Ang pag ibig parang menstruation ng mga kababaihan,
Dumarating sa hindi inaasang kaganapan.
Sa simula tila wala naman ang lahat.
Hanggang isang araw sya na ang naiisip mo sa iyong pag dilat.
Matatawa kana lang sa katotohanang ikay humahanga
Sa mga simpleng bagay na kanyang ginagawa.
Daig mo pa ang mga magnanakaw,
Sa bilis ng iyong pagsilay sa kanyang mga galaw.
Puso mo ay nagagalak,
Sa tuwing siya ay humahalakhak.
Puso mo tila ay natutunaw,
Sa tuwing siya ay natatanaw.
Nangangarap sa isang tabi,
Ngunit magigising sa ilusyong dapat isantabi
Puso mo ay nalulumbay,
Sa tuwing sya ay matamlay.
Nais mong pawiin ang bawat sakit na kanyang nadarama,
Ngunit pagkalingay malabong madama.
Hindi kana naghahangad ng kung ano man,
Masaya kana sa simpleng hagikgikan.
Hanggang sa mapagtanto mong lahat ng bagay ay may katapusan,
Lahat ng inaasam ay malabong makamtan.
Bawat pangyayari na naganap sa nakalipas
Mananatili na lang alala sa panahong lilipas.
Sa iyong paglisan ay matatapos na ang kasiyahan.
Ngunit sa iyong puso mananati ang samahan
- Hoodie