~1~

33 0 0
                                    

Tiffany POV

Hi, ako nga pala si Tiffany Zeu (Zu) Villanueva. Isa akong 3rd year highschool student. Mabait, simple at palangiti. Nobody lang ako. Ang sabi nila pangit daw ako at lubos ko yung tinatanggap sa sarili ko kasi, totoo naman. Hindi ako mahilig mag ayos ayaw ko nun, at isa pa wala akong interes sa mga lalaki.

Maayos pa buhay ko nang biglang dumating sya sa buhay ko, ang tahimik kong buhay---

Nakapila ako ngayon sa canteen, kasama ko ang mga kaibigan kong sila Gayle, Hani and Mikee.

"Ano bibilhin nyo?" Tanong ko.

"Malamang! Pag kain!" Pilosopo talaga tong si Gayle!

"Baliw! I mean, anong pagkain? Wala kasi akong mapili eh."

"Umuwi kana. Hahahah!" Sabi ni mikee

"Ha-ha-ha!" Sarkastikong tawa ang sinagot ko sa kanila.

"V-cut and C2 sakin" sabi ni Gayle.

"V-cut and C2 din hahaha!"

"Sige. V-Cut and Choc.O naman sakin hahahaha!" Sabi ko.

Ganto kaming mag kakaibigan palaging dapat pare-parehong pagkain hahahaha! Joke.

Nang makabili na ako bigla akong tumakbo pa puntang class room narinig ko ding tinatawag nila ako tinawanan ko nalang hahaha! Gutom na ako e bahala sila! Hahaha.

Nang malapit na ako sa class room nag lakad nalang ako pero nagulat ako nang may tumawag sakin kabilang section--- sya si Emmy kaibigan ko.

"Ate Tiff!" Nilingon ko sya at ngumiti.

"Hmm?"

"Ate, may papakilala pala ako sayo! Wag ka po aalis dyan a? Sasabunutan kita pag umalis ka dyan! Hahahaha!" Loka loka talaga to.

"Sya sige. Haha!"

Pumunta sya ng class room at tinawag yung kaklase nya. After 30 sec. Oha! Hahaha. Nakabalik na din sya.

"Ate Tiff, this is Prince, Prince this is ate Tiff." Nagulat ako at lalaki sya. Ayoko sana e pinilit ko at sarili ko maging walang emosyon.

"Yeah, nice to meet you uh? Prince?" I wear my fake smiles kasi hindi talaga ako interesado.

"Nice to meet you din." Ngumiti din sya.

"Uhm, ate. Gusto nya po kasing kunin number mo okay lang po ba? Hahaha!" WHAT?!

"Uh?" Tumingin ako kay Prince na nagulat dahil sa sinabi ni Emmy.

"Te-teka!"

"Totoo naman Prince diba? Yieeee. Hahahhaa!" And I was like (-_- )

"So ate, okay lang po ba?"

"Uh? Uhm, ewan. Sige na kakain pa ako e bye." Ngumiti ako ng pilit. Pero bago ako maka pasok sa classroom nagulat ako nang

"Ate! Basta! Ibibigay ko a?! Hahahahhaha!" Napatingin ako bigla pero wala na sila. Ay bwisit!

Pag pasok ko biglang bumungad sakin si Princess

"Uyyyyy, Prince ka pala a? Hahahahaha! Yieeeeeee!"

"Ee? Baliw ka!" Nasabi ko nalang bigla.

*after recess*

Biglang pumasok ang math teacher namin at nag discuss nalang nakinig nalang ako. Pero lutang talaga ako pag dating ng math then yun na nga wala akong maintindihan kasi nga ang hirap HAHAHAHAHA!

"Okay, get your notebook and book. Turn on page 267 practice and application answer that in 30 mins. After that we will check. Tapos o hindi"

Terror talaga tsk. Hahahaha.

"Oy. Pano to?" Tanong ko sa katabi ko.

"Bago ka mag solve copy mo muna yung formula, baliw ka talaga." Sabi ni Sean

"Ang hirap naman kasi nito e! Tsss. Bakit pa kasi may Math e! Pssssh." Pag mamaktol ko.

"Haha. Baliw ka talaga, syempre kailangan natin ng math para may matutunan tayo. Tsaka mag sagot kana nga" pabulong nyang tanong.

"Bakit kasi lagi nalang hinahanap ni math ang X kung alam nyang mali e."

"Kaya nga diba hinahanap ni Math ang Y kasi hinahanap nya kung pano nangyari yun." OmO

"Hugot yan a?"

"Math may not teach us how to ADD love or SUBTRACT hate but it gives us hope that EVERY PROBLEM has a SOLUTION".

Natahimik nalang ako sa narinig ko. Aba! Lokong to!

"May problema ka no?"

"Wala naman. Sige na sagot na tayo----"

"Okay, exchange your notebook with your seatmate tapos o hindi. NOW."

"Halaaaaa! Sorry Sean! Jusko! Nako naman! 0 ka yata!"

Natataranta ako kasi sa kaunting pag uusap namin ay natapos na ang 30 mins.

"Okay lang hahaha. Mag taka ka kung sa test hahaha." Natawa pa ang loko!

*after math*

"Tippanneeeeeh!" Napatingin ako kay Princess kasi bigla nalang sumigaw. Baliw talaga haha!

"WHHHHHHHHYYYYYYYY?! HAHAHAHAHHAA!"

"ANG INGAY NYO NAMAN! TUMAHIK NGA KAYO!" Sigaw ng isa kong kaklase hahahaha.

Nagdaldalan lang kami ni Princess
Hanggang sa pumasok na ang teacher, discuss dito discuss doon. Sagot dito sagot doon.

*BELL*

"Bye guuuuuys!" Sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Bye! Ingat ka!" Ngumiti lang ako

Bago ako makalabas ng classroom nakita ko si Prince na nakatingin saakin, kasama ang kaibigan nya. Nakatingin din sila sa akin. Uh? May nagawa ba ako?

"Tiff? Dika pa uuwi? Ba't napa tigil ka? May masama ba?" Napatingin ako kay Hani

"Wa-wala naman hehe. E-eto na! Lalabas na uh? Hehe. Bye!" Nag lakad ako nang di ako nakatingin kay Prince kasi ang awkward.

"Tiff." Tawag sakin ni Prince

"Yeah?" Pa cool lang ang peg ko.

"Uuwi kana?" Tsss.

"Hindi, papasok ulit sama ka?" Watta! Nabara ko sya! Nako naman po! Huhu.

"Ano!!! Wala ka pala Prince e! Hahahahahahahaha!" Sabi ng kabarkada nya.

"Tumahimik nga kayo! Mga ugok! Tsss."

"Etong singkit na 'to ang sungit" sabi ko.

"S-sorry hehe."

"Sige na. Alis na ako a? Hinihintay ako ng service ko e. Bye!" Naiilang talaga ako.

"Ingat ka Tiff, bye din." Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway na.

*sa bahay*

"Nandito na po ako!" Sabi ko pag kapasok palang ng gate.

"Aba! Buti naman! Masama mag pagabi! Halika na dito at kumain kana"

"Opo. Lola."

Wala dito ang magulang ko pati mga kapatid ko dahil nasa Australia sila sila tita at lola ang nag aalaga sakin. Pero umuuwi naman sila katulad next year, uuwi na sila sa march tapos next next year stay sila dun then next next next year uuwi ulit sila dito. Taray ng explanation ko no? Hahahaha!

After kong kumain nag bihis nadin ako at gumawa ng assignments then kinuha ko ang cellphone ko nagulat ako may 12 unread messages ako. Kaya binuksan ko ito

From: 0917*******
Hi. Prince Troy Delos Reyes nga pala. :)

Ibinigay talaga ni Emmy number ko? Hala?

----
A/N: Hello! Hahaha. Sana support my story ang bago kong story hoho. Salamat! ^^

Ako Si Tanga Sya Naman Si PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon