Start-Ending

5 0 0
                                    

Kwento ito ng isang binatang heartthrob sa school.
Ine-enjoy niya ang pagiging heartthrob. Konting Porma lang ay napapatili at napapakilig niya ang mga babae. Marami na siyang naging karelasyon ngunit wala siyang sineryoso, PINAASA NIYA LANG,kaya lahat ng naging ka relasyon niya ay siya ang iniiyakan

Siya si Lance Villanueva

Ang Binatang Heartthrob at Taong Paasa.

Ngunit isang araw may nakilala siyang babae na nagpatibok ng kanyang puso.

At ang Babaeng ito ay si Maxine Reyes

Alamin natin ang kwento nila...

*******************

"May papagawa ako sa inyo,isa itong proyekto at dapat niyong gawin, kayo ay mag-aalaga ng isang binhi at dapat ito palaguin o palakihin.Nagkakaintindihan ba tayo!!?" Sabi ni Ms. Cortez ang guro nila sa T.L.E

"Opo Maam!!!" Sabi ng mga Stupidyante

"Okay ipapares ko kayo sa dalawa.At ang mga kapatner niyo ay mula sa ibang section" Sabi ni Ms. Cortez

******************

Nagkataong si Lance at Maxine ang magkapares sa gagawing proyekto

"Hi! Ako pala si Lance..Ako daw ang makakapatner mo"
Sabi ng binata

"Hi! Ako naman si Maxine...Nice meeting you"
sabi ng dalaga

"Siguro mataas yang grado ng salamin mo sa mata...kaya matalino ka!" Sabi ni Lance

"Oo mataas ang grado nito kasi bata palang ako mahilig na akong magbasa,Talking about grades sana makakuha tayo ng mataas na marka sa proyektong ito" masayang sabi ni Maxine

"Sana nga!" Sabi naman ni Lance

Dahil si Lance ay isang malaking tamad ay Pinasa niya ang gawain sa dalaga.

Lumipas ang ilang linggo
Ay nakonsensya siya sa kanyang ginawa

Hinahanap niya ang dalaga upang kamustahin ang kanilang proyekto...

********************

"Lance Di ba si Maxine ang hanap mo!?" Ani ni Kevin kaibigan ni Lance

"Oo!!! Pre!!! Nakita mo siya" pasigaw na sabi ni Lance

"Hayun siya!" Sabi ni Kevin at sabay turo sa babaeng nakatalikod

Sa pag lingon ni Lance sa Babae ay agad niya itong nakilala

"Si Maxine nga!" Sigaw niya pa

Agad agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng dalaga

"Maxine kamusta na ang project natin!?" Sabi ni Lance

"Okay naman...Malago na ito... Tara papakita ko sayo"
Sabi ni Maxine

Pumunta ang dalawa sa School Garden...

"Ayan na ang halaman" sabi ni Maxine sabay turo sa halaman

"Ang ganda na nito" manghang mangha na sabi ni Lance

"Alam mo Lance ganto kasi yan,Ang pag-aalaga ng halaman ay parang sa pag-ibig,Kailangan bigyan mo ito ng effort,Effort sa pag-aalaga para di matuyo,malagas,at mamatay ang pagmamahalan sa pagitan ng isang magkarelasyon."

Sabi ni Maxine

Dahil dito onti onting naging close ang dalawa halos araw araw sila ang magkasama.

Rejection(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon