Tamang Panahon

297 0 0
                                    

Bago pa kita nakita,
buhay ko'y hindi makulay
Pero nung nakita kita,
mundo ko'y nagkakulay

Nung ika'y ngumiti,
ako ri'y napangiti
Ang naramdama'y matindi
Biglang nabighani

Ika'y gustong makita
ngunit pimaglayo ng tadhana
Sabi pa ni lola,
'bawal raw muna'

'Di raw lahat nakukuha sa madalian
Ito'y pinagtiya-tiyagaan at
pinaghihirapan
Marami pa raw kasi tayong pagdadaanan upang malaman kung totoo tayong nagmamahalan

Kahit magkalayo man tayo ngayon,
malay mo sa tamang panahon
dadalhin kita sa altar ng Poon upang ipakita na mahal kita simula pa noon.

 My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon