Dear Dhane,
Ito ako ngaun, inaantok sa office.
Alam mo yung tipong gusto kong magcellphone nalang forever!? Pero di pwede.. need na magtrabaho para sa ekonomiya. Hayys!!."Inaantok ako Ate Vangie!!! Sabi ko sa ka officemate ko. Di ko na kasi matiis kong di ako magsasalita feeling ko malalaglag na ang talukap ko.. My gosh.
"Same here Mam. Sagot niya. Na mahahalata mong antok na antok. Napakagalang niyan at mabait. Kahit na mas bata ako sa kanya "Mam" parin tawag niya sakin.
Di tulad mo.
Hindi ka mabait.
Ni hindi mo nga ako kinukumusta.
Ikaw masaya kana no? Kasi pinapaasa moko!! Hays. Nakakabeast mode ka.
(Ring!! Ring!! Ring!!) - tunog ng phone haha
"Yes Hellow? Blah. Blah. Hays may costumer na tumawag. Akala ko ikaw kasi kaboses mo. Kasi nman.
Simula kanina umaga nagaantay ako.
Nang tawag mo. O kahit text lang pero wala as in. Naaawa na nga ako sa mata ko ehh. Umaasa. Eh paano pa yung puso ko!?Alam mo.. naaaning na ako. Kasi *sob* Bakit? Bakit naging ganito tayo? Yan yung gusto kong itanung sayo pero di mo ko mabigyan ng pagkakataon. Lagi nalang busy ka. Lagi nalang nextime. Kahit monsarry natin nalilimutan mona.
"Ate Vangie, ano kayang dapat ko gawin? Biglang bigkas ko habang iniisip ka.
"Saan mam? Sagot naman niya.
"Inaantok kasi ako, *chuckled*". Sagot ko ng natatawa.
"*chuckled* ako din naman mam."sagot niya naman ulit.
"Paulit ulit tayo e noh? *chuckled* Sagot ko.
"Parang sa Pag-ibig lang yan mam. Nakakaantok din. *chuckled*." Nagulat ako bat napunta sa pagibig ang usapan?
"Bat mo nasabi yan ate vang? Pati pala antok connected.
"Kasi may dalawang klase ng "antok". Una antok na pwede matulog at antok na di pwede matulog. Haha natawa ako. Ano nun?
"Tapos? ~○~
"Syempre, sa "antok na pwede matulog" sa pag ibig ang meaning niyan "pwedeng umasa kasi may tiwala" at sa "antok na di pwede matulog" meaning niyan, "di pwedeng umasa kasi wala ng tiwala" Ahhh. Ehhh. Naguguluhan parin ako.
"Di ko padin nagets te. Sagot ko,slow kasi ko dahil sayo.
"Ganto kasi yan mam. Diba tayo dito sa office inaantok pero bawal matulog kasi pag natulog ka isang offense na yun at syempre mahihiya kana at dahilan narin yun para tamarin ka na magwork hanggang sa wala kanang gana, at magresign sa work. Parang sa pag ibig bawal umasa kung wala kang aasahan pa. Kailangan mong trabahuhin na hindi masira ang tiwala o paguunawa sa isat-isa." Grabe ang lalim noh? May tiwala naman ako sau eh? Kaso lang wala kana oras sakin.
"San mo nahugot yan te. *chuckled*
Di ko parin ata magets hays. Kaw nagets mo ba ha? For sure hindi kasi wala ka naman paki sakin e."Wala lang,dala na siguro ng antok mam. *chuckled* Grabe yung dala ng antok noh? Kaw ano kaya gawa mo? Naiisip mo kaya ko.
Hays! Malamang hindi? Kasi wala kong presence na nararadaman kahit isa lang!? Grabe nakakaiyak.
Ding.dong!! Ding.dong!!
OhEmGe!
Nagtext ka?
Parang ayoko basahin. Baka mahalin parin kita ng todo ee.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Osege na nga...Well sana di ko nang binasa. Nakakairita ka alam mo ba yon?
*sob* Ang sama ng ugali mo.. pasalamat di kopa masasabi to sayo kasi naduduwag pa ako. Gusto ko ipamukha sayo lahat. Nang sinasabi ko ngayon, ipapamukha ko sayo lahat.Grabe for sure sasabihin mo pag nabasa mo to. "Ang dramo mo!?" Ito naman masasabi ko sayo paasa ka!? Mahal lang kita. Pero kailan nga kaya ako magigising? Hays. Nakakapagod na din.
Limang taon limang buwan na tayo ngayon. San na nga kaya tayo tutungo? Wala ba sa atin yung poreber? Hays. Nakakalungkot naman talaga. O ako lang pala hays.
Uuwe na ako salamat sa text mo. Paku! Hapie Breakup!
----'
If gusto niyo malaman kung ano yung text ng jowa ko , i mean ex feel free to read. Huhu (image)Feel free to comment.... & lait. Huhu