" Hoy !!! HeiJin . Anong oras na !! Di ka pa ba gigising ?? " hay naku !! Maingay na naman si auntie . Natutulog pa yung tao eh . ." Sige heijin !! Magtulug-tulugan ka kundi kita buhusan ng kumukulong tubig dyan . . "
" auntie naman eh . . Natutulog pa yung tao istorbo kayo . Give me 5minutes auntie . " lambing ko kay auntie Dianne .
" Bakit ?? Anong akala mo prinsesa ka parin ?? Hala tayô!! kundi pupunta na ko ng kusina at kukuha ng maipambubuhos sayo . "
" Opo tatayo na po . " agad akong tumayo para hindi na magalit si auntie .
Nagtataka siguro kayo kung sino ako no ??
Ako lang naman ang nag iisang anak ng nanay at tatay ko . Jowk !! Hehehe !!
Ako nga pala si Kim HeiJin , 18y/o at dito ako nakatira sa bahay ng auntie ko . Katulad nga ng sabi ko nag-iisang anak lang ako . At prinsesa ang turing sakin ng magulang ko .
Pero isang trahedya ang nakapagpabago ng buhay ko . Namatay ang mommy at daddy ko sa isang aksidente tatlong taon na ang nakalipas . At kinamkam naman ng tiyuhin ko sa side ni daddy ang mga pinaghirapan at ang mga natitira pang negosyo ng magulang ko .
Kaya eto Prinsesang basahan ang peg ko . Wala man lang natira sakin . Pero thankful ako at kinupkop ako ng auntie Dianne ko na kapatid ng mommy ko . Akala nya kasi mapupunta sakin lahat ng kayamanan ng magulang ko kaya kinupkop nya ko . Pero nagbago yung pakikitungo nya ng malaman nyang kaylangan ay umabot muna ako sa edad 20 anyos para makuha ko ang yamang pilit inaangkin ng tiyuhin ko .
Tapos na akong maligo ng maabutan ko ang pinsan kong si Bomi . " Ano insan ?? Tapos ka na ba ?? Halika na at male-late na tayo . "
" Wait lang bomi , magbibihis nalang ako , tapos pasok na tayo . "
Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng mga gamit ko ay pumasok na kami ni bomi sa University . Sa Daejun university kami nag aaral . Dati nagbabayad ako ng tuition . Pero ngayon scholar na ako sa univ. dahil wala narin naman akong maibabayad . Hindi rin naman sapat ang kinikita ko sa pagpa part-time job ko .
Narinig namin na nagring na ang bell hudyat na kaylangan nasa loob kana ng classroom dahil kung hindi automatically absent kana kahit late ka lang .
Tumakbo na kami ni bomi at nakatingin lang ako sa kanya kaya di ko namalayan na may nakahara pala sa daraanan ko . Bumunggo ako sa kanya at napaupo ako . With matching sobrang lakas ng force ha !!
" Miss pasensya kana hinahanap ko kase yung room 309 eh . Pasensya kana kung bumuggo ka sa'kin . " Tinignan ko ang nagsalitang yun at nakita ko ang isang lalaki .
Napaka-gwapo nya para syang si machete . Kaya lang naka uniform . Inilahad nya ang kanyang kamay sa harapam ko . Inabot ko ito at grabe !!!
Ang lambot ng mga kamay nya . Ane be yern ??!! Napapabebe mode ako sa lalaking to .
" Hinahanap mo ba yung room 309 ?? " tumango naman sya . " Halika sabay na tayo . Transfer student ka no ?? " tango lang ulit ang sinagot nya sakin . Grabe ha !! Poblema nito ??
Pagpasok namin sa room ay nakita kaagad kami ni Mrs. Ocampo . Imbis na mabaling ang tingin sa kasama ko at sakin sya tumingin .
" You're late!! You're always late Ms. Kim . Hindi ka na ba magbabago ?? Kung ganyan lagi ang gagawin mo sa klase ko ay wala akong choice kundi ang i-drop ka . " natakot ako sa sinabi nya magsasalita sana ako ng inunahan ako mg lalaking katabi ko .
" I'm Sorry Mam , pero ako po ang may kasalanan kung bakit sya na-late hinahanap ko po kase ang room na ito at nakita nya po ako . Kaya tinulungan nya ako . I'm a transferred student mam . " wow !! Ang haba ha !! Mas mahaba pa sa sinabi nya kanina .
" Okay you two , you may take your seats . " agad ako umupo sa upuan ko , at tumabi sya sa kanang upuan malapit sakin . Tinignan ko sya at nakita kong nakatingin din sya sa akin . Oh my Gosh !! Natutunaw ako .
LANDI MODE TURN ON . . .
Natapos ang klase na wala akong natutunan . Paano ba naman nakatitig lang ako sa lalaking yun . Ni hindi man lang sya pinakilala samin ni Mrs.Ocampo . Di ko tuloy alam anf pangalan nya .
Lumabas ako ng klase at nagpunta na ako sa favorite tambayan ko . Dun kase ako nakakapag isip ng susunod na istorya sa ginagawa kong Story . Inilalaban kase ng school ang mga story ko . Kaya nakakakuha ako ng extra credits .
***
Story Title : Ang prinsesang basahan
Author : Mysterious KimMaganda ang gising ng prinsesa , dahil panibagong araw na naman ito para sa kanya . Pinuntahan nya ang kanyang paboritong lugar . . Sa loob ng kaharian ay meron syang isang napaka paboritong lugar at ito ay isang hardin na may mga bulaklak na namumukadkad .
Pero napatigil sya dahil may isang estranghero na nakaupo sa damuhan sa hardin . Sinisipat ng lalaking to ang paboritong lugar ng prinsesa.
Tinitignan lang sya ng prinsesa ng patago . At Dahan-dahan itong lumalapit sa estranghero . Pero bigla itong bumaling kung saan naroroon ang prinsesa kaya napahinto ito sa paglapit sa estranghero .
Ang kanyang mga mata , nagpapahiwatig na malungkot sya . Pero hindi maikakaila ang angking kagwapuhan ng estranghero nasa harapan ko . Isip ng prinsesa .
***
Nasa ganoong pag-iisip ako ng may marinig akong tilian ng mga babae . Lumabas ako ng secret hideout ko .
Tsk !! Ang iingay nila . Hindi tuloy ako makapag-concentrate .Tinignan ko kung sino yung sinusulyapan nila . Nashock ako . Yung lalaking yun !! Nakatapis lang . Bwisit na mga babaeng to . Binobosohan pa ang bebe loves ko .
Bebe loves ang tawag ko sa kanya kase hindi ko naman alam pangalan nya eh . . Malapit lang kase ang shower room ng boys sa secret hideout ko . Kaya rinig ko ang tilian ng mga babaeng yun .
Tutal nakatapis ng twalya ang bebe loves ko makigaya narin ako sa pamboboso hehehe pagkakataon ko na to . Umapak ako sa may dalawang pasô na magkatabi malapit sa bintana ng shower room . Dito kase tanaw ang locker ng mga boys .
Makikita ko rin sya ng hubad hehehe . . Manyak mode ako ngayon hehehe !!! Nakita kong nagpapatuyo muna sya ng katawan . At nung makita kong akmang tatanggalin nya na ang tapis nya sa babà ay ~~~~
Bigla nalang akong na-out of balance !! Kainis di ko tuloy nakita !!!
Pero teka dapat bumagsak na ko sa lupa ah . Pero hindi ibig sabihin ~~~Nakita ko si Blake ng 2-D , sya ang sumalo sakin .
" Ano ba kasing sinisilip mo dyan ?? " nakangising tanong sakin ni blake .
" Tss !! Wala ka na dun !! Kainis ka !! Hindi ko tuloy nakita yung ano ~~ " hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil para akong naging yelo dahil narinig ko ang boses nya .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
" Ano ang di mo nakita ?? "