Ephemeral

75 5 3
                                    


Ephemeral (One Shot)

---

I hate watching shooting stars. Lagi nalang napaparamdam sa akin na lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan, na panandalian lamang. Hindi pa pwede na panghabang buhay nalang? Na palagi nalang masaya?

Na palagi nalang na nandiyan siya sa tabi mo?

Masyado naman atang madrama ang pambungad ko. Hindi naman ako madrama na tao eh. Sadyang nangyari lang siya kaya ako naging ganito. Cliche right? Nah, every lovestory is cliche. Lahat, common na nangyayari. Iiwan ka, sasabihin na mahal ka ngunit magigising ka nalang sa katotohanan na sinabi niya na sawa na siya. Diba? Karamihan sa mga tao, nangyayari yan sa lovestory nila. Kaya nga cliche.

"Rene." Narinig kong may nagtawag sa akin.

Siya na naman.

"Oh? Sasabihin mo na naman na sawa ka na? Na nakahanap ka na?" nakayukong tanong ko sa taong tumawag sa akin.

"Move on Irene! It's been 6 years since THAT happened! Since our break-up happened!" sa tono niya, naiinis na rin siya.

Well, sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa babaeng six years na hindi parin nakakapag move on.

"Yun na nga eh! It's been six years pero hindi ko parin alam ang sagot kung bakit bigla bigla ka nalang nakipaghiwalay! Hindi ko parin makuha ang sagot sa tanong ko!"

At napaluha na naman ako. Peste! Lahat nalang peste.

"Hindi na kita mahal! Nag sawa na ako sa iyo! Yan ang sagot. Ano masaya ka na?" seryoso ngunit may diin niyang sinabi.

Hindi ko parin makuha.

"Ano? Nagsawa ka na? Ganun nalang agad yun? Kasasabi mo lang ng umagang yun na mahal na mahal mo ako tapos kinagabihan nag sawa ka na? Ano yun, 5 hours of realizing? Peste naman Theodore oh! Peste." umiiyak na talaga ako.

Wala akong pakielam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao na umattend dito ngayon sa reception ng kasal ni Theodore. Yes, you read it right. Kasal niya. Siya, ikakasal na, samantalang ako naghahanap parin sa kasagutan na six years ko nang hindi nakukuha.

"Theodore naman. Pumunta ka lang bumili ng bulaklak para sa birthday ko tapos pagkaratin mo kinagabihan hindi mo na ako mahal? Dahil ba yun sa babaeng nagtitinda sa flower shop na yun? Dahil ba yun sa higad na babaeng umakit sa iyo sa flower shop? Peste!"

Biglang nanlisik ang mga mata niya.

"Irene, matagal na tayong tapos. at wag na wag mong idadamay si Isabelle! Mahal ko siya at ikaw....minahal kita. Kaya pwede ba? kung wala kang magawang matino, will you please get out? Tapos na tayo." at umalis na siya.

Wala na. Napahiya na nga ako, mas lalo pa akong nasaktan.

Umiiyak na umalis ako sa venue at nagtungo sa kawalan. Iniisip ko nalang ulit ang mga sinabi niya na nagwasak ng tuluyan sa mga pag asa ko na sasabihin niya na mahal niya pa ako at inakit lang siya ni Higadbelle.

Tumingin ako sa kalangitan. Gabi na pala. Ang bilis. Ang bilis ng oras. Ganitong oras din yata ko nalaman ang pinakamasakit na mga salita, at ngayong oras ko din nalaman ang mga sagot na mas masakit pa pala sa tanong ko.

Bigla naman akong nakakita ng shooting star. Peste. Nakikiayon pa pala ang kalawakan sa nararamdaman ko ngayon.

Pero ayos na, panandalian lang naman na nasilayan ang bituin na iyon. At hindi man lang tumagal ng limang segundo.

Napabuntong hininga ako. ta tumulo na naman ang mga luha mula sa kaing mga mata

Just like the shooting star, his love was ephemeral.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EphemeralWhere stories live. Discover now