Chapter 2: Enrollment day=Payback time

32 3 0
                                    

 

 

"Haay! Ang tagal naman nung dalawang yun late na naman eh!"

 

Nandito ako ngaun sa lobby ng school namin. Hinihintay ko ang dalawa kong bestfriends, si Avah at Angelo. Magpapaenrol kasi kami eh. Yes! 1 year na lang graduate na kami. Ahihihi.

 

Ay oo nga pala. Di nyo pa ko kilala diba? Haha. Tsuri naman.

 

Me is Ayenne Jane Salvador. Incoming 4th year student sa St. Mary's Academy. I'm 16.Taga dyan lang sa tabi-tabi. Haha. 

Teka wait lang. Cut na muna ha? Nandito na kasi yung dalawa kong ON TIME na kaibigan. Haha. Hingal na hingal eh. Aba! Dapat lang magmadali sila noh?

 

Okay sermon portion na ito. Hoho.

 

"Wow ha! Nakakahiya naman sa inyong dalawa. Sana tinodo nyo nang 2 oras akong paghintayin. Nahiya pa kayo sa'kin eh. At nakuha nyo pa talagang bumili ng Zagu ha. Anung oras--. . . . ."

"Oooops! Tama na talak bakla. Gora na tayo dun. Late na nga diba? Dali! Ang haba na ng pilaness oh!!" Sabi ni Angelo, ay Angela pala. Haha landi landi nitong baklang to.

"At ikaw pa talaga may ganang magsabi nyan ha." Sabi ko sa bakla. Haha

"Hay naku girl! Sorry na nga eh. Oh eto na Zagu mo. Binili ka na namin. Chill lang! Haha" -Avah

 

 Sus!! Nanuhol pa eh, pero kung ganito ba naman lagi eh. Kahit forever late na sila. Haha.

Kinuha ko yung Zagu at pumunta na kami sa pila ng mga estudyante. Grabe ang haba eh. Nandito kami sa pinakahuli. Tokwa kasi tong dalawang to eh.

 

After almost an hour, medyo mahaba pa'rin ung pila. Grabe naiihi na ko eh.

 

Binulungan ko si Avah.

 

"Uy ihi tayo."

 

"Anla, tinatamad ako. Si Gelo na lang ayain mo"

 

 

"Shunga teh? Alangan isama ko yan sa loob ng CR?"

 

"Eh anu naman? Mas malandi pa naman yan sayo eh."

 

"Eh dali na kasi! Ihing-ihi na ko eh"

 

"Hay naku, istorbo ka naman eh. Ganda-ganda ng view ko dito eh. Tara na nga!"

 

"Mamaya ka na lang lumandi. Lalakad na lang kita kay Ash. Haha. "

 

"Oy bakla, bantayan mo ung upuan namin ha?" Bilin ko kay Gelo.

 

"Oo na! Bilisan nyo!" --Gelo

 

Pumunta na kami ni Avah sa CR. Grabe pati ba naman dito ang daming tao. Takte yan.

 

After 35876 years, yun nakaihi rin. Success!

 

 

My Beautiful MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon