imprisoned

288 10 2
                                    

Dalawang taon na rin ang lumipas simula nung iwan kami ng mga magulang namin sa mundong ito.

Sabay silang namatay sa aksidente na ayaw ko nang
alalahanin pa. Hanggang ngayon
parang natutuliro pa rin ako sa tuwing
maiisip ko ang masalimuot na sinapit
nila. Pero ngayon ay ayos na ako,
iniisip ko na lang na masaya na sila
kung saan man sila naroroon. Ang
kailangan ko na lang gawin ay
magpatuloy sa buhay kasama ng aking
dalawa pang nakatatandang kapatid.
Si ate Belle ang panganay namin 25 na
sya at nagtatrabaho sya bilang
supervisor sa isang department store.
Ang pangalawa naman ay si kuya JP,
23 at sa isang call centre naman sya
naghahanap buhay. Ako ang bunso,
Lance ang pangalan ko pero "tart" ang
tawag sakin ni ate at kuya dahil sweet
daw ako nung bata ako. Ganun din dati
ang tawag sakin nila mama at papa. 19
na ako, turning 20 this December. Nag-
aaral ako ng kolehiyo sa isang
unibersidad dito sa Quezon City.
Simple lang ang pamumuhay namin.
Nakakabili kami ng mga
pangangailangan namin at kung
minsan kinakapos pa rin. Sa amin
naman kasing tatlo, ako lang naman
ang nabuhay sa luho eh, spoiled kasi
ako sa ate at kuya ko hanggang
ngayon. Kung ano hingiin ko,
ibinibigay nila, pero minsan
nasesermonan ako ni ate pagka medyo
napasobra ang hingi ko, tapos
ngingitian ko lang sya at yayakapin. Si
kuya? Wala lang, kahit ano hingiin ko
sa kanya hindi sya nagrereklamo pero
minsan nagagalit din sya pag nalaman
nyang ginabi ako ng uwi.
Sabado ng umaga, tanghali na ako
nagising wala namang pasok kaya
hindi pa sana ako babangon. Pero
biglang may kumatok sa pintuan ng
kwarto namin ni kuya.
"Tart, bumangon ka na dyan at kumain
ka na dito. Bilisan mong bumaba,
papasok na ako." Sigaw ni ate sa akin.
"Oo 'te, liligpitin ko lang 'tong hinigaan
ko." Sagot ko.
Parang ambigat ng katawan ko nung
bumangon ako. At paglinga ko sa
paligid ay nandoon na pala si kuya sa
kama nya. Mahimbing na natutulog.
Nakaboxer shorts lang sya at wala
syang pangitaas. Bumaba ako ng kama
at lumapit ako sa kinaroroonan nya.
"Angwapo talaga ng kuya ko, Hmm!
Kung hindi lang kita kuya malamang
ginahasa na kita kanina pa." sabi ko sa
isip ko habang gumagapang ang tingin
ko mula sa mukha nya pababa sa
malapad nyang dibdib sa abs at
syempre sa umbok nya na matagal ko
nang inaasam na makita at
mahawakan. Napangiti ako sa mga
iniisip ko dahil parang napakaaga pa
para maglaway ako sa kuya ko. "Psst!
Masama yang iniisip mo, magkapatid
kayo."sabi ng konsensya ko.
Mga ilang minuto na rin pala akong
nakatitig sa kanya ng bigla na namang
sumigaw si ate na naging dahilan para
maalimpungatan si kuya. Ako naman
ay nagulat at bigla akong napatalon
muli sa kama ko.
"Tart! Ano ba! Sinabing papasok na 'ko
eh, bahala ka hindi kita bibigyan ng
allowance mo, sige ka." Sabi ni ate.
Pupungas pungas si kuya nang imulat
nya ang mga mata nya. Na parang
medyo napasimangot dahil sa sigaw ni
ate.
"Ano ba yan si ate, tsk! Aga aga, sigaw
ng sigaw. Bumaba ka na kasi dun tart,
alam mo namang hindi ka titigilan
nyan eh. Hindi tuloy ako makatulog ng
maayos dahil sa inyo." Reklamo ni
kuya habang nakakunot pa ang noo.
Tumayo ako at iniligpit ko na ang
hinigaan ko. Nang matapos ako ay
kaagad akong bumaba. Pagbaba ko
naman ay umamba si ate na
kakaltusan ako nang makita nya ako.
"Tsk! Malelate ako ng dahil sa 'yo eh.
Oh, ito yung allowance mo. Baka pag-
uwi ko mamaya hindi ka pa
nakapagsaing ah, kakalbuhin na talaga
kita." Parang gigil na gigil si ate.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko
sya.
"Bye ate, I love you." Paglalambing ko
sa kanya.
"Naku! Wag mo akong daanin dyan sa
pagpapacute mo ah. Gulpi ka talaga sa
akin pag walang sinaing dyan
mamaya, yun na nga lang pinapagawa
ko sa 'yo eh." Sabay pisil nya sa pisngi
ko.
Pagkatapos ay tumuloy na sya sa
pagpasok.
Ganyan kami maglambingan ng ate ko.
Sobrang bait nya pero hindi mo
gugustuhing makita syang nagagalit.
Dahil mas nakakatakot pa sya kesa kay
Celia Rodriguez. Maganda si ate kaya
may pagkapihikan din sya sa lalake.
Kaya pag nagkaboyfriend ay
siguradong pangmatagalan. Katulad na
lang ni kuya Edrick na halos mag-
aanim na taon nya nang kasintahan.
Halos araw araw sya kung magpunta
dito sa bahay, pero itong mga
nakaraang linggo ay madalang ko na
syang makita. Hindi ko naman alam
kung bakit. Ayaw ko namang mag-
usisa kay ate dahil pagdating sa mga
personal na bagay ay ayaw kong
nangingialam sa mga kapatid ko.
Pagkalabas ni ate ay agad akong
naghilamos at nagmumog. Kumakain
ako mag-isa sa lamesa nang marinig
kong may bumababa sa hagdan. Si
kuya JP papunta sa lababo at
naghilamos. Ang ganda talaga ng
katawan nya kaya sa tuwing titigan ko
sya ay hindi ko mapigilang tigasan.
Lalo na nung humarap sya,
napanganga na lang ako dahil nakita
ko yung malaki nyang bukol sa
harapan nya. Parang nawalan ako ng
gana sa pagkain dahil iba na ang gusto
ko kainin.
"Wui! Anong tinutunganga mo dyan?
Kumain ka nga ng maayos dyan, kung
ano ano yang tinitingnan mo." Sabi ni
kuya sabay ngiti ng mapang-asar.
Natauhan naman ako sa ginawa nya, at
kinabahan ako ng matindi dahil
mukhang nakita nya kung ano ang
tinititigan ko. Pero para maiba ang
issue ay nagtanong na lang ako sa
kanya.
"Oh! Kuya bakit gumising ka na? Konti
pa lang tulog mo ah." Tanong ko.
"Hindi na ako makatulog, ang ingay
nyo kasi ni ate kanina eh. Babawi na
lang ako mamaya, nagugutom na rin
kasi ako."sagot nya sa akin.
Pagkatapos nun ay kumuha sya ng
plato at tsaka umupo sa harapan ko
para kumain na rin.
"May girlfriend ka na ba tart? Bakit
wala ka yatang dinadala dito?" nagulat
ako sa tanong na ito ni kuya.
"Huh? Ah, wala pa, baka kasi magalit si
ate pag nag-girlfriend ako. Baka
sabihin nya pinababayaan ko ang pag-
aaral ko." Sagot ko sa kanya.
"Naku! Natural lang naman na
magkaroon ka ng girlfriend eh,
inspirasyon 'yon. Ako nga eh, nung
naging girlfriend ko si ate Regine mo
tumaas yung grades ko nung nag-aaral
pa ako. Dahil sinisipag ako mag-aral,
kasi matalino 'yon, kaya ayaw kong
mapahiya sa kanya. Tingnan mo, kami
pa rin hanggang ngayon." Kwento ni
kuya.
Kung patagalan nga pala ng syota ay
wala na sigurong tatalo kay kuya.
Naging girlfriend nya si ate Regine
nung 3rd year high school pa sya at
hanggang ngayon na nagtatrabaho na
sya ay sila pa rin. Mukhang tuloy na
nga sila sa kasalan eh. Magsasampung
taon na sila, hindi ko nga alam kung
paano sila nakatagal ng ganun eh.
Hindi pa kaya sila nagkakasawaan?
Sabagay ako nga, mula noon hanggang
ngayon crush ko pa rin si kuya pero
never ako nagsawa sa mukha nya.
Pero iba naman ako, kapatid nya ako
eh. Si ate Regine naman ay hindi, pero
sa tingin ko mahal na mahal nya talaga
si kuya. Napakabait rin naman kasi
nun, maganda pa kaya nga crush ko
rin yun eh. Napapatunganga ako dati
pag nakikita ko sya, sabay bigla nya
akong ngingitian. Hanggang sa
pagtulog ko nakikita ko yung mga ngiti
nya sa akin. Muntikan na nga akong
mainlove dun eh, bigla ko lang naisip
na girlfriend nga pala sya ni kuya.
"Tsaka na lang, pag hindi na ako
masyadong busy sa school. At tsaka
wala pa akong nakikitang para sakin
eh." Sabi ko kay kuya.
"Wala pang nakikita o baka naman
kasi iba ang gusto mo." Sabi nya sabay
ngiti.
"Sira ka kuya, kung ano ano iniisip
mo." Sabi ko sabay simangot.
"Bakit hindi ba? Crush mo nga ako
diba?" tanong nya at may kasamang
nakakainis na ngiti.
"Kapal mo, kelan kita naging crush?
Mas cute naman kaya ako kesa sa 'yo
noh." Sabay simangot ko.
"Sus! Kunyari ka pa, ayaw mo pa
aminin. Kakosa ka ba? Hahahahaha!"
sarkastikong tanong nya na talaga
namang ikina-asar ko.
"Ewan ko sa 'yo kuya." Sabi ko sabay
binilisan ko ang pagkain ko at tsaka
tumayo at inilagay sa lababo ang
pinagkainan ko.
"Tart! Wui, binibiro ka lang eh. Bahala
ka, hindi ko dadagdagan yang
allowance mo." Sabi saken ni kuya.
Dahil 'yon ang pinakamatindi kong
kahinaan ay bumalik ako sa upuan, sa
harap nya. Inilahad ko ang kamay ko
sa harap nya na para bang hinihingi ko
na 'yong allowance na ibibigay nya.
"Naku ka, tampo tampo ka pa dyan.
Hindi mo nga ako crush, ang tingin mo
kasi saken ATM. Tsk! Ibibigay ko
mamaya, pag naghugas ka na ng
plato." Sabi ni kuya.
"E, ayoko tsk! May sugat ako sa kamay
oh." Sabay ipinakita ko sa kanya yung
nahiwa ng kutsilyo kahapon habang
naghuhugas din ako ng plato nun. Si
kuya lang ang kaya ko dramahan ng
ganito. Dahil kung kay ate ko gagawin
ito ay siguradong katakot takot na
sermon na naman ang aabutin ko.
"Aba, totoo nga ah. Sige ako na lang
maghuhugas kunin mo na lang yung
wallet ko dun sa kwarto. Baka kupitan
mo pa ako ah! Isusumbong na kita kay
ate." Pananakot nya, dahil madalas ko
nga syang kupitan. Actually hindi
naman talaga kupit ang tawag dun,
kasi sinasabi ko naman sa kanya agad
pag nagastos ko na hahaha.
Kinuha ko ang wallet nya at binuksan
ko para makita ko kung magkano ang
laman. "Aba mukhang kakasahod lang
ah. Mabaet ako ngayon, hindi ko sya
kukupitan." Sabi ko sa sarili ko.
Bumaba na ako at dinala sa kanya ang
wallet nya. Pagkaabot ko sa kanya ay
agad nyang tiningnan ang laman nun
at parang binibilang pa nya.
"Magkano kinupit mo dito ah?" tanong
nya habang ngumunguya.
"Wala akong kinupit dyan ah, bilangin
mo pa." sagot ko.
Pagkatapos nun ay iniabot nya sakin
yung 500.
"Tsk! Ito lang?! Kulang 'to kuya. 500
lang din binigay ni ate sakin eh.
Papano ko naman yan pagkakasyahin
ng dalawang linggo." Reklamo ko sa
kanya. Pero ang totoo 1,5k ang binigay
ni ate na pang-allowance ko sa
dalawang linggo. Hindi naman sila
nagtatanungan tungkol sa mga
ibinibigay nila sa akin kaya malakas
ang loob ko.
"Haynaku, kuripot talaga nun ni ate.
Oh! 500, 1k na yan ah baka
reklamuhan mo pa ako." Sabi ni kuya.
"Kuya, dagdagan mo pa, please!"
pacute kong pagkakasabi.
"Hehehe! Ayos ka tart ah, hindi ka nga
nangupit, parang hinold-up mo naman
ako. Oh ayan na, tama na yan!" Sabi ni
kuya sabay lapag ng wallet nya at
muling kumain.
"Thank you kuya. I love you." Sobrang
saya, malaki na naman ang kinita ko sa
pang-uuto ko kay kuya hahaha.
"Hmp! Wala man lang akong
pakonswelo. Hindi mo man lang ako
magawang ipagligpit ng kama ko.
Tuwing darating ako, kung papaano ko
iniwan ganun ko pa rin aabutan.
Pagod na nga si kuya sa trabaho eh."
Paawa ni kuya sa akin.
"Sige! Liligpitin ko na 'yong kama mo
mamaya." Sabi ko.
"Wag na, sumakit pa yang SUGAT mo
tsk." Nilaksan nya talaga yung
pagkakasabi ng sugat. Hahaha maliit
lang naman kasi. Ganyan talaga si
kuya. Sa kanilang dalawa ni ate sya
ang nauuto ko ng walang kahirap
hirap.
Pagkatapos naming mag-usap ay
pumunta na ako sa sala at binuksan ko
yung t.v., Walang magandang palabas
kaya binuksan ko yung dvd at isinalang
ko yung anime na one piece, na binili
ko kahapon. Mga 15 minutes lang ang
nakalipas at natapos na rin si kuya sa
pagkain at paghuhugas nya ng plato.
Pumunta rin sya ng sala at nagsindi ng
isang stick ng yosi. At sinabayan akong
manood, alam ko namang paborito nya
rin ito eh. Ang totoo nyan, naging
paborito ko 'to dahil sa kanya. Sya
talaga ang original na adik sa anime na
'to.
"Sus! Late ka naman masyado. Mga
mahihina pa sila nyan eh. Sa net ka na
lang kaya manood. Updated doon sa
watchop.com. oh kaya magbasa ka ng
manga para mas latest yung mga
episodes. Tagal na nyang pinapanood
mo eh." Sabi nya. Sabi ko sa inyo eh,
sya talaga ang adik dito.
Habang nanonood kami ay biglang
may nagtext kay kuya. Anlakas kasi ng
tunog ng cellphone nya kaya rinig
mula kwarto hanggang sala. Nilalaksan
nya talaga 'yon pag nasa bahay sya
dahil madalas nya 'yong maipatong
kung saan at hindi nya na matandaan
pag hinahanap nya na. Dali dali syang
umakyat para kunin yung cellphone
nya. Pagbaba nya ay nakatapat na sa
tenga nya yung cellphone at may
kinakausap na.
"Dito 'ko sa bahay hon. Sunduin ba kita
dyan? ... Ah, ok sige hintayin na lang
kita dito... I love you too." Sabi ni kuya
sa kausap nya sa cellphone. Hon ang
sabi nya kaya siguradong si ate Regine
yun.
"Pupunta si ate Regine mo dito,
ipagtimpla mo ng kape ah. Mas gusto
nun na ikaw ang nagtitimpla kesa sa
akin eh." Utos ni kuya.
"Oo naman, hindi mo na kailangan
sabihin."basta pagdating kay ate
Regine ay todo asikaso ako. Gusto ko
kasing kumportable sya sa bahay.
Inaasikaso ko sya habang nag-uusap
sila ni kuya.
Kalahating oras lang ang lumipas at
dumating na nga si ate Regine. Wow!
Na lang nasabi ko at napapatunganga
na naman ako sa kanya. Hindi sya
nagbabago, siguro diwata sya, kasi
mula noon hanggang ngayon pareho
pa rin ang kagandahan nya eh. Isa pa
hindi sya katulad ng iba na todo effort
sa pagme-make-up para magmukhang
maganda. Sya hindi, polbo nga lang
yata ang ginagamit nya eh. Para syang
ilaw na nagpapaliwanag sa buong
kabahayan sa tuwing makikita ko sya.
Sa kakatunganga ko ay hindi ko na
namalayan na nasa harap ko na pala
sya. Bigla na lang naramdaman ko ang
pagpisil nya sa pisngi ko kaya
natauhan ako.
"Angcute mo talaga! Effective pa rin
ang beauty ko sa kapatid mo ano hon?"
sabi ni ate Regine.
"Oo nga, kaya nga hindi yan
magkagirlfriend eh. Mukhang
hinihintay tayong mag-break, para sya
naman manligaw sa 'yo." Si kuya.
"Hahaha! Ganun ba gusto mo Lance?
Sige ibebreak ko na kuya mo, para
maligawan mo na ako ha." Sabi ni ate
Regine sabay tawa nilang dalawa ni
kuya.
"Oh, ano na? Kumustahin mo si ate
mo. Nakatunganga ka na lang dyan,
sabi mo ipagtitimpla mo sya ng kape."
Sabi ni kuya.
"Hi! Ate, tagal mong hindi pumunta
dito ah. Namiss kita. Gusto mo ng
kape?" tanong ko kay ate Regine.
Ngumiti lang sya at tumango.
Nagpunta na ako sa kusina para
maipagtimpla ko sya ng kape. Pagbalik
ko ay nakita ko silang nagkiss. Medyo
nakaramdam ako ng selos, pero sanay
na naman ako kaya mabilis lang
nawawala yung sakit sa loob ko. Ang
mahalaga masaya silang dalawa,
masaya na rin ako.
Pagkatapos maubos ni ate Regine ang
kapeng tinimpla ko ay umakyat na sila
sa taas. Ako naman ay naiwan dito sa
baba para iligpit yung tasa at
ipagpatuloy na ang naudlot kong
panonood. Bago sila umakayat ay
pinaalalahanan ako ni kuya na wag
daw akong aakyat sa taas. Medyo
nako-curious ako sa kung ano ang
ginagawa nila sa itaas kaya dahan
dahan akong umakyat. Parang
magnanakaw na wala man lang kahit
konting tunog. Nakasara ang pinto,
saradong sarado talaga. Malas! Pero
idinikit ko yung tenga ko sa pinto at
nakinig ng taimtim. Wala akong
marinig nung umpisa hanggang sa
bigla na lang may impit na ungol
akong narinig.
"Hhmmpp! Hhmmp ah! Idiin mo
pa."boses ni ate Regine. Nakaramdam
ako ng pang-iinit sa katawan ko.
Mukhang alam ko na kung ano ang
nangyayari. Napangiti ako at muling
nakinig.
"Wag kang maingay baka marinig tayo
ni Lance alam mo naman yun." Bulong
ni kuya kay ate. Naririnig ko ang
pagsasalita nya dahil na rin sa
baritonong boses nya na mahirap
gamitin sa bulungan. At isa pa nasa
bandang pinto ang pwesto ng kama
nya kaya madali lang marinig.
Rinig na rinig ko ang lagitik ng kama
nya. Pati na rin ang mga impit na
ungol ni ate Regine. Pero hindi na sila
nag-uusap. Nakakainis yun pa naman
ang gustong gusto ko marinig. Kung
paano sila mag-usap habang nagsesex.
Mas nakakalibog kasi yung pag-uusap
nila kesa sa mga ungol nila. Para sa
akin kasi, mas nakakapang-init ng
katawan pag naririnig ko yung usapan
nilang tungkol sa kalibugan. Yung
tipong "Ipasok mo na ah, sige pa!
Isagad mo pa." Wala na talaga akong
naririnig pero sapat na ang init na
nararamdaman ko at ang imahinasyon
ko para pumunta ng cr at paligayahin
ang sarili ko. Papunta na sana ako ng
banyo ng biglang.
"Hoy! Sabi ko sayo wag kang aakyat
diba? Hahahaha! Akala mo may
ginagawa kami noh!?" malakas na
sigaw ni kuya nang bigla nyang buksan
ang pinto. Tawa sila ng tawa ni ate
Regine. Ako naman ay parang nawalan
ng dugo sa sobrang nerbyos. Tsk!
Pinagtripan lang pala ako ng mga 'to.
Nawala tuloy yung nararamdaman
kong libog.
"Pilyo ka Lance ah. Binata ka na
talaga, mukhang mahilig ka na eh.
Hahahaha. Nagpamasahe lang ako sa
kuya mo kasi masakit talaga 'yong
katawan ko. Hahaha." Sabay lapit sa
akin ni ate Regine at pinisil na naman
ang pisngi ko. Para akong matutunaw
sa hiya nang sabihin iyon ni ate.
"Mag-girlfriend ka na kasi para
magkaron ka na rin ng experience.
Hahahaha!" sabi pa nya.
Bumaba na ako at sumunod naman
silang dalawa. Bumalik kami sa sala.
Parang ayaw ko na sila tingnan sa
sobrang hiya ko kaya napapayuko na
lang ako.
"Ok, lang 'yon natural lang naman
'yung ginawa mo eh. Pero para
malaman mo, hindi namin gagawin
'yon dito sa bahay nyo. Hahaha alam
naming osyusero ka eh. Hahaha." Si
Ate Regine habang si kuya naman ay
tawa ng tawa. Nakakainis talaga sila.
Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang
panonood ko nang nakasimangot.
Hindi naman gaanong nagtagal si ate
Regine sa bahay. Halos magiisang oras
lang sya at maya maya pa ay inihatid
na rin sya ni kuya sa labasan. Pagbalik
ni kuya ay nakangiti sya na sobrang
nakakaasar. Kaya hindi ko na sya
pinansin. Lumapit sya sa akin at
inakbayan ako. Sabay baling nya sa
tenga ko.
"Bitin?" pabulong na pagtatanong nya
sa akin.
Grabe talaga ang boses nya
nakakakuryente lalo na nung
maramdaman ko ang mainit nyang
hininga sa tenga ko. Nagtayuan ang
mga balahibo ko at muling bumalik
ang libog ko. Inialis nya na ang bibig
nya na nakalapit sa tenga ko at umupo
sya ng maayos. Napatingin ako sa
kanya at ganon rin sya sa akin. Parang
inaakit nya ako sa pamamagitan ng
mata nya na sobrang pungay. Parang
lasing lang. Sabay hawak nya sa
umbok nya at piniga iyon.
Kinakabahan na ako, baka kung ano
ang magawa ko pag nagpatuloy pa sya.
Sabay binasa nya ang labi nya gamit
ang dila nya. "Takte!" sabi ko sa isip
ko. Init na init na ako sa nakikita kong
ginagawa nya.
"Tart! Tart! Wui!" pagtawag sa akin ni
kuya na may pagtataka sa mukha. Tsk!
Imahinasyon ko na naman pala.
"Hahaha! Ikaw ah, tayung tayo na yan
ah." Sabay nguso nya sa ibaba ko.
"Putek!" sabi ko sa isip ko dahil, bakat
na bakat ang pagkakatayo ng alaga ko
sa jersey shorts na suot ko. Pagkatapos
nya sabihin iyon ay tumayo na sya at
dumiretso sa kwarto. "Tulog muna ako
Tart ah, ikaw na bahala sa bahay.
Pakigising mo ako ng alas-sais ah."
Natulog na nga si kuya at naiwan na
naman akong tulala sa mga
pangyayari. "Bwiset ka Lance, anlibog
mo talaga pati kuya mo, tsaka
girlfriend nya pinagnanasaan mo."
Sabi ko sa utak ko. Pagkatapos ay
pumunta na ako sa banyo para
makapagpalabas na at matigil na 'tong
kalokohang nasa utak ko. Napakatindi
talaga ng imahinasyon ko lalo na pag
nalilibugan.
---
"Kuya! Gising na alas-sais na!"habang
niyuyug-yog ko ang katawan ni kuya.
Madali lang naman gisingin si kuya
dahil may pagkatulog manok ito.
Siguro nakasanayan nya na dahil sya
palagi ang ginagawang taga-gising ni
papa dati. Pag kailangan na ni papang
pumasok sa trabaho, si mama naman
kasi ay pang-gabi rin sa call centre
noon.
"Hmm!" sabi ni kuya. At kinusot nya
ang mata nya sabay mulat. Tumingin
sya sa akin at ngumiti. "Ipag-init mo
ako ng tubig, please!" pakiusap nya
habang nagiinat. Kahit kelan hindi pa
sya naligo ng walang mainit na tubig.
"Tapos na." tugon ko sa kanya.
Bumangon na si kuya at tuloy tuloy na
bumaba. Kagaya ng ipinangako ko sa
kanya ay iniligpit ko nga ang hinigaan
nya. Pagkatapos ay sinundan ko sya sa
baba.
"Tart nagsaing ka na ba?" Tanong nya.
"Opo, kuya."
"Wow! Mukhang ansipag mo ngayon
ah. Ano kayang nakain mo?" pang-
aasar ni kuya.
"Napapagod na nga ako kuya eh,
nilinis ko 'yung buong bahay tapos
nagsaing pa ako pati pinag-init kita ng
tubig. Tsaka kakatapos ko lang ligpitin
yung kama mo. Grabe napapagod na
talaga ako." Parinig ko kay kuya.
"Aysus! Kawawa naman ang bunso
napagod na. Sige may regalo ka sa
akin bukas pag-uwi ko. Pakakainin kita
ng hotdog." Sabi nya sabay ngisi.
Uminit ang tenga ko sa mga sinabi nya.
Parang ewan lang. Mabilis akong
nalibugan ng marinig ko iyon. Hindi
ako nakapagsalita agad. Pumunta na
lang ako ng sala para doon tumambay.
"Siraulo ka talaga!" sabi ko sa kanya
sabay biglang tawa nya ng malakas.
Matapos nya kumain at maligo ay
mabilis syang nagbihis at lumabas na
ng bahay dahil susunduin nya pa raw
si ate Regine sa kanila.
Nakatunganga pa rin ako. Dahil sa
nagdaang isa't kalahating oras ay hindi
ko naalis sa isip ko ang sinabi ni kuya.
Grabe anlakas talaga ng epekto nya sa
akin. Parang hindi man lang sya nag-
eeffort para libugin ako. Take note,
hindi nya alam na tinatablan ako sa
kanya ah. Ewan, siguro alam naman
nya yun, talaga lang nang-aasar.
Maya maya pa ay may kumatok sa
pintuan. Malamang si ate na 'yon dahil
ganitong oras naman ang madalas na
uwi nya galing sa trabaho. Pumunta na
ako sa pinto at binuksan ko iyon.
"Shete! si kuya Edrick." Nagulat ako sa
kanya dahil hindi ko naman inaasahan
na sya ang makikita ko. Fitted white
shirt lang ang suot nya at pulang
basketball shorts. Sanay naman ako na
nakaganun lang sya sa tuwing pupunta
sya rito. Hindi naman kasi ganung
kalayo ang bahay nya rito eh.
"Si ate mo nandyan na ba?" tanong
nya. Habang nasa pinto pa rin.
"Ha? Ah, eh. Wala pa po kuya. Halika
pasok ka." Sabi ko.
Tinitigan nya ako ng diretso sa mga
mata ko. At napaatras ako nung
umabante sya papasok. Hindi ko rin
maialis ang mga mata ko sa kanya,
parang napako na.
"Anong oras kaya darating yun?"
tanong ulit nya.
"Hindi ko alam eh."
Dumiretso lang kami papasok at nakita
kong napangiti sya. Bigla akong nauna
sa sofa para maiwasan ang tingin nya.
Dahil talagang matinding kaba na ang
nararamdaman ko. Grabe talaga ako
sa libog napakatindi ng libido ko sa
katawan. Tingin pa lang tinitigasan na
talaga ako. Pagkaupo ko ay ipinatong
ko ang kanang braso ko sa sandalan ng
sofa. Para kahit papaano ay
magmukhang relax lang ako. At
naramdaman ko na lang na nagpunta
na sya sa likuran ko. Si kuya Edrick
kasi ay parang si kuya JP din na
mabait pero anlakas mang-urat. Maya
maya pa ay may mainit na hangin na
dumampi sa tenga ko. "Ang init ngayon
diba?" sabi nya na parang puro hangin
lang ang lumabas sa bibig nya. At unti-
unti syang lumayo. Pagkatapos ay
naramdaman ko ang matigas na bagay
na dumikit sa kanang kamay ko na
nakapatong sa sandalan ng sofa. Hindi
ko inalis. At pinakiramdaman ko lang.
Hindi man ako nakatingin ay alam ko
na kung ano yun. "Woooh!" sabi ko sa
isip ko sabay hinga ng malalim.
Habang tumatagal ay lalo pa iyong
dumidiin sa kamay ko.
Pinagpapawisan na ako sa ginagawa
nya. At nagaalburoto na ang alaga ko.
Iginalaw ko ang hinliliit ko para
masalat ko pa lalo ang katigasan nun.
"Putcha naman, antigas!" sa isip ko.
Maya maya pa ay iginalaw nya iyon ng
kaunti. "Gusto mo ba? Hawakan mo
na." tanong nya sa akin. Iginalaw ko pa
ulit ang hinliliit ko pero mas madiin na
ngayon. Dahil may hudyat na ako mula
sa kanya.
"Tart! Nagsaing ka na ba?" biglang
sigaw ni ate mula sa pintuan. Bigla
kaming umayos ni kuya Edrick para
hindi kami mahuli. "Syete! bitin." sabi
ko sa isip ko.
"Opo ate." Ganting sigaw ko.
"Oh, Edrick nandito ka pala. Bakit
hindi ka nagtext?" tanong ni ate. Nang
makapasok na sya sa pinto.
"Akala ko kasi nandito ka na kaya
dumiretso na lang ako. Tapos si Lance
lang pala yung nandito." Pagkatapos
nun ay lumapit si kuya Edrick kay ate.
"Tart, oh ihanda mo na yung ulam
para makakain na tayo. Bilis na at
grabeng pagod ni ate." Utos ni ate sa
akin.
Kinuha ko ang dala nya at dumiretso
sa kusina para ihanda ang pagkain.
Habang naghahanda ako ay hindi ko
maiwasang marinig ang mga boses nila
habang nag-uusap.
"Edrick, I'm so sorry pero hindi na
talaga pwede. Ayaw ko namang
lokohin ang sarili ko. Wala na talaga
akong maramdaman sa 'yo eh." Sabi ni
ate.
"May iba na ba?" tanong ni kuya.
"Wala, gusto ko lang talaga magfocus
sa dalawa kong kapatid. Ako ang
panganay at ako na rin ang
tumatayong magulang para sa kanila."
Si ate.
"Pwede naman kitang tulungan ah.
May trabaho naman ako, kung
karapatan lang naman ang
pinoproblema mo. Bakit hindi pa tayo
magpakasal?" si kuya.
"Hindi, yun Edrick eh. Ang problema,
wala na akong maramdaman sa 'yo.
Hindi na kita mahal, sana naman
tanggapin mo yun ng maluwag sa loob
mo."
"Anghirap eh. Antagal din natin
nagsama, bakit biglaan naman yata?"
Sabi ni kuya Edrick habang
nanginginig na ang boses at mukhang
paiyak na.
"Magpahinga muna tayo. Kung handa
na ako magpakasal at nandyan ka pa,
free ka pa rin, promise magpapakasal
ako sa 'yo." Pahikbing sagot ni ate.
"Kung makakapaghintay ka pa."
"Liligawan kita ulit, Belle kung yan ang
kailangan. Mahal talaga kita." Tuluyan
na ngang umiyak si kuya, ayon sa
tunog ng boses nya.
"Ikaw ang bahala. Pero wag ka mag-
expect ng kahit ano ha. Pwede ka pa
rin namang pumunta dito eh. Hindi na
nga lang katulad ng dati na pwede mo
ako lambingin. Basta kailangan muna
nating magbreak. Hindi pa talaga ako
handa sa inaalok mo sakin. Kung
babalik pa 'yong nararamdaman ko,
hindi ko alam. Basta bahala ka kung
maghihintay ka o hindi. Wala akong
kayang ipangako sa 'yo. Pero hindi kita
pipigilan sa gusto mo." Si ate.
"Pwede ba tayong maging
magkaibigan ulet? Para naman hindi
ako mailang pag pumunta ako dito."
Tanong ni kuya Edrick.
"Oo naman, wala naman tayong naging
problema eh. Kailangan lang muna
natin talaga magpahinga. Punta ka
lang dito katulad ng dati, close ka
naman kay Lance at kay JP eh.
Kakausapin pa rin kita. Parang ganon
pa rin, ang kaibahan lang malaya tayo
sa isa't isa. Pwede akong magboyfriend
ng iba at pwede ka rin mag-girlfriend.
Ganon." Paliwanag ni ate.
"Sige, basta makita lang kita, ok na
'ko."
Habang nagkakadramahan sila sa sala
ay natapos na akong maghanda ng
pagkain. Gusto ko na sila tawagin pero
ayaw kong makaistorbo. Kaya kumain
na lang ako mag-isa.
"Tart! Tapos na ba yan? Gutom na ako
eh." Sigaw ni ate.
"Tapos na 'te, kumakain na nga ako
eh." Sabi ko.
Pumunta si ate sa kusina, kasama nya
si kuya Edrick. Nagkatinginan kami at
naalala ko na naman 'yong nangyari
kanina. Napangiti si kuya Edrick sa
akin na may malungkot na mukha.
Para tuloy akong naaawa sa kanya
dahil brineak na pala sya ni ate.
Halatang kakaiyak lang nila pareho.
"Bakit hindi ka nagyayaya ah. Hindi
mo talaga mahal si ate." Pagtatampo
sakin ni ate.
"Eh, maiistorbo ko lang kayo sa pag-
uusap nyo eh. At tsaka gutom na ako."
Sabi ko. "Tara kain na tayo, kuya
Edrick kain na."
Niyaya rin ni ate si kuya Edrick at
pumayag naman ito. Naupo na sila at
sinaluhan ako sa pagkain.
---
Araw ng linggo maaga ako magising
pag ganitong araw dahil ako ang hari.
Walang pasok si kuya at si ate naman
nandito lang rin sa bahay. Hindi nya
naman day-off pero pwedeng dito sa
bahay nya na lang gawin ang trabaho
nya. Bukas talaga ang restday nya. Si
kuya naman ay hindi na natutulog pag
wala syang pasok kinabukasan. Dahil
namimiss nya raw matulog ng gabi.
Walang mahilig gumala sa amin kaya
pare-pareho lang kaming nandito sa
bahay. Ito yung oras ng bonding
naming magkakapatid.
Pagbaba ko ay nakita ko si kuya na
kararating lang at may dala itong isang
bag ng tender juicy hotdog. Napakunot
ang noo ko, at sya naman ay napangiti
habang ipinapakita sa akin ang
pasalubong na ipinangako nya kagabi.
Hmp! Akala ko kung ano na yung
hotdog.
Si ate naman ay nasa kusina na at
mukhang may niluluto. Pumunta ako
sa sofa at muling nahiga doon. Si kuya
naman ay dinala sa kusina yung binili
nya tsaka umakyat sa taas para
magbihis.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala
ulit ako sa sofa ng maramdaman kong
may pumapatak sa mukha ko. Tubig
na galing sa kamay ni ate. Pagkamulat
ko ay nakita ko silang dalawa na tawa
ng tawa. At bigla kong pinunasan ng
kamay ko ang mukha ko at naamoy ko
na parang malangsa.
"Hala tart! Tubig yan galing sa
pinaglinisan ng isda." Sabi ni kuya.
"Ano ba yan ate, kadiri. Anlansa ko na
tuloy!" Sigaw ko.
"Ok lang yan para makaligo kana.
Antamad mo kasi maligo eh." si ate.
Pumunta na ako ng banyo para
makaligo na. Sobrang langsa talaga
nung ipinatak sa akin ni ate.
Pagkatapos kong maligo ay doon ko
lang naalala na wala pala akong dalang
tuwalya.
"Kuya! Kuya! Paabot ako ng tuwalya
pati brief!" sigaw ko kay kuya JP.
Maya maya lang ay nandyan na sya at
kumakatok na sa banyo. Binuksan ko
ang pinto at nagulat ako sa biglaang
pagsulpot ng ulo ni kuya. Tinakpan ko
kaagad yung ari ko dahil hubo't hubad
ako.
"Waaah! Umalis ka dyan akin na yang
tuwalya ko!" sigaw ko kay kuya.
"Eh, patingin muna nyan para ibigay
ko 'tong tuwalya mo." Pangaasar ni
kuya.
"Ayaw! Umalis ka na sinabi dyan eh.
ATE! Si kuya oh." Sigaw ko pa ulit.
"Hoy! JP, binata na yang kapatid mo
binibiro mo pa ng ganyan." Narinig
kong sinabi ni ate.
"Hindi pa binata 'to ah, baby pa rin
natin 'to eh." Si kuya.
"Ate oh, ayaw umalis ni kuya!"
sumbong ko ulit kay ate.
Bigla namang sumulpot din ang mukha
ni ate sa pintuan.
"Waaaah! Isa ka pa ate eh!" Halos
mangiyak ngiyak na ako sa sobrang
asar sa kanilang dalawa. Tsaka lang
ibinigay ni kuya yung tuwalya sa akin.
Pagkatpos ko magpunas ay dumiretso
ako sa taas para makapagbihis.
Pagbaba ko ay agad nila akong
niyayang kumain. Nakahanda na lahat
kaya pag dating ko ng kusina ay umupo
na lang ako at nagumpisa na kaagad
kumain. Sinimangutan ko silang
dalawa.
"Nakakainis kayo!" sabi ko.
"Sorry na bunso." Sabi ni ate.
"Ewan ko sa inyo! Anlaki-laki ko na eh.
Binibiro nyo pa ako ng ganun. College
na kaya ako." Sabi ko sabay simangot
ulit.
"Eh, baby ka pa rin sa paningin namin
eh" sabi ni kuya.
"Baby mo mukha mo!" sabi ko.
"Eto si tart nagsosorry na nga eh.
Bahala ka babawiin ko 'yong allowance
mo, malaki pa naman yung binigay ko
sa 'yo." Sabi ni ate. Tapos bigla akong
kinabahan dahil napatingin sa akin si
kuya. Napangisi ito na parang may
binabalak.
"Hmm! Malaki pala binigay mo ate?"
Sabay kindat ni kuya.
"Oo naman, bakit ko naman titipirin
'yong baon ni tart. Yun na nga lang
ang dahilan nya kaya sya pumapasok
eh, titipirin ko pa. 1,5k kaya binigay ko
dyan." Sabi ni ate. At nabuko na nga
ako ni kuya.
"Tapos hinold-up pa ko nyan kahapon
'te. Nanghingi pa ng dagdag. 3k na
pera nyan." Sumbong ni kuya.
"Hayaan mo na, para tayo naman ang
bigyan nya ng pera pag may trabaho
na sya." Si ate. Sabay belat ko kay
kuya na ikinangiti naman nila pareho.
"Kita mo na, yan ba ang binata?" Sabi
ni kuya at nagtuloy tuloy na kami sa
pagkain.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na
ako sa sofa para ilagay ulit yung one
piece. Ako nga ang hari ngayon diba,
kasi nandyan sila pareho kaya hindi ko
kailangan kumilos. Nang matapos na
sila ay pumunta rin sila sa sala at
nakinood ng palabas. Umupo si ate sa
bandang uluhan ko at si kuya naman
ay sa bandang paanan ko. Sanay ako
na iwini-wiggle ang paa ko, ginagawa
ko yun ngayon habang nakapatong ang
paa ko sa lap ni kuya. Si ate naman ay
hinihimas ang buhok ko. Pare-pareho
kaming tutok na tutok sa palabas dahil
maganda 'yong eksena. Patuloy ako sa
pag galaw ng paa ko hanggang sa
naramdaman ko na lang na may
parang matigas akong tinatamaan.
Napatingin muna ako kay ate baka
kasi may napapansin sya. At dahil isa
rin syang adik sa anime ay talaga
namang tutok na tutok pa rin sya sa
pinapanood namin. Bumaling naman
ako ng tingin kay kuya at nakita kong
ganun din sya, nakapako ang paningin
sa palabas at seryosong seryoso.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at
naramdaman kong hinawakan ni kuya
ang paa ko. Ang akala ko ay pinipigilan
nya ang paa ko sa paggalaw, pero
naramdaman ko na lang na lalo nya
iyong idiniin sa harapan nya.
Sumulyap ako sa kanya at patuloy pa
rin sya sa seryosong panonood.
"Gagawin ko na nga yung trabaho ko
para maaga ako matapos." Sabi ni ate
sabay angat ng ulo ko at tumayo.
Umakyat na sya sa itaas at pumasok na
sa kwarto nya.
Patuloy kaming nanood ni kuya pero
ngayon ay hindi na talaga nakatuon
ang isip ko sa palabas. Dahil nung
umakyat si ate ay lalo nya nang idiniin
ang paa ko sa matigas na harapan nya
at ngayon ay inihihimas nya na doon.
Napatingin ako kay kuya, nanonood pa
rin sya pero ngayon ay nakangiti na
sya. Bigla syang napatingin sa akin at
huli na nung babawiin ko sana ang
mata ko sa kanya.
"Matigas ba?" tanong nya. At talagang
pumintig ng husto ang puso ko sa
itinanong nya. Sabay bigla syang
kumuha ng throw pillow at ibinato nya
yun sa akin. "Aray!" sabi ko at bigla
syang tumawa ng malakas. Pagkatapos
nun ay umakyat na rin sya sa taas at
hindi na sya bumaba.
---
Naging busy na kaming magkakapatid
nung mga sumunod na araw. Ako sa
pag-aaral, si ate't kuya naman ay sa
kanikaniyang mga trabaho. Madalas ay
halos wala akong nakakasama sa bahay
sa tuwing umuuwi ako. Si ate kasi
medyo dumalas yung pago-overtime
nya. Siguro iniiwasan nya si kuya
Edrick. Kaya ako lagi ang naaabutan ni
kuya Edrick dito sa bahay.
Isang araw dumating si kuya Edrick.
Mukhang malungkot. Ganon siguro
talaga, alam ko naman na mahal na
mahal nya si ate eh. Pinapasok ko sya
sa loob para paupuin. Walang bahid
ng kalokohan ang pagpunta nya rito.
Mukhang kailangan lang ng
makakausap. Nagtimpla ako ng juice
para sa aming dalawa. At pagkalapag
ko nun ay umupo ako sa gilid nya. Mga
kalahating yarda siguro ang layo ko sa
kanya. Kailangan dumistansya,
mahirap nab aka mawala na naman
ako sa sarili.
"Lance, naranasan mo na ba
magmahal?" tanong ni kuya.
Hindi ako sigurado sa isasagot ko dahil
wala pa naman akong nakakarelasyon
ng totohanan. Lahat kasi fling lang o
di naman kaya ay shota ko sa
imahinasyon ko. Madalas libog lang
bang nararamdaman ko kaya hindi
talaga ako sigurado kung nagmahal na
ba talaga ako minsan.
"Ha?! Ah, siguro."naguguluhan kong
sagot.
"Buti ka pa, hindi pa napoproseso ng
utak mo ang pagmamahal. Puro ka
kasi kalokohan eh. Masarap magmahal
pero masakit din. Pero alam mo, pag
nagmahal ka, kahit gaano kasakit kaya
mong tiisin. Wala kang hindi
kakayanin pag nagmamahal ka, lahat
kaya mo ibigay. Kahit pa magmukha
ka nang tanga."sentimyento ni kuya
Edrick.
"Ganun ba yun? Ganun mo ba kamahal
si ate?" tanong ko.
"Oo, sobrang mahal ko ate mo. Hindi
ko nga alam kung papaano ko sya
kakalimutan eh. Nagmumukha na nga
akong tanga kasi nagpupunta pa rin
ako dito kahit na nakasalubong ko sila
ng bago nyang boyfriend. Sakit Lance
sobrang sakit nun." Pumapatak na ang
luha ni kuya.
Awang awa ako sa kanya. Para kasing
nararamdaman ko kung gaano kasakit
yung pinagdaraanan nya, base sa
emosyong ipinapakita nya sa akin.
Hindi ko alam kung papaano ko
pagagaanin ang loob nya. Ako man ay
nalulungkot sa sinapit ng relasyon
nila. Tinapik ko na lamang ang balikat
nya para kahit papaano ay
maramdaman nya na nakikiramay ako
sa kalungkutan nya.
"Pasensya ka na ah. Kailangan ko lang
talaga ng makakausap kaya ako
pumunta dito eh. Akala ko nga
maaabutan ko yung ate mo, pero
mukhang gabing gabi nja talaga sya
umuwi." Sabi ni kuya.
"Oo nga kuya eh. Madalas na kasi sya
mag-overtime eh. Tapos pag dating
nya busog na sya kaya ako na lang
mag-isa ang kumakain. Gusto mo kain
na lang tayo ng sabay ngayon?" tanong
ko sa kanya. Hindi naman sya
tumanggi dahil alam naman nya na
hindi ako sanay na walang kasabay
kumain.
"Lance, may tanong ako. May
girlfriend ka na ba?" bakit ba lahat sila
ito ang itinatanong sa akin. Malaking
issue ba 'to?
"Huh? Wala pa kuya eh. Wala pang
nagkakamali hahaha." Sagot ko.
"Ah! Akala ko kasi lalake ang gusto mo
eh." Napamulagat ako sa sinabi nya.
Halatang halata na baa ng kabadingan
ko kaya nya nasabi yun? Brusko pa rin
naman ako kumilos. Yun nga lang,
hindi ko talaga maitago ang kalibugan
ko lalo na sa mga lalake. "Alam mo,
subukan mo magsyota para alam mo
kung ano ang nararamdaman ko
ngayon. Para sa susunod na kausapin
kita. May makukuha na akong payo
galing sa 'yo. Ang totoo nyan alam ko
naman talaga ang sagot dito sa
nararamdaman ko. Ang kaso lang
mahirap kasi payuhan ang sarili eh."
"Alam mo kuya, itigil na lang natin ang
usapan natin tungkol dyan. Mas
makakalimot ka pa pag kumain na lang
tayo ng marami." Sabi ko sa kanya.
"Hahahaha! Oo nga noh. Sige kumain
na lang tayo ng maraming marami.
Bibili pa tayo pag nabitin tayo sa
kinakain natin." Pagbibiro nya. Sa
wakas ay nakita ko rin syang tumawa.
Gumaan din ang loob ko para sa kanya.
"Hahaha. Sabi mo yan ah. Malakas ako
kumain bahala ka dyan."
At nagpatuloy na nga lang kami sa
pagkain. Bumili pa sya ng miryenda
namin nung manood kami ng t.v.
Hinihintay nya sana si ate pero
hanggang sa makauwi sya ay hindi na
talaga sila nagpang-abot. Nung umuwi
kasi si ate halos maga-alas diyes na
rin.
Nagpatuloy ang kabisihan nila kuya at
ate sa pagtatrabaho. Nakakaramdam
na nga ako ng kalungkutan kasi parang
wala na silang panahon sa akin. Lalo
na nung nagtanggalan kila kuya. Halos
dumoble na ang araw ng pasok nila
dahil kulang sa tao. Sila ate naman
nagparenovate ng store nila kaya mas
lalong dumalas ang overtime. Sa sofa
na ako nakakatulog dahil sa
paghihintay ko kay ate pag gabi.
Minsan inaabot na sya ng alas onse o
kya alas dose. Si kuya naman, tuwing
makikita ko ay naghihilik sa sobrang
puyat. Kaya napadalas ang pagtetext
ko kay kuya Edrick para mayroon
akong kasama dito sa bahay. May
kakwentuhan man lang. Boring kasi
manood ng tv pag mag-isa ka.
"Kuya? Punta ka na andito na ako."
Text ko kay kuya Edrick.
"Geh! OTW na!" reply nya.
Maya maya pa ay dumating na si kuya
Edrick.
"Kumusta ang bunso ko? Wala ka na
naming kasama? Haynaku! Tsk! Tsk!
Kawawa naman tayong dalawa
hahahahah!" bungad ni kuya Edrick sa
akin.
"Oo nga eh. Dami kasing trabaho sila
ate at kuya ngayon eh." Sabi ko sa
kanya.
"Tara inuman tayo. Para naman may
magawa tayo, puro cartoons kasi yang
pinapanood mo eh." Alok nya.
"Sige ba!" masaya ko namang sagot.
Lumabas sya ulit para bumili ng alak
at pulutan. Ako naman ay naghanda ng
juice. Sigurado ko kasing hard ang
bibilhin nya dahil hindi ko pa sya
nakitang uminom ng beer kahit kelan.
Pagbalik nya ay dala nya na ang Empi
lights at mga chichirya. Agad kaming
nag-umpisa sa inuman para maaga
kami matapos dahil may pasok pa
kami kinabukasan.
Nanonood pa rin kami ng tv habang
nag-iinuman. Wala naman kaming
masyadong mapag-usapan dahil wala
kaming maisip na topic. Tahimik lang
kami at nag-uusap lang sa tuwing
ipapaalala ang tagay.
"Panget ba ako?" nagulat ako sa
tanong na ito ni kuya. Alam ko naman
ang sagot sa tanong nya pero para
instinc ko na, na tingnan ang mukha
nya para makasiguro. Habang
nakatingin ako sa mukha nya ay doon
ko lang lalong napansin ang
kagwapuhan ni kuya Edrick. Maputi,
macho, gwapo ang mukha, malinis
syang tingnan at ang pinakapaborito
ko sa kanya ay ang labi nya na
nakakademonyong halikan. "Hoy!
Hindi ka na sumagot." Gulat ni kuya sa
akin.
"Ha? Gwapo ka kuya, gwapong gwapo.
Bakit mo naman naitanong." Balik
tanong ko sa kanya.
"Wala lang, naiisip ko lang na panget
ako kasi biglang nagsawa sa akin yung
ate mo eh. Pero alam mo parang ok na
ako ngayon. Mas ok na kesa nung una,
hindi na ako masyadong nalulungkot."
May ngitng sabi nya.
Napangiti rin ako dahil kita ko naman
na mas ok na nga sya. Pero parang ako
naman ang hindi dahil parang
nakakaramdam ako nbg kurot sa
dibdib sa tuwing babanggitin nya si
ate. Pero ayaw ko namang pansinin
dahil ate ko naman yun at mahal na
mahal ko yun.
Ganun pa rin ang nangyari, umuwi sya
nang hindi pa rin sila nagpang-abot ni
ate.
Habang tumatagal ay parang
nasasanay na ako na nadito si kuya
Edrick. Pag hindi sya pumupunta ay
parang hindi ako mapakali. May mga
pagkakataon pa ngang gusting gusto ko
na sya itext pero hindi ko magawa
dahil gusto kong sya ang maunang
magtext sa akin. Pag nauuna kasi
syang magtext, nakakaramdam ako ng
tuwa dahil naiisip ko na hinahanap
hanap nya rin ako. Parang
pakiramdam ko nare-reciprocate yung
feelings ko.
Bumalik na sa normal ang mga oras ni
kuya't ate. Kung dati ay parang
nakakaramdam ako ng lungkot dahil
hindi ko sila nakakasama. Ngayon ay
parang nabaligtad naman. Parang mas
gusto kong wala sila dito sa bahay, mas
gusto ko nang kasama si kuya Edrick.
Pero mukhang ganon talaga kung
kelan gusto mo na ang isang bagay o
pagkakataon ay bigla naman itong
nawawala. Dumalang na ang pagpunta
ni kuya Edrick dahil parang
nakamove-on na sya kay ate. Nainis
ako kasi parang iniwan nya na lang
ako basta porke hindi nya na
kailangan ng makakausap. Pero kahit
naiinis ako ay hindi ko naman masabi
sa kanya dahil baka kung ano ang
isipin nya. Ayaw ko kasing sabihin
yung feelings ko para sa kanya dahil
baka mas lalo lang nya akong layuan.
Araw ng linggo. Katulad ng dati ay
nandito lang kami lahat sa bahay. Pero
ngayon parang ayaw ko lumabas ng
kwarto. Gusto ko lang magmukmok
dahil namimiss ko na talaga si kuya
Edrick. Parang nalulungkot ako ng
walang dahilan. May dahilan man ay
wala naman akong mapagsabihan,
kailangan kong kimkimin dahil hindi
ko naman alam kung ano ang magiging
reaksyon nila. Baka ang mangyari
nyan, bigyan ko lang sila ng ebidensya
na totoo ang iniisip nila tungkol sa akin
na bakla nga ako. Hindi lang basta
bakla, malibog na bakla. Haynaku!
Nakakainis!
"Tart! Tanghali na ah. Gising na kakain
na tayo!" tawag sa akin ni ate. Maya
maya pa ay may kumakatok na sa
pinto. Pero hindi ko pinagbubuksan at
hindi rin ako sumasagot. Nangbigla na
lang bumukas ang pinto at nakita ko si
kuya na nakatingin sa akin.
"Tart? May problem aka ba?"
malambing na tanong ng kuya ko.
"kuya, nalulungkot ako." Sa isip ko
lang sinabi. Hindi ko mailabas dahil
hindi ko kayang sabihin ng diretso sa
kanya. Pero dahil sa kapatid ko sya ay
parang nararamdaman nya na may
pinagdadaanan ako kaya, lumapit sya
sa akin at niyakap ako. Bigla akong
napaluha, dahil gusting gusto ko na
ilabas ang kinikimkim ko, pero hindi
talaga pwede. Maya maya pa ay
umakyat din si ate at nakita kami ni
kuya na magkayakap. "Oh! Bakit? May
nagyari ba sa 'yo tart?" sabay sampa
din ni ate sa kama ko at yumakap din
sa akin. Ngayon lang nangyari sa amin
'to. Madalas kaming magharutang
magkakapatid, masaya at kitang kita
mo na napalaki kami ng tama ng
aming mga magulang dahil kahit
walang gumagabay sa amin ay
nagmamahalan kami. Ito ang kauna-
unahang pagkakataon na umiiyak ako
sa kanila dahil sa labis na kalungkutan.
Naisip ko na lang "buti nandito ang
mga kapatid ko." Kahit papaano ay
gumaan ang loob ko. Eto na yata yung
totoong love.
Pagkatapos nila ako icomfort ay
bumaba na kami at nagsikain.
Napangiti rin nila ako agad ng walang
kahirap-hirap.
Kinagabihan. Maaga natulog si ate. Si
kuya naman ay naiwan sa baba para
manood. At ako naman ay maaga ring
humiga sa kama. Nagbabantay ng
cellphone ko baka sa sakaling maalala
ni kuya Edrick na magtext. Wala pa
rin. Hays sabagay bunsong kapatid
lang rin naman ang tingin sa akin nun.
Kaya siguro dapat ko nang kalimutan.
"Hindi ayoko! Ayoko syang kalimutan!"
sabi ko sa isip ko.
"Nasaan ka andito ako sa baba!" text ni
kuya Edrick sa cellphone ko. Para
akong uminom ng isang case na cobra
dahil sa biglaang pasok ng matinding
energy sa katawan ko. Sobrang tamlay
ko kanina tapos ngayon ay parang
gusto ko tumambling bigla. Napatakbo
ako agad sa pinto, pero bigla akong
huminto at inayos ang aking sarili.
Mahirap na, baka isipin nya sobrang
excited ako. Pagbaba ko ay nakita ko
sya, pero nagulat ako nang makita
kong magkatabi sila ni ate. May dala
dala syang bulak-lak para kay ate. Kita
ko naman na parang natutuwa si ate
kaya napangiti na rin ako. Mukhang
nanliligaw na ulit si kuya Edrick kay
ate, dahil hindi naman tumagal yung
isa nyang boyfriend sa kanya. Natakot
siguro.
Habang nag-uusap silang dalawa ay
nandoon lang kami ni kuya JP sa isang
tabi at nanonood ng tv. Panay ang
tingin sa akin ni kuya pero hindi ko sya
pinapansin. Medyo nagiging masama
na rin kasi ang pakiramdam ko dahil
sa masakit na nangyayari ngayon sa
paligid ko. Hindi man lang ako
kinumusta ni kuya Edrick. Puro si ate
lang talaga ang pinagtuunan nya ng
pansin. Siguro bumabawi kasi dati sya
ang nawalan ng panahon kay ate eh.
Kaya kailangan nyang paghirapan ang
pakikipagbalikan kay ate.
Matapos ang ligawan ay tsaka lang ako
kinausap ni kuya Edrick. Kinumusta
nya lang ako sandal at nginitian ko
lang sya. Hindi naman gaanong
nagtagal ang pag-uusap naming dahil
lumalalim na rin ang gabi at kailangan
nya nang umuwi. Hindi pa rin nawala
ang lungkot ko. Dahil sa nakikita ko sa
kanilang dalawa ay malaki ang
posibilidad na magkabalikan sila.
Umakyat na ulit ako sa kwarto. At
habang naglalakad ako ay tiningnan ko
ang cellphone ko at hinanap ang
number ni kuya Edrick para burahin.
Pagkabura ko ng number nya ay
parang nakahinga ako ng maluwag. At
least kahit papaano may nagawa akong
hakbang para makalimot sa kalokohan
ko. Humiga na ulit ako ng kama at
pumikit.
Malalim na ang gabi at hindi pa rin
ako makatulog. Naririnig ko pa rin ang
mahinang volume ng tv sa ibaba kaya
malamang ay nanonood pa rin si kuya.
Makalipas ang may ilang minuto ay
nawala na ang sound ng tv at narinig
ko ang yabag ng mga paa ni kuya sa
hagdan. Pumasok na si kuya at agad
na napabaling sa akin ng tingin.
Ngumiti sya at sabay tumabi sa akin sa
kama. Umupo sya sa tabi ko hinaplos
ang buhok ko.
"Mukhang matindi ang pinagdadaanan
ng bunso ko ah. May nanakit ba sa
puso ng baby ko?" malambing na
tanong ni kuya. Hinatak nya ako
pabangon para yakapin. Napakahigpit
ng yakap na iyon. Parang balot na
balot ako at kumportableng
kumportable sa pakiramdam ko.
Napahinga ako ng malalim at sabay
tulo ng luha ko. Isinandal ko ang
mukha ko sa balikat ni kuya. At doon
ay mahina akong humikbi sa kanya.
"Ayos lang yan, andito naman si kuya
eh. Mas gwapo naman si kuya doon
diba. At tsaka si kuya walang ibang
mahal kundi si tart lang."
paglalambing sa akin ni kuya. Gumaan
ang loob ko sa mga sinabing iyon ni
kuya. Sabi ko na lang sa sarili ko na
"oo nga, mas gwapo si kuya JP sa 'yo.
Tsaka ako lang mahal nito." Hanggang
sa nakatulog na lang ako.
Lumipas ang mga araw at nasabi kong
"ok lang naman pala eh, hindi naman
pala gaanong kahirap eh. Heto ako
nakamove-on naman ako kaagad ah."
Dahil unti unting nawala sa isip ko si
kuya Edrick. Ok na ako agad, at kung
may nararamdaman man ako sa kanya
ngayon. Yun ay walang iba kundi
libog. Tsk! Nakakalibog naman kasi
talaga, saying hindi ko man lang sya
natikman. Hmp! Bahala sya, ok naman
na ako eh. Mas artistahin naman si
kuya JP kesa sa kanya eh. Si kuya
Edrick kasi mukhang gwapong macho
dancer kaya nakakalibog. Parang si
Jay Manalo nung bata bata pa sya.
Isang umaga.
"Tart! Tart! Gising na may pasalubong
ako sa 'yo." Si kuya habang niyuyug-
yog ako.
"Hmm! Ano ba yan?" pupungas pungas
kong tanong. Nang Makita ko yung
pasalubong nya eh, "putek!" nano
technology na mp4. Mahilig kasi ako sa
maliliit na bagay katulad nito. Hindi
naman ito gaanong kamahalan.
Matagal ko na 'tong gusto bilhin kaso
hindi ako makaipon-ipon dahil nga
medyo may kalakasan akong
gumastos. Napamulagat talaga ako
kaagad at napayakap kay kuya.
"Salamat kuya." Sabi ko.
"Syempre basta ikaw, malakas ka sakin
eh. Basta wag ka na malulungkot ulit
ah." Lambing ni kuya.
"Kuya, nalulungkot pa ako eh. Bilhan
mo ako ng IPhone. Yung cellphone ko
kasi pwede na pantukod sa bintana
eh." Pangu-uto ko sa kanya.
"Ay grabe! Yung Cellphone ko nga
limang taon na sakin. Eh yang
cellphone mo last year lang natin binili
yan diba? Wala ka man lang kahit
konting awa kay kuya. Hmp! Pero sige
pag-iipunan ko, ang mahal nun eh."
Sabi ni kuya. Sabay yakap ko ulit sa
kanya. Hahaha wala talagang hirap
utuin si kuya.
---
Naging madalas na ang pagdalaw ni
kuya Edrick sa bahay para ligawan si
ate. Pero hindi katulad ng dati na nag-
iinaso pa ako eh, ngayon hindi ko na
sya masyadong nabibigyang pansin.
Minsan walang pasok si kuya JP, ganun
din dapat si ate pero pinatawag sya ng
office nya dahil may emergency daw.
Maagang pumunta sa bahay si kuya
Edrick dahil akala nya nga ay walang
pasok si ate. Nanonood kami ng tv ni
kuya JP, syempre anime ano pa nga
ba.
"Tao po!" sigaw ni kuya Edrick.
"Nakuha na yung kaning baboy
kanina!" biro ko sa kanya sabay
pinagbuksan ko sya ng pinto. Napangiti
ako dahil gwapong gwapo sya sa suot
nya. Para syang ibuburol. Pero
angcute-cute nya kasi kahit anong
suotin nya eh. At dahil na rin sa
paglala ng kalandian ko kaya
nahuhumaling na naman ako sa mukha
nya. Akala ko kasi noon nakalimutan
ko na sya pero ngayon parang
bumabalik dahil nakikipag-ngitian na
naman ako sa kanya.
"Si ate mo?" pinilit ko pa rin ngumiti
kahit na parang kinurot na naman ako
sa dibdib ko.
"Wala pa sya eh. Pero sabi nya sandal
lang sya." Sagot ko.
"Ah! Patuloy na ako ah. Hintayin ko na
lang sya. Kwentuhan muna tayo,
namimiss na rin kita eh." Ngumiti pa
rin ako ng normal. Pero deep inside
kumalembang ang itlog ko sa kilig.
Pumasok na sya sa loob. Umupo at
kinumusta rin si kuya JP. Nginitian
lang sya nito at umupo na rin ako sa
pagitan nilang dalawa.
Naging masaya naman ang kwentuhan
namin ni kuya Edrick. Ikinwento nya
sa akin yung mga bago nyang
karanasan sa pagtatrabaho nya bilang
pulis. Sobrang naaaliw ako sa mga
kwento nya kaya halos hindi ko na rin
napansin na kasama nga pala namin si
kuya JP. Tapos maya maya ay
dumating na si ate.
"Oh! Edrick." Sabi ni ate.
"Andyan ka na pala!" sabi ni kuya
Edrick.
"Tart pakihanda naman 'to please!" At
inabot nya sa akin ang binili nyang
miryenda para sa amin. Agad silang
nagkwentuhan ni ate. Pumunta na ako
ng kusina at ininit ko sa microwave
ang siopao na binili ni ate, kanina nya
pa yata binili kaya malamig na.
Habang nag-aantay ako ay
nakatunganga lang ako sa microwave.
Nang biglang may tumapik sa balikat
ko. Si kuya JP.
"Malungkot ka na naman. Ngiti na
dyan, wag mo na isipin yun. Ang isipin
mo napapasaya ni kuya Edrick si ate."
Sabi ni kuya.
"hindi naman ako malungkot ah."
"Hindi malungkot eh nakabusangot ka
na naman dyan." Sabi nya na may
ngiti.
"Hindi ah." Sabay pinilit kong ngumiti.
"Wag mo na nga ako lokohin. Kung
meron mang higit na nakakakilala sa
'yo tart ako na yun. Bata pa tayo ako
na ang tagabantay mo eh. Kaya alam
ko kung kelan ka malungkot." Sabi ni
kuya.
"Ok lang naman ako kuya. Tanggap ko
naman na hindi nya ako
magugustuhan. Wala naman nang kaso
yun sakin." Sabi ko.
"Kita mo na, edi nahuli rin kita. Pero
tart tandaan mo ah, wag ka
malulungkot sa mga lalake. Yung mga
katulad mo kasi madali lang masaktan.
Kaya sa susunod na mainlove ka ulit at
sinaktan ka na naman. Isipin mo na
walang ibang mahal ang artistahin
mong kuya kundi si tart lang." sabay
yakap ni kuya sa likod ko. Muli ay
gumaan na naman ang loob ko. Buti na
lang talaga at nandito si kuya to the
rescue.
---
Tuluyan ko na ngang kinalimutan si
kuya Edrick, dahil nagkabalikan na sila
ni ate. At mukhang nararamdaman ko
na ang plano nilang magpakasal. Si
kuya JP naman ay medyo napadalas
ang hindi pag-uwi ng bahay. Nag-
aalala nga ako sa kanya eh, baka
mamaya kung saan saan na sya
pumupunta. Lagi ko naman syang
itinetext pero ang lagi nya lang sagot
ay ok lang sya. Isa pa, miss na miss ko
na sya.
Isang gabi umuwi si kuya JP ng lasing
na lasing. Dirediretso lang sya sa
kwarto nun. Wala naman si ate, dahil
kung nandyan si ate ay siguradong
sermon ang aabutin nya. Pinuntahan
ko sya sa taas para kumustahin.
"Kuya? Anong nangyari sa 'yo bakit ka
naglasing ng husto?"
"Tart! Hehehe, pasensya na ah, lasing
si kuya. Birthday kasi nung katrabaho
ko eh, ayaw nila akong tantanan kaya
heto. Bangag na bangab ako." Sagot
nya.
"Sandali lang kuya ah, kuha lang ako
ng towel para mapunasan kita."
Pagkasabi ko nun ay bigla nya akong
hinawakan sa kamay. "Tart, dito ka
lang, wag mo iwan si kuya. Natatakot
ako eh." Sabi nya.
"Huh? Bakit ka natatakot?" hinatak nya
ako pahiga sa kama sabay niyakap nya
ako ng mahigpit. Nakaramdam ako ng
kakaiba sa yakap na yun ni kuya. Mas
lalo pa itong humigpit nung sinubukan
kong makawala. Maya maya pa ay
natigilan ako nang biglang lumapat
ang labi nya sa labi ko. Hinalikan nya
ako ng mariin. Alam kong hindi tama
iyon kaya naman nagpumiglas ako ng
husto, hanggang sa makawala ako.
"KUYa! Ano bang nangyayari sa 'yo?
Magkapatid tayo. Bakit mo ako
hinalikan ng ganun?" medyo malakas
kong tanong sa kanya.
Hindi sya sumagot at bigla na lamang
syang bumangon. At parang gulong
gulo sya sa mga pinaggagagawa nya.
Lumabas sya ng pinto at sinundan ko
naman sya. Dumiretso sya sa CR.
Natatakot ako kay kuya. Hindi ko alam
kung ano ang nangyayari sa kanya.
Buti na lamang at dumating si kuya
Edrick. Sinabi ko sa kanya lahat
maliban sa paghalik sa akin ni kuya.
Nang lumabas si kuya sa cr ay
nakaboxer na lang ito. Pasuray suray
itong naglalakad, pero bigla na lamang
itong napahinto nang Makita si kuya
Edrick.
Bigla na lamang nya itong sinugod at
inundayan ng suntok. Nabigla naman
si kuya Edrick at nabuwal ito ng
tamaan ng kamao ni kuya JP.
"Kuya, tama na yan, wala namang
ginagawang masama sa 'yo si kuya
Edrick eh."pag-awat ko.
"Anong wala? Meron, marame!" sigaw
ni kuya.
"JP, ano ba tumigil ka na, hindi kita
papatulan. Kapatid na rin kita." Sabi ni
kuya Edrick. At bigla nya itong
niyakap ng mahigpit para hindi
makawala. Pinagtulungan namin syang
maibalik sa taas para makapagpahinga
sya. Pero patuloy ang pagpupumiglas
nya at muntikan pa kaming mahulog
na tatlo sa hagdan.
"GAGO KA EDRICK, GAGO KA!" sigaw
nya kay kuya Edrick. Kitang kita ko na
kay kuya Edrick ang lubusang
pagtitimpi kay kuya JP. Sa tingin ko ay
gusto nya na itong sapakin ng isa, para
mawalan na ng malay eh. Inilapag na
sya ni kuya Edrick sa kama, magaslaw
pa rin ito.
"Sige kuya, baba ka na, ako na po ang
bahala dito." Ako na lang ang pumigil
kay kuya para makababa na si kuya
Edrick dahil alam kong gigil na gigil na
ito. Pero nung nasa pinto na si kuya ay
biglang tumayo si kuya JP at hinabol si
kuya Edrick para suntukin ito ulit.
Pero mabilis akong kumilos para
harangan si kuya JP at para hindi na
sila magpang-abot pa ni kuya Edrick.
"Sige kuya, ako na lang ang suntukin
mo! Laseng ka? Kaya gusto mo
manapak? Yan ang trip mo? Sige ako
ang pagtripan mo, hindi yung ibang
tao!" May galit ko nang pagkakasabi
kay kuya. Napatitig sya sa mga mata
ko na para bang kinaaawaan nya ako.
Bigla naman itong napahinto at
kumalma.
"Sorry! Sorry! Tart, sorry! Di ko
sinasadya." Bumalik ito sa kama at
umupo. Humawak ito sa mukha nya at
bigla na lamang itong napahagul-gol.
Lumingon ako kay kuya Edrick at
sumenyas ako na ok na. Pwede na
syang bumaba.
Iniwan na kami ni kuya Edrick at
bumaba na nga ito. Sinabihan ko nga
ito na umuwi na muna at bumalik na
lang pag-nandito na si ate eh. Pero
maghihintay na lang daw sya sa baba
dahil nag-aalala daw sya sa akin. Hindi
ko na binigyan ng kahit anong malisya
yung sinabi nya dahil alam ko naman
kung bakit sya nag-aalala. Dahil
kapatid ako ng pinakamamahal nyang
babae. Isa pa mas nag-aalala ako kay
kuya JP ngayon. Iniisip ko kung ano
bang nangyayari sa kanya. Sana mali
ang iniisip ko ngayon, dahil pag
nagkataon, hindi ko rin alam ang
gagawin ko. Hindi ko kilala ang sarili
ko pagdating sa ganitong bagay. Dahil
sa kaso ko ay may posibilidad na
mahulog rin ako sa kanya, dahil
matagal ko na nga rin syang crush.
Pero hindi ito pwede, iniisip ko pa lang
parang nandidiri na ako sa
kalalabasan namin, ayaw kong
mangyari sa amin iyon. "Wag naman
sana!" sabi ko sa sarili ko.
Matapos ang nangyaring iyon sa amin
ay nagbalik na si kuya sa normal.
Umuuwi na sya ng bahay at mukhang
umiiwas na rin sya sa inuman. Mas
madalas nya nang dalhin si ate Regine
dito ngayon. Pero may ilang
pagbabago nga lang. Parang lumalayo
na sya sa akin. Pag natutulog sya ay sa
sofa na sa ibaba sya humihiga. Sa
tuwing magkakasalubong naman kami
sa kusina o sa sala ay ni hindi man
lang nya ako magawang tingnan.
Laging nakabaling yung paningin nya
sa lugar kung saan wala ako.
Nakaramdam ako ng matinding
kalungkutan. Ayaw ko ng ganito, bakit
ba? Ano bang nangyayari?
Umaga noon at kaaalis lang ni ate
papunta sa kanyang trabaho. Nakita ko
si kuya sa sofa. Kailangan ko na syang
kausapin, dahil kung may sama sya ng
loob sa akin ay hindi ko na hahayaan
pang lumala iyon. Pinilit ko syang
gisingin kahit na alam kong puyat sya.
Niyug-yog ko sya ng niyug-yog para
magising sya agad.
"ANO BA!" badtrip na sigaw ni kuya.
"Alam mo namang puyat ako diba?
Ano bang kailangan mo? Pera? Andon
kumuha ka dun sa wallet ko. Alam
mong nahihirapan ako matulog eh,
nang-iistorbo ka pa dyan." Bumalik sya
sa pagpikit at tumalikod sa akin. "Yung
IPhone mo next week ko pa makukuha
kaya maghintay ka na lang." pahabol
pa ni kuya.
"Ayaw ko na ng IPhone kuya. Gusto ko
ikaw! Nalulungkot na ako eh. Bakit ka
ba nagkakaganyan?" tanong ko sa
kanya.
"Tart, pwede ba sa ibang araw na tayo
mag-usap? Puyat talaga ako eh, hindi
mo ba nakikita? Pagod na pagod na
ako!"
Nang sabihin nya iyon ay hindi ko na
sya pinilit pa. At bumalik ako sa itaas
para maghanda na sa pagpasok ko sa
school.
---
Ilang beses kong sinubukang kausapin
si kuya pero palaging pagod, puyat at
kung ano ano pang dahilan ang
sinasabi nya sa akin. Parang
nawawalan na rin ako ng gana.
Nalulungkot na talaga ako.
Tatlong araw hindi umuwi si kuya.
Nagaalala man ako ay hindi ko na sya
sinubukan pang itext. Baka na kila ate
Regine lang sya, dahil doon naman sya
natutulog sa tuwing hindi sya umuuwi
ng bahay. Kung hindi naman ay kila
kuya Conrad na bestfriend nya.
Napalingon ako sa kama ni kuya
iniimagine ko na nandyan lang sya at
natutulog habang nakanganga. May
napansin akong notebook na nakaipit
sa unan nya. Hindi ko naman kasi
talaga ginagalaw ang kama nya,
nililigpit ko lang yun pag trip ko.
Pinuntahan ko yung kama nya at
kinuha ko yung notebook. Nang
buklatin ko ito ay wala namang
nakasulat na mahalaga. Drawing
drawing lang parang katulad ng sa
akin na pinagtitripan ko pag wala
akong magawa. Pero may isang page
na nakakuha ng pansin ko.
"-PARA SA 'YO 'TO-
Ikaw na may magandang ngiti, Na
nakakapanghina,
Ikaw na may malokong tawa, Na di 'ko
maialis sa isip.
Palagi kitang gusto makasama, Para
maya't maya ako masaya,
Ikaw na istorbo sa paghimbing ko,
Kaya napupuyat ako lalo.
Nakakainis ka na, Please! wag ka na
tumawa,
Nahuhulog na 'ko sa 'yo, Nakakatakot!
Baka 'di mo 'ko masalo.
Dito sa mundo ko, Ikaw lang ang
mahalaga,
Pati sa panaginip ko, Ikaw lang ang
bida.
Sana hindi na lang ikaw! Marami
namang iba,
Napakamalas ko, Sa 'yo ko
naramdaman 'to.
Ayaw na kitang makita, Ayoko na isipin
ka,
Ikaw ang pinangarap ko, Kaya
napakagago ko!
'twing matutulog ako, Ikaw ang
pumaparoo't parito.
Di 'ko mapigil ang luha ko, Dahil alam
kong mali 'to.
Ikaw na kayang pigain ang loob ko,
Ikaw na inaasam ko,
Ikaw na ginawang parusa, Sa lahat ng
ginawa kong masama.
Hindi ko na alam kung paano pipigilin
'to. Nahuhumaling na ako sa 'yo.
Anong gagawin ko sa isip ko, Na pag-
aari mo.
Sasabog na ang ulo ko, Nang dahil sa
'yo,
Ikaw na pinakamasarap na sakit na
naranasan ko.
Nawawala na ako sa sarili ko, Pakiusap
tulungan mo ako,
Na makawala sa makulit na anino mo,
Na laging nakasunod kahit sa madilim
na nilalakaran ko.
Buti pa ikaw, sobrang laya, Kaya mo
akong saktan pag gusto mo,
Buti pa ikaw laging masaya, Papaano
naman ako?
Ano bang ituturo ko sa puso ko?
Na walang ibang alam kundi mahalin
ka.
Wala na akong pakialam sa sasabihin
ng kahit sino!
Basta mahal kita!
Ikaw na buhay at kamatayan ko." ...
Natulala lang ako, nakaramdam ako ng
lungkot nung mabasa ko yung sulat.
Parang ansakit. "Baka naman hindi
kay kuya 'to? Baka may nagsulat lang
na iba." Sabi ko sa isip ko. Imposible
naman kasi na magsusulat ng ganitong
klase si kuya. Wala naman akong
maisip na tao para makapanakit sa
kanya ng ganito. Una, inlove na inlove
sya kay ate Regine, pangalawa, kahit
sinong gusto nya makukuha nya dahil
gwapo sya at napakabait pa. Kaya
imposible talaga. Pwera na lang kung
may asawa o may mahal ng iba yung
babae.
---
Nakakainis na talaga! Miss na miss ko
na si kuya. Sa mga nakalipas na linggo
kasi dalawa o tatlong beses lang sya
umuwi. Sana bumalik kami sa dati.
Nakakapraning naman kasi eh. Wala
akong maisip na dahilan kung bakit
sya nagkakaganun.
Lunes ng umaga, hindi ako makapasok
dahil masama talaga ang pakiramdam
ko. Isa pa inaatake rin talaga ako ng
katamaran. Pinilit kong bumangon
para maabutan ko si ate dahil
magpapaalam akong hindi ako
papasok. Pumayag naman sya kasi nga
magaling akong umarte. Nakita ko si
kuya JP na nandoon na naman sa sofa.
Katulad ng palagi kong nakikita eh
muka na naman syang puyat na puyat.
Malamang eh panggabi nga ang
trabaho nya diba. May mga
pagkakataong nakakasanayan ko na,
na hindi kami nagpapansinan. Katulad
nung isang buwan. Kinausap nya lang
ako tapos ibinigay yung IPhone na
hinihiling ko sa kanya. Para syang
ginie na bumabalik na lang sa lampara
pag naibigay na yung kahilingan ko.
Kasi pagkatapos kong matanggap yung
cellphone eh hindi na naman sya
namamansin.
Kinagabihan nun, napansin kong nage-empake si kuya ng mga damit
nya. "kuya? Anong ginagawa mo? Saan
ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Ah! Basta wag mo na lang ako
pansinin."walang bahala nyang sagot.
Ni hindi nya man lang ako tiningnan
nun. Pinabayaan ko na lang sya dahil
sa itsura nya parang wala naman
syang balak sumagot ng matino. Pero
parang maiiyak ako.
Dumating si ate at isinumbong ko si
kuya. Sinabi kong nage-empake sya ng
damit. Nang tanungin naman sya ni
ate ay nakaramdam ako ng paninikip
sa dibdib sa isinagot nya.
"Magboboard muna ako 'te. Ipapadala
ko na lang yung pambayad ng
kuryente pati yung allowance ni tart.
Ayoko muna rito, gusto ko muna
mapag-isa. Babalik na lang ako pag ok
na ako."
"May problema ba JP? Sabihin mo kay
ate, baka naman makatulong ako."
Pag-aalala ni ate.
"Basta ate, walang kahit sino ang
makakatulong sa akin sa problema ko.
Walang makakaintindi. Kaya please!
Hayaan mo muna akong mapag-isa."
Sagot nya.
"Ano bang problema mo? Kahit ano pa
yan, maiintindihan ka namin mga
kapatid mo kami JP. Tayo tayo na lang
ang magtutulungan. Hindi kita
hahayaang mag-isa dyan sa problema
mo."
"WALA NGA SINABI!" pagsigaw ni kuya
JP. Nagulat kaming pareho ni ate,
dahil alam ko kung gaano katas ang
respeto nito kay ate kaya nakakagulat
talaga.
"JP! NAWAWALAN KA NA NG GALANG
SAKIN AH. ATE MO AKO." Galit na rin
si ate. Ako naman ay hindi makasali sa
usapan at naiiyak na lang sa inaasal
nila.
"Sorry ate. Hindi ko sinasadya. Please
pabayaan nyo muna ako. Hindi naman
kasi biro 'tong pinagdadaanan ko eh.
Hindi ko rin pwede sabihin kahit
kanino. Please wag na kayo
magtanong." Sabi ni kuya JP at maya
maya pa ay bigla na lamang syang
napaupo at umiyak. Nilapitan namin
sya ni ate at niyakap. Habang
nakayakap kami sa kanya ay
naramdaman ko ang marahan nyang
paghawak sa kamay ko. Humawak na
rin ako sa kamay nya at bigla nya itong
piniga.
"Tart! Wag kang pasaway kay ate ah.
Babalik rin ako pag naiayos ko na 'tong
problema ko. Wag mo pabayaan si ate.
At palagi kayong mag-iingat. Mahal na
mahal ko kayo." Habang patuloy pa rin
sya sa paghikbi.
Pagkatapos nun ay bumaba na kami.
Tuloy na nga ang pag-alis ni kuya.
Inihatid namin sya ni ate sa pinto. At
nang palabas na sya ng gate ay bigla
nya akong tinawag at agad naman
akong lumapit sa kanya. Hinawakan
nya ang mukha ko.
"Tart, magpakabait ka ha. Pangako
babalik ako. May kailangan lang
ayusin si kuya sa sarili nya ah.
Pagbalik ko't maayos na ang lahat sa
akin. Kahit anong gusto mo bibilhin
ko. Basta wag ka lang malulungkot ah.
Si ate protektahan mo, sya lang ang
nagiisang babae sa atin." Sabi nya
habang nakangiti.
"Opo kuya, wag ka lang masyado
matagal ah. Miss na miss na kasi kita
eh."mangiyak ngaiyak kong sagot.
Pagkatapos ay sumakay na sya ng
tricycle papuntang sakayan ng jeep.
---
Matinding kalungkutan ang
pinagdaanan ko nung umalis si kuya
JP. Palagi ko syang itinetext pero hindi
naman sya nagrereply. Buti pa si ate
palaging may balita kay kuya. Kaya
nakikibalita na lang ako sa kanya.
Ilang buwan din 'yon kaya talagang
miss na miss ko na sya. Ni hindi man
lang kasi sya dumadalaw dito. Sabi ni
ate nagpupunta daw si kuya doon sa
store nila. Dun na lang inaabot ni kuya
ang perang pambayad sa kuryente pati
na rin ang allowance ko. Minsan nga
gusto ko tanungin kay ate kung saan
nakatira si kuya para ako na lang ang
dadalaw sa kanya, pero hindi rin daw
nababanggit ni kuya sa kanya ang
address nya.
Pagkauwi ko ng bahay galing school ay
nakita ko si kuya Edrick. Masaya itong
lumapit sa akin at may ipinapakiusap.
"Lance, pwede mo ba akong tulungan?
Gusto ko kasi isurprise si ate mo eh.
Gawin natin sa bahay nyo yung
sorpresa. Please!" pakiusap sa akin ni
ate. Umoo na lang ako at hindi na
nagtanong pa. Kahit na parang nako-
curious ako kung ano ang meron at
kailangan ng surprise ng bruha kong
ate. Eh hindi nya naman birthday. Oo,
bruha! Kahit kasi nawala na si kuya
Edrick sa isip ko eh. Parang
nakakaramdam pa rin ako ng konting
kirot sa loob ko. At dahil mahal ko ang
ate ko, ay kailangan kong tiisin na lang
'to. As if may choice pa ako.
Sabay kaming umuwi ni kuya Edrick.
Pumasok sya sa bahay at nagpahinga
lang ng konte. Tapos nagpaalam na
may kukunin lang sa bahay nila. Nang
makabalik sya ay dala na nya yung
sasakyan nya. Pagbaba nya naman ay
tinawag nya ako para magpatulong sa
pagbubuhat ng mga anik anik na
gagamitin sa surprise nya kay ate.
Habang nag-aayos kami ng dekorasyon
sa bahay ay may hindi inaasahang
bisita ang dumating. Si kuya JP,
kasama nya si ate Regine. Napatulala
ako sandali at nang matauhan ako ay
bigala na lamang akong napatakbo sa
kanila. Sobra sobrang saya ang
naramdaman ko nung makita ko si
kuya JP. Nang makalapit ako sa kanila
ay agad akong napayakap kay kuya.
Mahigpit, gusto kong maramdaman
nya kung gaano ako nangungulila sa
kanya. Habang nakayakap ako kay
kuya ay hindi ko namalayan na
tumutulo na pala ang luha ko.
"Kuya! Miss na miss kita. Bakit hindi
mo ako tinetext?"para akong batang
umiyak sa kanya habang nagtatampo.
"Ahy! Nakakatouch naman, ang bunso
namin. Miss na miss na talaga si kuya."
Sabi ni ate Regine. Hindi ko alam kung
plano nya bang magjoke. Kung yun
nga ang plano nya, promise sa
pagkakasabi nya waley na waley
talaga. Pero sa totoo lang natutuwa rin
akong makita sya. Dahil matagal na
nga rin syang hindi naparito.
Halos hindi na ako makahinga dahil
humigpit din ang pagyakap ni kuya.
Pero ok lang dahil talaga namang
napakasaya kong makita sya.
"Akala mo kay ate mo lang ako may
surprise ah. Syempre sa 'yo rin.
Tinawagan ko si kuya JP mo at pinilit
ko talaga syang pumunta dito. Lagi mo
kasing hinahanap samin ni ate mo eh.
Ayan na! Ayos lang na magyakapan
kayo buong maghapon at magdamag
pero sana tulungan nyo muna ako dito.
Maga-alas singko na oh, baka parating
na si ate mo hindi pa tayo tapos dito."
Sabi ni kuya Edrick.
Tinulungan na nga namin si kuya
Edrick sa pag-aayos ng mga
dekorasyon. Masaya kaming
nagkukwentuhan nila ate Regine.
Habang patuloy ang paggawa namin.
Si kuya JP hindi pa rin sya nagsasalita,
pero panay ang sulyap nya sa akin at
sabay bibigyan nya ako ng pamatay
nyang ngiti. Para akong kinikilig na
ewan.
Halos ala-sais na nung matapos kaming
mag-ayos. Binigyan kami ni kuya
Edrick ng mga maliliit na cards. At isa
isa raw naming ibigay iyon kay ate.
Mukhang nagets ko na kung ano ang
mangyayari kaya parang nalungkot
ako ng konte. "Si kuya walang ibang
mahal kundi si tart lang."pumasok sa
isip ko ang mga sinabing iyon ni kuya
JP sa akin nung mga panahong nag-
iinaso pa ako. Kaya nawala bigla ang
lungkot ko. Mukhang kasalan na nga
ito.
Naiinip na salang maghintay kay ate.
Pero ako hindi kasi katabi ko ngayon si
kuya, habang nakatago kami sa kusina
para isurprise si ate. Nakayakap si
kuya sa likuran ko at nakapatong ang
baba nya sa balikat ko. Si ate Regine
naman ay todo bantay sa pintuan. At si
kuya Edrick parang hindi mapakali at
mukhang hindi nya pa kabisado ang
mga sasabihin nya.
"Andyan na sya!"senyas sa amin ni ate
Regine. Naexcite kami lahat. Si kuya
Edrick naman ay parang hindi na
malaman kung saan pupunta.
Malamang kinakabahan sya.
Pumasok na nga si ate at in-on na ni
ate Regine yung music "God must have
spent a little more time on you -
Nsync" ang kanta. Nang makapasok na
si ate ay hindi nya alam kung anong
magiging reaksyon nya. Nakatayo lang
sya sa may pinto at isa-isa na naming
ibinigay ang card na hawak namin.
Unti unti nang pumatak ang luha nya.
Ako man ay parang naiiyak na rin,
dahil kung ano man ang magiging
sagot nya rito ay tiyak na may
pagbabagong magaganap sa mga
buhay namin. Hindi lang basta
pagbabago, malaking pagbabago.
"Babe, mula noon hanggang ngayon
maganda ka pa rin sa paningin ko.
Simula nung makilala kita, sigurado na
ako na ikaw na nga. Ikaw na ang gusto
ko makasama. Ipinangako ko noon sa
sarili ko na gagawin ko lahat para
matupad ang pangarap ko. Ang
maging asawa kita. Hindi ako
nagbabago. Mahal na mahal kita, kahit
konti hindi nabawasan ang pagtingin
ko sa 'yo. Habang panahon akong
magpapasalamat sa mga magulang mo
dahil isinilang nila sa mundong ito ang
babaeng inilaan para sa akin. Alam ng
Diyos kung ano ang nararamdaman ko
para sa 'yo. At paulit-ulit kong
ipinapanalangin sa Kanya na ibigay sa
akin ang pinakamagandang nilalang na
nilikha nya sa mundong ito. Ang
pinakamagandang babae na nakilala
ko sa buhay ko. Maria Isabella
Andrada Ilustre (sabay luhod at bukas
ng isang maliit na kahon) will you
marry me?"
Punong puno na ang mukha ni ate ng
luha. Si kuya Edrick naman ay
matiyagang naghihintay ng sagot. Ako,
panay na rin ang pahid ko ng luha ko
dahil ayaw talaga tumigil. Lalo na
nung sinabi ni ate na "yes!". Doon na
naghalo-halo ang nararamdaman ko.
Saya, lungkot, konting pagkainis pero
mas nangingibabaw ang tuwa. Dahil
saw akas ay natupad na rin ang
matagal na nilang pinapangarap.
Hindi pa man nangyayari ay iniisip ko
na kung ilan ang magiging anak nila.
Anong buhay kaya ang haharapin nila
pag mag-asawa na sila. Totoo masaya
ako, dahil alam kong masaya ang ate
ko.
Hindi ko namalayan na nagpalakpakan
pala si kuya JP at ate Regine, nang
mapansin ko iyon ay nakipalak-pak na
rin ako. Sa wakas nagbunga din ng
maganda ang pinaghirapan namin
kanina. Napakasaya!
Hindi natapos lahat dun. Nagkainan
kami at naginuman. Kwinentuhan
namin si ate kung papaano kami
naghirap ikabit lahat ng dekorasyon na
iyon. At sabi ko "Dahil sa 'yo ginamit
yan, pwes ikaw ang maglinis nyan".
Sabay tawanan kaming lahat.
Maraming kwento at mahaba ang
naging inuman namin. Hanggang sa
lumalim na ang gabi at kailangan nang
umuwi nila kuya.
"Kuya! Dito ka na lang matulog, kahit
ngayung gabi lang please. Miss na
talaga kita eh. Promise hindi kita
kukulitin. Hindi kita kakausapin basta
dito ka lang matulog ok na
'ko."pakiusap ko kay kuya JP.
"Sige na hon pagbigyan mo na si
Lance, mukhang naghahanap na talaga
ng kuya oh." Pagsang-ayon ni ate
Regine. "Oo nga naman. Kahit ngayon
lang." nagkasabay pa sila ate Belle at
kuya Edrick sa follow up.
"Sige na nga, basta wag kang makulit
ah. Sabagay miss na miss ko na rin
'tong bunso ko eh."sabay gulo nya sa
buhok ko. "Ihahatid ko lang sa sakayan
si ate Regine mo tapos babalik ako."
Inihatid na ni kuya si ate Regine.
Sumabay na rin sa kanila si kuya
Edrick para umwi na rin. Si ate naman
ay hindi maalis sa mukha ang ngiti.
Hinarot ko si ate habang naghihintay
kami sa pagbalik ni kuya JP.
"Oy! Ikakasal na ang mangkukulam.
Hahaha!" sabay sundot ko sa tagiliran
nya.
"Ah mangkukulam pala ah. Eh kung
bawasan ko kaya yang allowance
mo."panakot ni ate.
"Ay! Yung angel pala ikakasal na.
Ayyyiie!"
Tawanan lang kami ni ate at bigla ko
na lang sya tinanong ng isang
seryosong tanong.
"Ate bakit mo nga pala ibrineak si
kuya Edrick noon?"
"Ah! Eh, kasi dumadating din kasi sa
tao yung pakiramdam na nagsasawa
ka. Akala ko hindi ko na sya mahal
noon, pero mali ako eh. Namimiss ko
pa rin pala sya. Siguro nagsawa lang
ako sa mukha nya. Hahaha! Kaya ikaw
wag kang basta basta nagdedesisyon.
Pag-isipan mo muna ng mabuti dahil
baka pagsisihan mo. Minsan kasi mali
ang nagdedesisyon ka base sa emosyon
mo. Kaya maraming nagkakamali
dahil dyan. Swerte ko lang dahil hindi
ako binitiwan ni kuya Edrick mo. Dahil
kung nagkataon, pagsisisihan ko iyon
habang buhay. Naiintindihan mo ba
ako?"
Tumango lang ako kay ate. At muli ko
syang hinarot. May bago akong
natutunan sa kanya. Palagi kasi akong
nagdedesisyon base sa nararamdaman
ko. Mali pala 'yon kaya dapat ko nang
baguhin para makaiwas sa mga
pagkakamali.
Dumating na si kuya JP. Medyo hindi
na tuwid ang lakad, malamang
nalasing na sa ininom namin. Mahina
kasi talaga sya uminom eh, goodboy
kasi palagi. Hindi katulad ko na may
pagkapasaway. Isinara na nya ang
pinto at umupo sa gitna namin ni ate.
"Aba! Ang ate ko ikakasal na ah. Hays!
Sana nakikita tayo nila mama at papa.
Para makita nila kung ano ang
kinahinatnan ng mga mahal nilang
anak. Masaya ako para sa 'yo ate, sana
maging maligaya kayo ni kuya
Edrick."sabay yakap nya kay ate.
"Salamat. Napakasaya ko, kahit na
nawalan tayo ng mga magulang.
Biniyayaan naman ako ng mga
mababait na kapatid. Ay hindi, si JP
lang pala ang mabait. Sutil pala itong
isang 'to."sabay dutdot ni ate sa noo ko
at itinulak nya palayo.
Nagtamputampuhan ako at
nagtawanan naman silang dalawa.
Nagsiakyat na kami para makapag
pahinga na. Kagaya ng ipinangako ko
kay kuya, hindi ko sya kinausap o
kinulit. Humiga na ako sa kama ko at
bumaling banda sa kama ni kuya.
Humiga na rin sya at hindi sya
nagsasalita. Maya maya pa ay
bumangon sya para patayin na ang
ilaw. Pagkapatay nya ay tsaka naman
ako pumikit. Natutuwa ako dahil hindi
ko imagination si kuya. Madalas ko
kasi imaginin na nandyan lang si kuya
kahit wala sya. Pero ngayon totoo na
nandito sya.
Hindi ko na namalayan na nakaidlip na
pala ako. Dahil siguro malakas din ang
tama ng alak sa akin kaya naman
mabilis lang akong inantok.
Naalimpungatan ako nang
maramdaman kong may nakayakap sa
akin. Si kuya JP, hindi ko napansin na
lumipat pala sya sa kama ko. Kumilos
ako para umayos ang pwesto namin
dahil parang nakaramdam ako ng
pangangalay sa kabilang braso ko.
"Gising ka pa?" si kuya JP.
"Mmm kuya." Sagot ko.
"Nalulungkot ka ba dahil ikakasal na
kay ate yung lalakeng mahal mo?"
tanong ulit nya.
"Huh? Hindi ah, kinalimutan ko na yun
matagal na. Hindi ko na sya iniisip.
Nalulungkot lang naman ako kasi wala
ka dito sa bahay. Miss na miss na kaya
kita." Sagot ko.
"Talaga? Namimiss mo ako? Gusto mo
bang bumalik na ako dito?"
"Oo kuya, please bumalik ka na dito.
Promise hindi na ako makulit."
"Hindi pa pwede bunso eh, hindi pa rin
maayos si kuya. Kasi mah.. ." putol na
pagkakasabi ni kuya.
"Ano ba yung problema mo kuya?
Sabihin mo saken please."
"Hindi pwede tart eh. Komplikado
yung problema ko kaya hindi ko
pwede sabihin sa 'yo. Basta tatandaan
mo lang na kahit anong mangyari
mahal na mahal kita. Walang
pupwedeng gumalaw sa 'yo. Dahil pag
ikaw ang naapi, papatay si kuya para
sa 'yo."
"Wala namang nang-aapi sa akin eh.
Takot lang nila. Mahal na mahal din
kita kuya. Sana bumalik ka na dito."
Sabay marahan nyang piningot ang
tenga ko.
"Sabi mo hindi ka mangungulit.
Matulog na tayo tart, ganito lang
magkayakap para mabawasan yung
sakit na nararamdaman ni kuya." At
naramdaman ko na lang na may
parang tubig na dumaloy sa noo ko.
Umiiyak yata si kuya, pero hindi ko na
iyon pinansin. Niyakap ko na lang sya
ng mahigpit para mapagaan ang loob
nya.
Kinabukasan ay hindi ko na nakita si
kuya. Siguro maagang nagising at
hindi na ako inistorbo. Nalungkot
talaga ako dahil sandali ko lang syang
nakasama. Pero ayos na rin dahil sa
wakas ay nakatabi ko sya sa pagtulog.
At tsaka may text sya sa cp ko "Uwi na
si kuya, naghihilik ka pa kasi kaya
hindi na kita ginising. Wag ka
malungkot, mahal na mahal ka ni
kuya."
Hindi pa rin umuuwi si kuya, dalawang
buwan na rin nung huli kaming
magkita. Pero ngayon ay nagrereply
na sya kahit papaano sa mga text ko.
---
December 20, ang date ng kasal nila
ate Belle at kuya Edrick.
Naghahanda na kami para pumunta ng
simbahan. Ayaw ko pang isuot 'tong
barong dahil mainit at makati. Hindi
naman kasi ako sanay na magsuot ng
mga ganito eh. Nakakainis, ginawa pa
kasi akong abay eh. Tinanggihan ko na
nga sila, pinilit pa rin ako. Ang gusto
ko pa naman pag may ganito eh,
taganood lang at tagakain. Pero ano pa
nga bang magagawa ko eh ito ang
unang kasalang magaganap sa pamilya
namin.
Tinext ko si kuya JP kung nasaan na
sya nagreply naman sya na malelate
sya. Hmp! Buti pa sya walang gagawin.
Sya sana ang gagawing bestman para
gwapo daw yung nasa harap. Kaso
hindi sya pwede dahil may gagawin pa
raw sya. Kaya ayun pinagchagaan nila
yung bestfriend ni kuya Edrick na
mukhang panda. Pano naman malaki
na eyebag, malaki pa ang tiyan.
Nauna na kami sa simbahan, sumabay
na ako kay kuya Edrick dahil hindi
naman ako pwede makipagsabay sa
bride. Alam nyo na, bride ang
paimportante sa kasalan eh. Nang
makarating kami sa simbahan ay agad
na kaming iniayos ng mga pwesto para
pag sinimulan na ay wala nang
marami pang kuskos balungos. Itinext
ko si ulit si kuya JP. "Asan ka na?"
Nagreply naman sya "Oo, andyan na,
pasakay na ako ng taxi. Nakuha mo ba
yung notebook na inilagay ko sa kama
mo?" tanong nya sa akin. "Hindi pa,
nagmamadali ako kanina eh. Mamaya
na lang, bilisan mo kasi, baka
magmaldita na naman si ate eh."
Dumating na si ate. Wow! Ang nasabi
ko sa isip ko. Kahit nakita ko na sya
kanina ay parang naeengkanto pa rin
ako sa ganda nya. "Kapatid ko
yan."pagmamalaki ko sa isip ko.
Inumpisahan at natapos na nga ang
kasalan ay hindi pa rin dumarating si
kuya JP. Papunta na kami ngayon sa
reception "haynaku! Drawing talaga."
Sabi ko.
---
Halos sumabog ang ulo ko habang
nakatayo ako sa entrada. Hindi ko
maihakbang ng maayos ang mga binti
ko dahil nanginginig ang mga tuhod
ko. Wasak na wasak ang mundo ko.
Para akong masisiraan ng bait. Gusto
kong magmadali pero hindi ko
magawa. Gusto kong makarating
kaagad sa dulo kung saan matiwasay
na nakahimlay ang walang buhay na
katawan ng pinakamamahal kong kuya
JP. "KUYA!" gigil na gigil kong
pagtawag sa kanya. Nagkakandarapa
na ako sa pagmamadali kong makita
sya. Nang makarating na ako doon ay
bigla na lamang akong hinawakang
mahigpit ni ate Regine, dahil parang
gusto kong hugutin si kuya JP sa loob
ng kabaong nya. "KUUYYYYYYYYAaA!"
mahaba kong sigaw. At maya maya ay
kumalma na ako. "Ano 'to? Panaginip
lang 'to. Hindi 'to pwede. Kuya ko.
Mahal na mahal kita." Sabi ko sa isip
ko. Hindi pa rion ako makapaniwala na
tinitingnan ko ngayon ang bangkay ni
kuya. Hindi maiproseso ng utak ko ng
maayos kaya parang mababasag ang
bungo ko anumang oras.
Natanggal pala si kuya JP sa trabaho.
Nahihiya syang sabihin sa amin dahil
ayaw nyang maging pabigat. Banned
sya sa maraming company kaya
nahirapan syang maghanap ng bagong
trabaho. Ikinwento sa akin ni kuya
Conrad na nagmamadali daw humanap
ng trabaho si kuya JP dahil kailangan
nya raw talagang makabili ng IPhone.
Para daw hindi ito masyadong
mastress sa kakahanap ng trabaho, ay
pinautang nya na lamang ito ng pera
pambili ng IPhone. Nang matanggap
daw iyon ni kuya ay agad itong umalis
para bumili kaagad. Yun din yung
araw na ibinigay nya sa akin yung
IPhone na yun. Isang kaibigan daw ang
lumapit kay kuya JP, nag-aalok ito ng
trabaho. Magbebenta raw ng drugs.
Pinigilan daw sya ni kuya Conrad pero
hindi ito nagpapigil. Itinuloy nya raw
iyon para naman hindi sya maging
pabigat kay ate. Pinamamanmanan na
pala sya ng mga pulis ng hindi nya
nalalaman. At na raid ang hideout nila
nung araw mismo ng kasal ni ate.
Nagkaroon daw ng enkwentro at
disgrasyang tinamaan si kuya sa ulo.
Dead on the spot si kuya. Yan ang mga
kwento ni kuya Conrad, habang kami
naman ni ate Regine ay matamang
nakikinig. Lalong humigpit ang
pagkakahawak ni ate Regine sa kamay
ko. Kapwa kami walang tigil sa pag-
iyak. Si ate Belle naman ay nakaupo
lamang dun sa likuran namin at tulala
kasama si kuya Edrick.
Hindi ko kayang tagalan ang hinagpis
ko sa loob ng burol ni kuya. Kaya
umuwi ako, dahil ayaw ko nang makita
yung kabaong na kinalalagyan nya. Sa
bahay ko na lang uumpisahan ang
pagluluksa. Pagkarating ko ng bahay
ay naalala ko ang notebook na sinasabi
ni kuya. Nang Makita ko ito ay agad
kong binasa ang nilalaman nito.
Tart,
Sasabihin ko na sayo lahat lahat kaya
basahin mong mabuti at intindihin mo.
Matagal ko na rin itong itinatago sa
'yo. Tart gusto ko malaman mo na
kaya ako umalis, dahil hindi ko na
talaga kayang makita ka. Nalululong
na ako sa 'yo. Kuya mo ako kaya ako
dapat ang gumagawa ng tama. Pero
nakagawa ako ng isang malaking
pagkakamali. Yun ay ang mahalin ka.
Mahalin hindi bilang kapatid mo.
Mahalin ka ng lubos bilang isang
lalake. Suyuin ka bilang ibang tao.
Kahit saan natin tingnan ay mali talaga
ang nararamdaman ko. Pinaparusahan
ko ang sarili ko sa pamamagitan ng
paglayo sa 'yo. Mahal kita tart. Kaya
lahat ay magagawa ko para sa 'yo.
Isang bagay lang ang ginawa kong
tama, yun ay ang iligtas ka mula sa
isang malaking kahihiyan. Kaya ayaw
kong sabihin dahil ayaw kong mandiri
ka sa akin. Abot hanggang langit ang
pagmamahal ko sa 'yo tart. Kaya
kailangan ko na talagang lumayo para
patayin ang nararamdaman ko para sa
'yo. Ikaw na kasi ang nagpapaikot ng
mundo ko eh. Pero ngayon unti-unti
na akong umaayos. Nawawala na. Ito
ang magandang balita na gusto ko
sabihin sa 'yo. Isa pa nga pala wag ka
munang maingay kay ate. Sa 'yo ko pa
lang sasabihin ito at wala pang ibang
nakakaalam. Tart, magkakaroon ka na
ng pamangkin. Magkaka baby na kami
ni ate Regine mo. Napakasaya ko kasi
sa wakas unti-unti nang nagiging tama
ang takbo ng utak ko. Salamat sa 'yo
tart. Hindi mo ako minahal, katulad ng
pagmamahal ko sa 'yo. Dahil kung
sinuklian mo ang nararamdaman ko,
malamang nagkandaleche-leche na
yung buhay natin pareho. Babawi na
lang ako sa susunod na buhay natin.
Hinihiling ko na kung mabubuhay tayo
ulit, sana hindi na tayo magkadugo.
Para malaya na akong mahalin ka. Pag
dating ng panahong iyon, hahanapin
kita at hindi na kita pakakawalan. Pero
sa ngayon mamahalin muna kita
bilang kapatid. Mahal na mahal kita
bunso.
Kuya,
Pinatay ko ang ilaw at nakiramdam
ako sa dilim. Ang dati'y masayang
tahanan, ngayon ay nababalot ng labis
na katahimikan. Walang puwang ang
ilaw. Walang puwang ang init sa
malamig na silid. Puro hapis, dusa at
panimdim. Wala akong maramdaman
kahit konting saya. Nakakatakot.
Nawawala ako. Gusto ko tumakbo pero
saan ako pupunta? Kung kahit
impyerno ay pinagsasarhan ako ng
pinto. Masikip sa langit kaya nahulog
ako. Anghel na walang pakpak. Anghel
na walang liwanag. Puro
karumaldumal na kasalanan ang
bumabalot sa akin. Marumi,
madungis. Nakakairita. Ibuhos sa
nananahimik na pader lahat ng galit
ko, yan lang ang kaya ko gawin. Kelan
ba ako makakabangon. Kelan ko kaya
makikita ang liwanag. Napakadilim
nagiisa ako. Walang masulingan. Para
akong ligaw na hayop sa ilang. Para
akong nalulunod, hindi ako
makahinga. Sinong tutulong sa akin?
Wala. Limang libong milya ng lupain
ang kailangan ko lakarin. Sa dulo nun
ay hindi ko pa sigurado kung may
kapayapaang naghihintay sa akin.
Natatakot pa rin ako, patuloy akong
nangangapa sa dilim. Nakikiramdam
sa sunod na mangyayari.
Bigla na lamang lumiwanag sa paligid
ko at narinig ko ang boses ni kuya.
"Paano si ate? Kung itutuloy mo yan?
Tart, nawala lang ang katawan ko.
Pero ang pusot kaluluwa ko ay patuloy
na mananatili sa inyo. Patawarin mo
sana ako kung iniwan ko kayo. Wag na
kayong malungkot. Magpatuloy kayo
sa buhay. Nandito lang kami nila
mama at papa. Palagi namin kayong
babantayan."
Pagkatapos noon ay bigla na lamang
akong bumalik sa ulirat. May hawak na
akong gunting at nakalapat ito sa pulso
ko. Wala sa sariling magpapakamatay
na ako. May tumapik ng gunting mula
sa mga kamay ko at tumilapon iyon sa
ilalim ng kama. Bigla ko na lamang
naramdaman ang isang mahigpit at
mainit na yakap. Kasabay nun ang
isang malakas na hagulgol. Si ate.
Nakalimutan kong may ate pa nga pala
ako.
"SOSOsoorry ate!" sabay hagulgol ko at
napayakap na rin ako ng mahigpit sa
kanya.
"Tart! Maawa ka naman kay ate. Wag
mo naman akong iwan mag-isa dito
please!"
"Ate! Ate! Sorry, hindi na mauulit."
---
Araw na ng libing ni kuya.
Magkakatabi kaming apat nina kuya
Edrick, ate Belle at Regine. Nakasunod
lang kami sa karo. Panay ang iyakan at
lalo pang nadagdagan ang kalungkutan
nung inumpisahan ng patugtugin yung
music. "Footprints in the sand - Leona
Lewis"
You walked with me, footprints in the
sand
And helped me understand where I'm
going
You walked with me when I was all
alone
With so much unknown along the way
Then I heard you say
I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sorrow
and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
I see my life flash across the sky
So many times have I been so afraid
And just when I have thought I lost my
way
You give me strength to carry on
That's when I heard you say
I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sorrow
and despair
And Ill carry you when you need a
friend
You'll find my footprints in the sand
When I'm weary, well, I know you'll be
there
And I can feel you when you say
I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sadness
and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
I promise you, I'm always there
When your heart is full of sadness and
despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand
Patuloy kaming naglalakad. Bumaling
ako sa mukha ni Regine. Bakas sa
mukha nya ang kawalan ng pag-asa.
Hinawakan ko ang kamay nya.
Mahigpit. Gusto kong iparating sa
kanya na hindi sya nag-iisa. Tumingin
sa akin si Regine.
"Paano na Lance?" tanong nya.
"Wag ka mag-alala hindi ko kayo
pababayaan." Nagulat sya sa sinabi ko.
Pero patuloy lang kami sa paglalakad.
Dito na ang huling hantungan ni kuya.
Huling sulyap sa kahong kinalalagyan
ng katawan nya. Napatingin ako sa
malayo at namalik mata. Si kuya,
nakangiting kumakaway sa akin.
"Mahal kong kuya, paalam na."
---
Limang taon na ang lumipas. Sigurado
na akong nakamove-on na ako.
Napakasaya ko ngayon. Totoo na 'to
hahaha, hindi na ako pipitsuging
bratinelo ng taon. Isa na akong
architect. At masayang masaya sa
napili kong buhay. Death anniversary
ni kuya ngayon kaya pupunta kami sa
simenteryo.
Nakaupo ako sa tapat ng lapida ni John
Phillip Andrada Ilustre. "Nakanaman,
ang tindi ng pangalan mo tol ah."sabi
ko sa isip ko. "Musta ka na? Relax na
relax ah. Tarantado ka kasi eh, excited
ka mapunta sa langit."
"JP, dahan dahan naman. Wag ka
masyadong mabilis."sigaw ng asawa
ko. At bigla na lamang dumamba sa
likuran ko ang makulit kong anak.
"Tart! Sino yan tart? Tanong sa akin ng
anak ko. Nakasanayan nya na akong
tawaging tart dahil madalas nya iyong
marinig kay ate. "Si tito JP mo yan."
Sagot ko. "
"Ay grabe ang kulit talaga ng batang
yan. Manang mana sa 'yo." Sabi ni
Regine.
"Honey naman, bakit pag bad sa akin
minana pero pag good sa 'yo lahat.
Unfair ka ah."
"e kanino pa ba magmamana ng
kakulitan yang anak mo kundi sa
'yo."sabi pa nya.
At bigla na namang tumakbo si JP
paikot ikot para pahabulin ang
mommy nya. Oo! Si Regine na dating
girlfriend ni kuya ang napangasawa
ko. Mahabang kwento kung papaano
ko sya napapayag na magpakasal sa
akin. Basta ang masasabi ko lang,
feeling artista sya nung nililigawan ko
pa sya. Nung una pa naman gusto ko
na sya, kaya hindi naman nagumpisa
sa wala ang pag-ibig ko sa asawa ko.
Mahal na mahal ko sya pati na rin ang
anak ni kuya JP. Ipinangalan nga
namin sa kanya ang anak nya eh.
Walang nakakaalam, na hindi ko anak
si JP. Kaming dalawa lang ni Regine at
wala kaming balak na ipaalam pa iyon
sa iba kahit kila ate. Aalagaan ko sila.
Sisiguruhin kong walang mang-aapi sa
kanila. Kagaya ng ginawa sa akin ni
kuya. Gagawin ko rin silang maswerte
katulad ko. Maswerte ako dahil
nagkaroon ako ng kuya JP na
nagmahal sa akin ng walang hinintay
na kapalit. Ganun rin ang gagawin ko
sa kanila. Mamahalin ko rin sila ng
buong buo.
"Salamat kuya, natagpuan ko na ang
kaligayahang matagal ko nang
hinahanap. Ikaw ang naging daan para
makita ko sila. Ang sarili kong
pamilya. Wag ka mag-alala palalakihin
ko si JP kagaya ng pagpapalaki sa atin
ng mga magulang natin. Magiging
mabuting tao rin sila. Nga pala may
balita ako sa 'yo, magkakapamangkin
ka na. Nakabulls eye ako hahaha. Wala
nang selosan ah. Manahimik ka na
lang dyan. Mahal na mahal kita kuya."
Maya maya pa ay sumigaw si JP,
inaway daw sya ni Raiven. Anak nila
ate Belle at kuya Edrick. Kahit na mas
matanda si JP ng isang taon kay Raiven
ay hindi nya ito pinapatulan, kaya iyak
na lang ang pangganti nya. Pinuntahan
ko si JP para kargahin, dahil pag
ganitong nagdaramdam sya ay ako
lang ang nakakapagpatahan sa kanya.
"Huhuhu! Hindi ako lab ni Raiven."
Pagtatampo nya.
"Lab ka ni Raiven, pinsan mo yun eh.
At tsaka naglalaro lang naman kayo
eh." Sabi ko sa kanya.
"Hindi nya ako lab, inaaway nya ako
eh. huhuhuhu"
"Oh, tahan na. Wag ka na malungkot,
HMmmm!" sabay halik ko sa kanya
"Isipin mo na lang na si Tart, si JP lang
ang mahal." At bigla na syang huminto
sa pag-iyak. Bumalik na kami sa lapida
ni kuya. Kasama na sila ate at ang
asawa ko.

Wakas...

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon