ba. (Trivia: Kapag nagsusulat ako ng maikling kwento, hindi ako 'yong tipong isang upuan lang. Ilang araw bago ako makatapos ng isang maikling kwento.) 'Yong kilig na naramdaman ko, lumitaw lang n’ong binasa ko na. Haha! Late reaction ako eh!

 

Habang binabasa ko ang isang maikling kwentong natapos ko na naman, napagtanto kong minsa’y naging  si Lovely rin pala ako. Ibig sabihin, 'yong inirereklamo kong GMs ng kaibigan ko ay panama rin pala sa sarili ko. Ang timang ko lang! Haha! Ganoon ako noong college. Way back high school naman, wala pa akong cellphone at kay Papa ang gamit ko. 'Di pa uso ang unli n’on. Kaya naman, pumi-feeling GM ang PM ko naman talaga noon para kay crush. Hehe! 'Yong panama quotes ni Lovely na, “Minsan akala mo GM na pero 'yon pala IKAW lang ang pinadadalhan. Nilagyan lang ng GM para 'di mahalata!” ay pinasa lang  ng isa sa mga kaibigan ko noon na hindi ko na matandaan kung sino. Sapul ako kasi ganoon ako! Kaya pagkatapos kong mabasa 'yon, nag-lie-low na ako. Haha! Pero kapag naiisipan ko, sige pa rin ako. Hehe!

 

Hindi ko matandaan kung kailan ko nga ba ito naumpisahan at natapos basta ang naaalala ko lang ay kung kailan ko ito na-i-post dito. Napagtanto ko rin lang ito makalipas ang apat na buwan. To my surprise, I posted it on the very special day of my life pala.

 

At iyan ang kasaysayan ng Group Message!

Group Message (After One Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon