Zariel's POV
First day ko sa college kaya kailangan kong pumasok ng maaga. Bumangon ako and do my daily routines at bumaba para mag agahan.
"Good morning mom! Good morning dad!" sabay kiss sa cheeks nila.
"Good morning baby. Sakto lang ang pagbaba mo. Let's eat na." si mom yan.
"Ma si kuya asan? Wala ba syang pasok?"
"Wala pa silang pasok baby, next week pa"
"Ah. Ganun po ba? Okay"
After ng agahan, niyaya ako ni dad na sumabay sa kanya, pero di ako sumabay. Sinabi ko na magko-commute nalang ako.
"Sure ka ba hime? Kaya mo na bang bumyahe ng mag-isa?" si dad
"Opo naman dad. College na ako kaya dapat, marunong na akong bumyahe ng mag-isa."
"Basta mag-iingat ka baby huh?" Tapos kiniss ako ni dad sa tuktok ng hair ko.
"Opo dad. Ako pong bahala sa sarili ko."
Nagpaalam na ako kina mom and dad. At lumabas ng subdivision. Sumakay ako ng jeep papuntang LRT. Ang mura lang pala ng pamasahe. Mga isa't kalahating oras ang byahe papuntang LRT, at mga kalahating oras papunta sa station na malapit sa university na papasukan ko. Konting lakad lang at makakarating din ako doon.
*Elite Society University
Nang makarating ako dito sa university na toh, napansin kong ang lahat ng babae ay may make-up at naka ayos na pandalaga. Ang gaganda nila. Mapaghahalataan mong mayayaman sila. Oo nga pala, exclusive for elites and rich kid ang pumapasok dito.
Nagpakasimple lang ako. Tamang shirt and jeans lang. Di naman nakakadagdag ng grades ang pagporma eh.
First class is English at nasa forth floor pa ang room. Inasahan ko na may elevator or escalator pero, asa pa ko. Normal school pa din naman toh kahit papano, kaya sa kasamaang palad, naghagdan ako. Grabe, nakakapagod sya.
Pagpasok ko, wala pa yung prof at laking pasalamat ko nun. Umupo ako sa harapan kase yung buong row na yun pati sa kabilang side, blangko, ano kayang meron. :3
Bumukas ang pinto at bumungad ang matabang lalaki. Kung di ako nagkakamali, prof namin toh. Lalaki sya pero, may pusong babae. Alam nyo na? ^_^
Siya si Mr. Gary A. Garay. Mabait sya pero may pagka istrikto. Nagpakilala kami isa-isa, name at one word to describe yourself lang. And when my turn comes, i proudly said that:
"I'm Zariel Maureen H. Yepa and to describe myself, I'm a friendly person so, I hope we're be friends?"
After that, nagbigay lang sya ng mga dadalhin for the next meeting, next is filipino, then food chemistry and Lunch na.
May mga naging kaclose ako, actually grupo kami, dalawang lalaki, sila Joewar a.k.a primo, at si Jhie. Sa babae naman, si Ate kaye, Si Bel short for Isabel, Si kamyll, si Nicole at ako. Nagkayayaan na magla-lunch daw kami sa Mang Inasal at treat daw ni Jhie. Hula ko, pinopormahan nya si Nicole kaya sya nanglibre. :)
Next class namin ay Business Math, sabay sabay kaming umakyat papuntang room, medyo madami na rin ang nasa loob at nagkumpul-kumpol kami sa isang sulok. Kami ang may pinaka-maingay na grupo. At nang dumating ang prof namin, inayos na ang sitting arrangement. Layo-layo kaming magkakaibigan. Nasa harapan ko si Kamyll at sa likuran ko naman si Nicole. Yung tatlo pang sina Primo, Ate Kaye at Bel ay ganun din.
May nakita akong lalaki, maputi sya, matangkad, at tahimik din. May pagka-bad boy ang personality nya. Di ganun ang tipo kong lalaki pero na-attract talaga ako sakanya. Ewan ko ba. Basta may something sa kanya.
"Type mo tropa ko noh?" sabi nung katabi ko.
"Sinong tropa mo? Alin jan?". Sabi ko sa kanya.
"Yung tinititigan mo."
Grabe, nahalata nya ako. Pero ayoko namang malaman nya na crush ko nga yung tropa nya.
"Di noh. At pwede wag ka mag imbento ng kung ano-ano jan."
"Base sa reaction mo, type mo nga sya. Wag mo ng ideny."
Di ko nalang sya pinansin. Tama naman kasi sya eh. Wag na nya ipangalandakan. :3
Natapos ang lahat ng klase ko for today. At masasabi kong ang boring. -_-
Nasa lobby na ako ng school nang maramdaman ko ang phone ko na nagba-vibrate. Sino naman kaya tong tumatawag na toh? When I saw who's calling, sinagot ko agad ang tawag.
"Hello kuya? Napatawag ka po." Si kuya tumatawag. Ano naman kayang kailangan neto sakin.
"Hime, pinapasundo ka sa akin ni mommy. Andito ako sa parking lot ng school mo. Pumunta ka na dito. Nagugutom na ako."
"Opo kuya. Papunta na po."
Kahit kelan napaka-sungit pa din. Ano naman kaya ang reason kung bakit pa ako pinasundo. Sabi ko naman, kaya ko na ang satili ko eh. Tsk. :3
I saw my kuya standing in front of his car at lumingon sa akin. Napansin kong maraming babae ang nakatingin sa kanya. Pinagbuksan ako ng pinto at sumakay naman ako. Tapos umikot sya papuntang driver's seat.
Bat naman kaya ang gentleman neto ngayon? Ano kayang nakain neto?
"Hime what you took so long? Alam mo bang kanina pa ako naiirita sa mga babaeng kung makatingin eh parang hinuhubaran ako?"
"Masanay ka na kuya, alam mo namang pinanganak kang gwapo eh. Daan tayong McDonalds. Nagugutom ako eh. Treat mo huh? Thanks. Ang bait mo talaga."
Napatawa nalang si kuya sa akin. Close kami nyan, pero di halata. Haha.
Dumaan nga kaming McDonalds pero sa Drive-Thru lang. Pero okay na din atleast nanlibre sya. At may fries ako. Hehe.
Pagka uwi namin ni kuya, dumiretso sya sa dining hall at ako naman sa room ko para magpalit ng damit at tumungo din sa dining hall.
Nadatnan kong masaya silang nag uusap usap.
"Sali naman ako jan. Ano pong pinag-uusapan nyo?"
"Maupo ka na dito Hime, at maghahapunan na. Kamusta naman ang first day ng Prinsesa namin?" Si dad yan
"Okay naman dad, masaya. May mga naging ka-close na agad ako. Anim silang lahat." Masayang pagkukwento ko kay dad.
"Lahat naman magiging ka-close mo, sa daldal at kulit mo ba namang yan eh. Hahaha" Si kuya :3 At natawa silang lahat.
"Oh sya sya, magsikain na tayo." Sabi ni mom.
Kahit busy si mom sa work, di nya pa din kami pinapabayaan. Sya ang nagluluto ng kakainin namin, mapa-agahan o hapunan. Ang sweet ni mom noh? Kaya pag nagkaroon ako ng sarili kong pamilya, gagayahin ko sya.
~~~~~~*
Nagyon ko lang ulit nasundan itong story na to. Haha. Sana may bumasa pa din kahit papaano. Ingat po sa lahat. :)
BINABASA MO ANG
Baby, I Love You
RomanceHe's not my ideal man but why am I attracted to him? To the point that I found my self loving him? Even though, he hurt me again and again? I ended up loving him all over again?