Walang masama sa pagtitiwala.
Walang masama na maniwala ka.
Pero minsan masakit na.
Minsan masakit na
kasi naaalala ko yung sinabi mo.
Naaalala ko nung sinabi mong walang forever pero may PALAGI.
Na hindi mo ako iiwan at palagi
kang nandiyan.
Pero bakit nasasaktan ako?
Bakit?
Kasi nakatatak na sa aking utak na mali ako.
Mali ako dahil naniwala ako sayo.
Mali ako dahil naniwala ako sa sinabi mo.
Naniwala ako na hindi mo ako iiwan.
Naniwala ako na palagi kang nandiyaan.
Naniwala ako na bukas,
paggising ko,
madadatnan kita katabi ako.
Naniwala ako.
Pinagkatiwalaan kita ng buong kong pagkatao.Pero sapat na ba ang maniwala ako sayo?
Sapat na ba'ng paniwalaan kita ng buong-buo?
Sapat na ba'ng pagkatiwalaan ka kahit nasasaktan na ako
O
Kailangan ko nang sumuko?
Wala ka rin naman kasing ginagawa para maniwala ako sayo.

BINABASA MO ANG
My Poems
RandomThis is a compilation of the poems I made. Some are made in English but most are made in Filipino. All of the poems here were composed by me. -Alexa