I once believe in happy ending.I once believe in love.
I once believe in fairy tales.
I once believe in you,
Believe that you'll never leave me.
Too bad I did.
I guess, promises are meant to be broken.
Your promises are meant to be broken.
Tiningnan ko ang epilogue na ginawa ko. Okay na 'to. Mas makatotohanan.
Narinig ko ang mga yabag patungo sa kwarto ko. Hindi ko ito pinansin at paulit-ulit kong binasa ang tinype ko.
"Kia, hindi ka pa ba tapos? Andiyan na sila Yasmine." mahinahong sabi ni mama.
Tumingin ako sa direksyon niya at ngumiti sa kanya.
"Jusko! Ikaw talagang bata ka! Inuna mo pa ang pagtatype! Wala ka bang balak mag ayos na ng sarili mo!" sinasabi niya iyon habang paikot-ikot sa kwarto ko.
Bumuntong hininga na lang ako at inihipan ang bangs ko.
"Aba't! Hindi ka pa talaga natinag! Tumayo ka na diyan at maligo na!" dagdag niya pa.
"Ma talaga! Para lang sa ball na 'yon natataranta ka." sabi ko ng kalmado.
Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ikaw lang ata ang hindi excited sa Graduation Ball niyo. Ibang klase!" naiinis na sabi niya.
"Pinaghandaan pa naman namin 'to ng papa mo tapos ganyan ka." nagtatampong sabi ni mama.
"Hindi ka man lang excited." dagdag pa niya.
It just that, nothing excites me anymore.
Hinipan ko ulit ang bangs ko.
"Okay ma. Maliligo na ako. Wag ng madrama." sabi ko at tsaka dumiretso na sa banyo.
Paglabas ko mayroon ng isang babae roon na may dalang maliliit na box.
"Sino siya?" tanong ko habang tinatanggal ang towel na nakabalot sa ulo ko.
"Yung make up artist na ipinadala ni Ate Accy mo!" masayang sabi ni mama.
"Ha? Asan si Ate Accy? Akala ko next week pa flight niya." nagtataka kong tanong.
"Mamaya ka na magtanong at umupo ka na." excited na sabi ni mama.
Iniwan na kami ni mama at inayusan na ako ni Ate Margaux.
"Ate, make up artist ka ba talaga or modelo?" di ko maiwasang tanungin dahil ang ganda niya.
She laughed at me, a very girly laugh at that. Sana nakakatawa rin ako ng ganyan.
"Well, that's my part time job! Ikaw gusto mo ba mag model? Maganda ka eh." sabi niya habang binoblower ang buhok ko.
I shake my head eagerly.
"Sayang. Ang ganda mo pa naman. Pouty pink lips, pointed nose, tsaka natural na brown pa ang buhok mo..."
"Kaso 'yong mata mo eh." tumawa siya saglit at saka tumungin sa mata ko sa repleksyon ng salamin.
She winced at tsaka ibinalik amg atensyon niya sa buhok ko.
"Bakit?" tanong ko. Ang ganda kaya ng mata ko.
"Your eyes kasi, parang patay." Tumawa siya ulit. "I mean, your eyes are too cold. Parang masyadong madaming tinatago." pinakinggan ko lang siya.
"Your eyes was actually taking the glow in you, it makes you look lifeless."
Napangiti ako. Lifeless. Sana nga ganoon na lang.
Narinig ko ulit ang magandang tawa niya. "But don't worry, maganda ka pa din naman."
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata ngunit nag-iwas agad siya ng tingin.
"Uh. Kia, pwede bang wag kang tumingin sa akin ng diretso. Natatakot ako eh." medyo patawa tawa niyang sabi.
"Okay." sanay na ako. Palagi naman ng ganoon ang sinasabi nila sa akin. Kahit 'yong mga bata sa ampunan non.
Halos isang oras niya akong inayusan. Well, she did pretty good.
Pumunta na kami sa school pagtapos non.
"Grabe Kia, ang ganda ng design sa paligid tsaka ang daming pogi." medyo malakas na sabi ni Yasmine.
"Landi mo talaga!" sabi ko ng pabiro.
Nagpout lang siya at sumimangot. I laughed at her expression. Too childish.
"Sige na, puntahan mo na si Blue." sabi ko.
Si Blue ay crush niya 'yong kapatid ni Ate Accy. Lalo siyang napasimangot.
"Sus! Echosera, ikaw naman ang gusto non! Akalain mo college na binabalikan pa din dito. Iba ka talaga!" and she giggled.
Hinipan ko ang bangs ko. I don't even like him. We're just friends. No more no less.
"Sus. Arte mo talaga! Mukha kang tanga. Akala mo talaga makikita mo pa si Gi----" agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"You shut up!" I said through gritted teeth.
"Joke lang naman! Tara na nga!"
Tumingin ako sa may langit.
Hindi naman na ako umaasa. Sinungaling siya!
He feed me with his lies and promises.
"I hope hindi na tayo ulit magkita!"
I hate you to death Gi. I freakin hate you.
******
BINABASA MO ANG
Pursuing Trouble
Teen FictionI didn't mean to leave you. I didn't mean to break you. I didn't mean to break those promises that I told you. But one thing for sure, I loved you.