- CHAPTER 7 -

3K 66 1
                                    

KELLY'S POV

JPIA Org (Junior Philippine Institute of Accountants)

Nakapangalumbaba ako. Iniisip ko kasi yung ipepresent namin mamaya. Ako kasi yung piniling leader sa group namin, so, I'll be the one to present our proposal. Pipili kasi sila ng proposals na magiging project ng JPIA org. this year.

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig q ang usapan ng The Bitches.

"Ang galing galing mo talaga, Julia! No wonder ikaw ang top 1 sa Dean's list!" Nikki said at halos pati tenga ay pumalakpak na.

"Matalino talaga si Julia, no? Hindi tulad ng iba dyan na nagfi-feeling matalino. Right, Kellllllly?" maarteng sabi na naman ni Sheena.

Hindi ko siya pinansin. I need to concentrate in my presentation later. Nakasalalay din dito ang magiging grades ko at nakasalalay sa magiging grades ko ang pagkakaroon ko ng car! I sighed. Naalala ko na naman tuloy yung usapan namin ni Daddy.

Imbes na manahimik ay tumawa pa ng nakakaloko si Sheena nang hindi ko sya patulan sa pang-aasar nya.

"Mukhang tanggap na ni Kelly na loser sya, ah? Di ba nga mas pinili ni Zander si Julia?!"

Nagpanting ako sa narinig ko. How dare her mention my ex right in this very moment?!

Tatayo na sana ko pero naunahan ako ni Mhara. Napatingin ako sa kanya pero umiling sya. "Not now, Kelly..." pigil nya sa akin.

Bumuntong hininga ako para kumalma pero mukhang ayaw talagang magpaawat ni Sheena.

"Panigurado umaasa pa yan si Kelly na babalikan sya ni Zander kapag naunahan ka nya sa rank! Pero sorry na lang sya dahil hindi mangyayari yon!"

Agad na napalingon si Mhara kay Sheena na ngayon ay nakangisi pa habang tinitignan ang reaksyon ko. When Mhara let go of my arms, I lost it and walked towards her.

Walang pag-aalinlangang sinampal ko sya.

Mangiyak ngiyak sya habang salo ang pisnging sinampal ko.

Sakto namang pagdating nina Arvin at Ms. Matalas. Nang makita sila ni Sheena ay nagsimula itong mag-iiyak. Inis na napangisi ako.

Pero sorry na lang sya dahil wala na akong pakialam kung sino pa ang makakita sa ginawa ko. She asked for this kaya dapat lang na ibigay ko sa kanya ang hinahanap nya.

Gigil na gigil ako sa galit nang makita ang pagngisi nya pa sa akin habang hawak hawak ang pisngi nya at umaarte sa harap ng mga teachers.

Sa inis ko ay sinampal ko pa sya ulit. Narinig ko ang galit na boses ni Ms. Matalas pero hindi ako nagpapigil at hinawakan sa buhok si Sheena.

"That serves you right. Matagal na akong nagtitimpi sayo, Sheena. Say that again at di lang yan ang matitikman mo. Shut your filthy mouth if you don't want to taste blood on that." mariing sabi ko at pagkatapos ay lumabas na ako ng room na iyon.

Habang naglalakad ako ay naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Naiinis na pinahid ko yun.

"Damn this tears!"

It's been a year since then pero bakit kailangan pang ipaalala. Ngayon pa talaga na marami akong iniisip!

Naupo ako sa bench na hindi kalayuan sa room namin. Maya maya ay may naramdaman akong tao sa likod ko.

Si Arvin.

Agad na pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. I don't want him to see me like this.

"You have to go back there kung gusto mong mapili ang proposal nyo." sabi nya at tumabi sa akin sa bench. Napayuko ako. Bakit ba kasi sya sumunod dito? I wanna be alone.

"What are you doing here?" pasuplada kong tanong sa kanya. Hindi nya ako sinagot. Sa halip ay inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko.

"Here..." napatingin ako sa kanya nang inabot nya sa akin yung panyo nya.

So, nakita nyang umiiyak ako.

Huminga ako ng malalim at inabot narin iyon.

"T-thanks.." medyo nauutal pang sabi ko. Kainis! Bakit ba ko nauutal? I cleared my throat.

Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang panyo nya.

Infairness, ang bango ng panyo.

Ilang saglit ang lumipas bago sya nagsalita. Mukhang hinintay nya talaga na kumalma ako.

"Ngaun ko lang nalaman... marunong palang mag-thank you ang isang brat,"

Ngiting ngiti sya nang tignan ko sya ng masama.

Seriously, Arvin? Nakuha mo pa talagang mambwisit ngayon?

Pero mukhang hindi pa sya tapos mang-asar dahil nagsalita ulit sya.

"Ang panget mong umiyak. Buti nalang talaga umalis ka dun, kung hindi, they'll surely laugh at you—"

Nanggigigil na hinampas ko ang braso nya at saka tumayo.

"I hate you!!" napipikong sigaw ko bago tumakbo pabalik sa room. Narinig ko pa syang tumawa.

"Kainis ka tlagang unggoy ka!" gigil na bulong ko.

Pero dahil sa pang-aasar nya, gumaan ang loob ko kahit papaano.

Tutoring The BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon