Unang Kabanata

860 2 0
                                    

Sa bayan ng Victoria nakatira anga pamilya Dalisay. Masaya ang mag-anak ni Mang Pedro, siya ang padre de pamilya, si Aling Maria ang ilaw ng tahanan at si Ave naman ang nag-iisa nilang anak. Hindi man sila mayaman pero masaya naman sila sa kanilang buhay. Palaging pinaaalala ni Mang Pedro sa kanyang mag-ina na kahit anuman ang mangyari ang panindigan nila ang kanilang dignidad at integridad. Pangako nila sa kanilang mga sarili na kahit anong mangyari ay pipiliin pa rin nila kung ano ang tama. Ngunit mapanindigan pa rin kay nila ito kung may isang pangyayaring susubok sa kanilang paninindigan? Matupad pa rin kaya nila ang pangako o ito kaya ay mapako?

Isang umaga, habang masayang kumakain ang pamilya ay bigla na lamang inatake sa puso si Mang Pedro. Dali-daling itinakbo ng mag-ina ang nawalan nang malay na si Mang Pedro sa ospital. Pagdating sa ospital ay isang kagimbal-gimbal na balita ang sumalubong sa mag-ina. Kailangan ng maoperahan ng ama sa puso dahil kung hindi ay maaari nito itong ikamatay. Higit pa silang naghinagpis ng malaman nila kung gaano kalaking pera ang kailangan upang maoperahan si Mang Pedro.

"Anak, saan tayo kukuha ng ganoon kalaking halaga? Paano na ang iyong ama?" umiiyak na tanong ni Aling Maria sa anak.

"Susubukan ko pong humingi ng tulong kay Mayoy baka sakaling matulungan niya tayo. Gagawin ko ang lahat makahiram lamang ng pera at mailigtas si ama."

Dali-daling nagtungo si Ave sa mansyon ng Mayor ngunit imbes na si Mayor Alcantara ay ang anak nitong si Andrew ang kanyang nadatnan. Aalis na lang sana siya nang pigilan siya nito.

"Ano ang iyong sadya magandang binibini?" nakangising tanong ni Andrew.

"Kakausapin ko sana ang iyong ama upang ako'y makahiram ng pera para sa aking ama."

"Matutulungan kita sa iyong problema. Papahiramin kita ng pera kahit gaano pa kalaking halaga ngunit sa isang kondisyon... Maganda ka. Samahan mo akong matulog at alam mo na kailangan ko ng pampainit at pwede na ang iyong katawan."

Walang pag-alinlangang sinampal ni Ave si Andrew. Kahit na kailangang-kailangan niya ng pera ay hinding-hindi niya ibebenta ang kanyang katawan sapagkat iyon palagi ang pinapaalala ng kanyang ama na kahit sa kagipitan ay panghawakan nila ang kanilang paninindigan. Umalis ng luhaan si Ave at bumalik siya sa ospital. Ang umiiyak na ina ang kanyang nadatnan at biglang gumuho ang kanyang mundo sa narinig. Patay na si Mang Pedro. Patay na ang kanyang ama! Nakaramdam ng sobrang lungkot si Ave ngunit mas nanaig sa kanya ang galit. Ang galit para sa taong ayaw tumulong sa nangangailangan na naging dahilan upang pumanaw ang kanyang ama. Ninais niyang maghiganti sa kahit anong paraan na alam niya. Ninais niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama.

Makalipas ang tatlong araw ay inilibing na ang kanyang ama. Sa araw-araw na wala na si Mang Pedro ay parang nawalan na rin ng ganang mabuhay si Ave. Araw-araw rin niyang dinadalaw ang puntod ng kanyang ama upang kwentuhan ito sa mga nangyari sa kanya sa mga nakaraan na araw.

Isang gabi, nasa puntod na naman ni Mang Pedro si Ave. Kaninang tanghali pa siya nandoon ngunit hindi na niya namalayan na gabi na pala. Nagdesisyong umuwi na si Ave. Sa kanyang paglalakabay pauwi sa kanilang bahay ay may nakita siyang isang grupo ng mga lalaki na binubugbog ang isang lalaki. Nagtago siya ngunit ng umalis na ang grupo ay nilapitan niya ang duguang lalaki upang sana ay tulungan ito. Ngunit nagulat siya ng ang kanyang nakita ay ang anak ni Mayor Alcantara na walang iba kundi si Andrew. Bumalik lahat ng sakit at galit niya para sa binata. Aalis na sana siya at hindi na tulungan si Andrew ngunit bigla niyang naalala ang palaging sinasabi ng kanyang ama na pahalagahan ang buhay at tulungan ang nangangailanagan kaya nagdesisyon siyang tulungan ito at dalhin sa ospital.

Kinabukasan ay nagkaroon ng mga panauhin sa Ave. Dumalaw si Mayor Alcantara upang personal na magpasalamat sa pagtulong niya sa anak nito. Napag-alaman rin ni Ave na dahil pala sa droga kaya nagkagulo at napaaway si Andrew. Hindi rin niya inaasahan na makita si Andrew sa kanilang bahay na noon ay nakasakay sa weelchair at maraming sugat at pasa sa katawan. Mas nagulat pa siya ng humingi ito ng kapatawaran at nagpasalamat.

"Ave, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa iyo ngunit pinili mo pa rin akong tulungan at iligtas. Kung hindi dahil sa iyo ay maaaring pinaglalamayan na ako ngayon. Maraming salamat at nawa'y makuha mo sa iyong puso na ako'y patawarin. Sobra na akong nagsisisi sa aking nagawa," sinserong saad ni Andrew.

"Noong tinulungan kita ibig sabihin noon ay napatawad na kita. Ang Diyos nga ay nakapagpatawad, ako pa kaya na tao lamang? Ngunit sana ay magsilbi itong aral sa iyo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay palagi kang nasa taas. Darating ang panahon na kinakailangan mong yumuko sa nakakababa sa iyo."

Simula noon ay naging magkalapit na magkaibigan sina Ave at Andrew. At hindi naglaon ay nagpakasal ang dalawa. Naging masaya ang kanilang pamumuhay, salamat sa iniwang paalala ni Mang Pedro na kahit anuman ang mangyari ay panghawakan nila ang kanilang paninindigan at ang pahalagahan ang buhay.





Gulong ng Buhay (Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon