Chapter 1.1: Bestfriends...

27 2 0
                                    

Author's Note:
Part pa din po to nung last chapter.

Let's Meet Nicky Ron Tolentino.

*****************************************************************************************************

Ron's P.O.V.

Having a Best Friend is the most incredible thing a person could ever have in this world. They are precious. Kahit di ko aminin, mahalaga talaga sa buhay ko ang babaeng to. Karamay ko siya sa lahat. Tinutulungan niya ako kapag may mga bagay akong nahihirapang gawin. Tinuturing niya akong Kuya, bestfriend, kahit boyfriend minsan haha (Assuming ko eh noh??), prinsepe na din. At ngayon, may nangangahas umagaw sa aking prinsesa... Nililigawan siya ngayon ng mayabang, bolero, babaero, jerk at playboy na si Zoren. Ayokong mapunta sa kanya ang bestfriend ko. Dadaan muna siya kay kuya Carmichael ang lalakeng yun. Pagkatapos, Sa akin. At sisiguraduhin kong bugbog sarado sa akin ang kumag na yun kapag sinaktan niya si Camille. Ako ang superhero ng Best Friend ko.

~FLASHBACK...Ang panliligaw ng g*g* kay Camille.

We we're on the cafeteria nang biglang may sumitsit. Dinedma lang namin siya ni Camille. "Uy Camille, Pansinin mo naman ako oh!" G*g* to ah..."What for? Para mangulit? Tigilan mo ako Zoren." sabi naman ni princess. "Ano naman ba ang kailangan mo tol?" tanong ko sa kanya. "Wag kang mangialam tol, si Camille ang kinakausap ko hindi ikaw." At pinapalabas pa ng ung*s na to na pakialamero ako aba't namumuro na to! "Tama na yan! Ano ba ang kailangan mong as*ngot ka ha?" ayan galit na si madam. "eh gusto ko lang namang i invite ka kahit sa isang dinner man lang eh, Epal naman tong Kutong Lupa na to!" Ako pa?? namumuro na tong g*gong to ah leche -__- "Sinong kutong lupa ang tinutukoy mo? Gusto mong mapalitan yang mukha mong parang aso ng mukha ng baboy? Bogbugin kita diyan eh. At anong dinner? Mag dinner ka mag isa mo!" nag iinit na ako dito! "Psh. Sino ka ba ha? Sino ka sa buhay ni Camille? Best friend? Hamak ka lang na best friend! Hindi ka niya B-O-Y-F-R-I-E-N-D! Kaya umayos ka pre!" sabi ni gago..And by that sinugod ko na siya at pinagsusuntok. Resulta? Ayun black eye.  "Ron!" sigaw ni Camille. "Tama na yan! Ano bang nangyayari sa iyo ha! Nagiging biyolente ka na! At ikaw naman Zoren, Sino ka ba sa akala mo huh? Ikaw ang umayos kung gusto mong di ako magalit sa iyo! G*go!" sigaw naman ni Camille kay Zoren. Galit na ang prinsesa ko >_<  "Camille, Sorry na!! Wag ka nang magalit!" pweh leche.. "Princess, Sorry na oh Eh ayoko namang guluhin ka ng asong ulol na to eh! SORRY!" sabi ko sana tanggapin niya ang sorry ko. "Tss. Ewan ko sa inyo. Iwan niyo muna ako!" sabi niya. At hanggang sa hindi niya na kami pinansin hanggang sa matapos ang klase namin. 


Uwian...

Nasa parking lot na ako nang makita kong sinusundan pa rin ni asong ulol si Camille. Paniguradong kinukulit na naman ito ni asong ulol. "Oo na sige na payag na akong makipag dinner sa iyo Zoren sa isang kondisyon..." sabi ni Camille. "Ano naman yun??" tanong ni Zoren na may kislap na sa mata. "Papayag ako sa iyo kung papayag kang isasama ko si Ron." WHAT??? "NO WAY!" bulyaw niya. "No way pala huh. Tara na Ron. Ayaw pumayag ni G*go eh Eh di no way rin siya sa akin! Tabi." sigaw ni Camille sabay hatak sa akin. Ayan siya eh mahilig mambasag. Mambasag ng eardrums haha at ayun iiwan na sana namin si Zoren nang biglang sumigaw si asong ulol. "Teka Camille! Ito naman oh parang nagbibiro lang eh. Siyempre payag ako. Wag lang siyang manggulo sa dinner natin." sabi ni asong ulol. Ano siya? Siniswerte? Di ako papayag na masolo ang prinsesa ko noh! "Sige. Sa Sunday. Let's meet at the ******* Restaurant. 7 sharp." sabi ni Camille.

After 2 Days.

Nandito na ako sa bahay nina Camille. Sabay na kaming pupunta ni Camille sa Restaurant. "Ahm, Nanay Mirns, Si Marie po?" tanong ko kay nanay Myrna. Marie, yan ang ibang tawag ko kay Camille. *O* na-starstruck din yung  ibang katulong dito sa bahay. Masisisi nyo ba ako kung bakit ako naging gwapo?? (Phew! Ang hangin!) Manahimik ka epal na otor! (Eh di tahimik!) Good. Bumaba na si Marie at huwaww ang ganda ni gaga (bakla lang Ron?) tss. Shut the F*ck up you silly otor! "Ano tara na?" and she snap her fingers at ang naging daan upang bumalik ako sa  realidad. Eh pano ba naman kasi nakatitig ako kay Marie!


Sa Restaurant...

Nauna akong pumasok sa loob kasi nagpaalam si Cams na  mag re-rest room muna siya. At pagpasok ko sa loob... I was shock dahil na naman sa lecheng si Zoren. May banner kasing nakaplastada sa harap ng dining table na kakainan namin at ang nakasulat ay "CAMILLE, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" di ba nakakaasar yun? Paksh*t talaga! "Dude, anong pakulo to? Akala ko ba dinner lang to? Ba't may ganito?" tanong ko sa kanya. "Wala ka nang pake!" sagot ng ulol. "Ano to? Pabebe? dude di bagay sa iyo kaya wag kang ano!" sigaw ko naman sa kanya. "At ano na naman ang nangyayari dito? Wag niyong sabihing nag aaway na naman kayo?" biglang sulpot ng prinsesa. "Sinong may sabing nag-aaway kami? eh nag-uusap lang naman kami ni Nicky Boy dito!" sagot naman ni ungas. Tss. Ano kala niya? Close kami? Ang Plastikkk.. "Tss. Nakikipag-usap ka na sa lagay na yun ha." sagot ko naman. "Oh siya tama na yan at para makakain na rin tayo!" Hayy kung di ko lang talaga mahal tong sang to. Wait... Ano ang iniisip niyo? Mahal ko siya bilang bestfriend at kapatid yun lang yun nothing more nothing less. (Depensib!) Wag ka nga otor! Hay makakain na nga lang... Ang daming inorder ni ungas pang piyesta! At nanahimik ang paligid... "Ahm, Camille, kung sakaling manligaw ako sa iyo, papayagan mo ba ako?" basag ulit ni ulol sa katahimikan. At sabay pa kaming napaubo ni Camille. Payag kaya siya? Sana hindi! Kasi gusto kong ako ang first ni Camille. Waahh Sinabi ko ba yun?? Hindi naman di ba? (Kasasabi lang eh..) Leche wag ka ngang umipal otor! (Sorry naman!) Joke lang yun ok! "Ok lang ba kayo?" hysterical namang napabalikwas si ungas. "Ah oo." sabay naman naming sabi ni Camille. Sa totoo lang? Hindi eh hindi kami ok dahil sayong g*g*ng ka! Leche ~__~  "Ah ok. So Camille PAYAG ka na?" tanong niya na may diin sa PAYAG. Sana hindi! Wag kang pumayag Cams! Nakatulala lang siya habang tinitingnan ang pagkain niya. "Hoy, prinsesss Okay ka lang ba? Payag ka daw ba sa alok ng ulol na ito.." sabi ko. "Ahhh o-okay lang ako. O-okay lang din sa akin ang alok niya."sagot niya. WTF? NO F*ckin' Way!!! "Talaga??" na may ngiting tagumpay sinambit ng askal na ito. "Thank you talaga Camille!" dagdag pa niya. "As if namang magpapa-party ang buong universe dahil sa pinayagan ka ni princess." Sabi ko nang may pagkapait-pait haha (Bitter kasi ako kaya ganyan wag kayong ano READERS...) Kaya ka nga Inday Bitter diba?? Talaga OTOR ohh. (Tss. Oo na!) sige bumalik ka na sa pagsusulat. Ayun kausap ko pala ang hangin bago ko nakausap ang bitter niyong otor.  Eh kasi naman hinila na ng ug*k si princess eh. "Leche -__-" sabi ko na lang. "Hoy PRINSEPE Halika na umuwi na tayo!" sabi niya ng nakangiti. Crush ba niya ang ungas na yun? THE HECK! The hell i care kung crush niya ang ulol na yun, ang importante masaya ang prinsesa ko.

~End of FLASHBACK~

PRESENT DAY(After the day of that f*ckin' dinner...)

Ako ang naghatid kay princess sa bahay nila kahapon. At nandirito ako sa bahay nila ngayon para sunduin siya dahil sabay na kaming papasok sa University namin. Kagabi ko pa kasi gustong itanong kay Camille kung bakit siya pumayag sa gusto ng ungas na iyon. Kaya ngayon tatanungin ko na siya bahala na sa resulta. "Ahm... Princess, Talaga bang pumayag kang magpaligaw sa playboy na iyon?" tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga ako pagkatapos nun. "Bakit Prince? Selos ka?"  Ako? Ako pa talaga? "Who's jealous? Me? NO WAY! Ang akin lang naman kasi baka saktan ka ng ugok na iyon." sabi ko sa kanya. "Ah haha yun na nga pinayagan ko siyang manligaw kasi ako ang magiging karma niya. Hindi naman ibig sabihin nung pumayag ako eh papayag na rin akong maging boyfriend siya. Ano siya sine-swerte? Pagkatapos ko pang malamang pinagpupustahan pala nila ako ng mga ugok niyang kaibigan para maging girlfriend niya, Well sorry siya wala siyang mapapala sa akin. By the way prince, hihingi ako ng favor sa iyo." ah ganun pala rason niya. Good luck na lang kay Zoren! hahaha "Gagong yun ah! Gusto mo upakan ko? Wag ka nang lalapit dun ah." papatayin ko pa yun eh kung kinakailangan? Well hindi ko siya papatayin tuturuan ko lang ng leksyon haha, eh sa mabait ako eh. 


Sige diyan na lang muna... BYE!

A/N: Ano kaya ang favor ni Camille kay Ron? Well abangerss...

Ang chapter na ito mula sa first chapter ay idea lamang ng hinayupak kong pinsan kaya pagpasensyahan niyo na ngayon lang ako magiging mabait haha sige na bye!


NEXT UPDATE? Di ko pa alam! Sige babosh!

VOTE, COMMENT & BE A FAN...

LOVE LOTS...

~INDAYBITTER....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon