Chapter Eight
Mandy P.O.V
Nandito kami ngayon ni Ionne sa Home of the Happiness. Pumasok na kami sa malaking gate dala naman ng mga guard niya ang mga pinamili naming laruan at may dala din siyang naka styro na pagkain.
Pumasok na kami sa loob na malawak na bahay. Makaluma ang designs niya pero tiles ang floor. Sa labas ay naka bermuda grass at may playground. May mga batang nalalaro doon at nang mapasin nila kami ay nagsilapitan sila. May lumapit naman na babaeng naka black na cover na dress. Siguro siya ang pinakahead dito.
" Hijo? Mabuti naman at napadalaw ka? "
Nagbesobeso sila ni Ionne at nagbless pa si Ionne. Bakas sa kinikilos ni Ionne na mataas ang respeto at paggalang niya dito.
" Gusto po kasing dito magpasko kasama kayo. "
Yup. Pasko ngayon, as in December 25. Usually hindi naman kami naghahanda or nagcecelebrate eh. Kasi nga laging busy si Otosan at Okosan kaya hindi na ako nagpapahanda.
" Nako Hijo. Napakaswerte naman namin sa iyo. "
Ngumiti si Ionne. Napadako naman ang tingin nung matanda sakin. Sa tantya ko nasa 60's na siya?
" Siya ba ang nobya mo? "
Nanlaki ang mata ko. Enebeyen! Bigla tuloy naging abnormal ang baby heart ko. Tumingin ako kay Ionne upang antayin ang sagot niya.
" She's my schoolmate. Nagdonate po siya sa mga gift. "
Sabay ngiti niya sakin. Epal talaga tong lalaking ito! Sukat ba namang ngitian ako? Asar! Yung baby heart ko nanaman nagiging abnormal eh.
" Tara na't pumasok. Nakahanda na ang mga bata. Nagluto pala ako ng paborito mo. "
" Salamat Nay. "
Feeling ko na may koneksyon si Ionne dito sa HOTH? Feeling ko talaga? Speaking of paborito? Ano kaya yun?
Pumasok na kami sa loob at nadatnan ko ang tatlong mahahabang mesa. May mga bata doong nakaupo. Batid mo sa mukha nila na ang saya nila at hindi alintana ang pinagdaan nila at hindi nila alintana na wala silang magulang. Bigla ko tuloy naalala sila Okosan at Otosan. Nalulungkot ako kasi puro nalang sila trabaho kaya minsan kapag nandyan sila hindi sila kinakausap upang ipakita na nagrerebelde ako. Pero sila, wala silang mga magulang kaya maswerte parin ako kasi kahit papaano meron ako.
" Morisza come here "
Pinaupo ako ni Ionne sa tabi niya kasabay nun ay ang pagtukso ng mga bata sa amin.
" Ayyyyyiiiieeeeee! "
Napayuko tuloy ako sa hiya, akalain nyo yun? May hiya pa pala ako? Hahaha.
" Hoy! Kayo talagang mga bata kayo. Tigil! Pasensya kana Maam huh? Ngayon lang kasi nagdala ng babae si Tonton dito. "
" Ah-eh. Mandy nalang po Sister tsaka wala po iyon sanay na po ako. "
Nahihiya kong sabi. Syempre nuh! Tao din naman ako at may hiya din.
" Gardo pakibigay na yung foods sa mga bata. "
Binigay na ng mga guards niya ang foods sa mga bata. Samantalang nag umpisa ng maghain sa amin ang mga sister at umupo nadin.
" Heto na yung paborito mo. "
Nilapag ng madre Sinigang na isada yata eh? Ayoko kasi sa isda. Ayoko sa mga malalansa kasi allergic ako dun. Pili lang ang isdang pwedi kong kainin.
" Salamat Nay. I really miss this one. "
" Hindi kaba pinagluluto ni Mrs. Serrano? "
" Well unfortunately not. Shes always busy. "