Part I -Her Boyfriend

9 0 0
                                    

This is only a short story.

Enjoy! ;)

~~~~~~

"CASSANDRA! May vacant pa rito oh!" nakangiting sabi ng isang kaklase ko habang itinuturo ang upuang malapit sa may bintana pero nasa pinakadulo na.

Okay lang naman, dahil ayaw ko rin namang nasa harapan o kahit sa gitna. Ayaw ko kasing masyado akong napapansin ng iba.

"Salamat, Jen." sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad patungo sa upuan ko.

Nangangalahati palang ako sa paghakbang ng bigla nalang nag-vibrate ang phone ko.

Dali-dali ko naman yung kinuha at binasa kung ano ang laman nu'n.

Napabuntong hininga nalang ako nang mabasa ko ang reply niyang napaka ... ikli.

'K, 'kaw din.'

Wala man lang emoticons, o kahit ano, pampakompleto lang sa umaga ko.

Itinago ko nalang sa bulsa ko ang phone at saka mariing ipinikit ang mga mata.

Matutulog nalang ako. Bahala na si Ma'am.

---

"Nandito ka na pala. Pasensya na kung late ako." maikling sabi niya at saka sinusian agad ang kotse.

Napatungo nalang ako nang wala na akong narinig mula sa kanya. Para na naman akong hangin sa kanya. *sigh

Sya si Geoff Hermoso, ang boyfriend ko.

Simula pa nung 4th year high school naging kami, at halos magta-tatlong taon na rin kaming mag-boyfriend/girlfriend.

Pero sa halos 3 taon naming magnobyo, iilan lang din ang nakakaalam.

Bilang na bilang lang din ang pwede naming pagsabihan na kami dahil ayaw niyang may marinig tungkol sa aking hindi maganda at ano pa raw ang maisip niyang masama.

Hindi nalang din ako umimik sa sinabi niya at pinanatiling lihim ang relasyon namin. Wala rin naman akong mapagsabihan tungkol sa kanya.

"Dito nalang ako bababa." sabi ko nang matanaw ko na ang subdivision namin.

Nakita ko pa ang mabilisang pagkunot-noo niya pero hindi na rin lang nagsalita.

Bumaba na lang ako at walang pasabi niyang pinaharurot ang kotse palayo sa akin.

"*sigh* Sanayan nalang rin siguro ..


Wala lang naman ako sa kanya, eh." piping bulong ko at naglakad na papasok sa subdivision namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala Lang Naman Ako Sa'yo, Diba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon