Diet

43 3 2
                                    

"Anak! Gumising kana manananghalian na tayo!" Sigaw ni mama sa iba-ba.


Only child ako ni mama at papa. Tinuturing nila ako parang prinsesa. Gusto kong magkaroon ng kapatid, palagi ko hinihingi yan sa kanila pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nagkaroon ng kapatid. Wala naman sakit sila mama at papa. Kahit na nag-iisa akong anak kompleto parin ang aking pamilya.


"Ok ma! magbibihis muna ako at maghihilamos!" Sigaw ko kay mama.


Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis at maghilamos."Hmmm, ma ano yang niluto mo? amoy na amoy ko na dito at alam kong masarap" sabi ko. " Adobong Baboy anak yung paborito mo" sabi ni mama


HAHAHA YES! ang paborito kong ulam! Hahaha!Palaging niluluto yan ni mama palagi nong bata pa ako kaya nga ako tumaba e hihihi!


"Anak wala ka bang plano magdiet?" Tanong ni mama. Ano bato si mama hindi ba niya gusto ang baby baboy nya? Tskk!


Hindi ako naka sagot."No offense anak pero tumataba ka kada araw" sabi ni mama na nang aasar." Ma! Hindi mo ba nagustohan ang anak ko kung ano siya ngayon?" Tanong ko ni mama na naaasar.


"Baka yan ang dahilan kung bakit ka inaasar ng Drake. Baka ang pagtingin niya sayo ay mahina dahil sa katawan mo ngayon. Alam ko na alam mo na ang kadalasan na bubully ay mahihina at kadalasan ang mahihina ay matataba" sabi ni mama


Sabagay tama si mama sa sinabi niya dahil pinagdaanan nya din ang pinagdadanan ko ngayon at bilang ina tutulungan nya ako sa problema ko.


Kilala ni mama si Drake kasi sinasabihan ko siya tungkol ni Drake.


"Sabagay may point ka pero ang problema paano. Paano ako gagawin yan alam kong mahirap yan gawin?" Tanong ko kay mama.


"Madali lang yan bata kapa e. Basta ako bahala. Simula ngayon bawas bawasan na natin ang kakainin mo at hindi kana kakain ng matataba ng pagkain"


OMG! Gagawin ko ba talaga to? Alam kong mahirap to e pero
dapat kayahin ko to kasi makabubuti to saakin.


Tapos na kami kumain ni mama kaya niligpit namin ang amin hapag kainan.


'Ding dong'


Pumunta agad ako sa pintuan para tignan kung sino ang nagdoor bell.


"Beast!" Sigaw ko." Hi beast!" sabi ni claire. Nagmadali akong pinagbuksan si Claire. Miss ko na ang beast ko kasi nakaraan araw palagi siyang nagbabasa ng libro at parang kinalimutan na niya ako.


"So anong plano mo ngayon? Labas tayo beast please punta tayo ng mall" sabi niya. Kailan ko ba na tanggihan si Claire. Kahit minsan hindi ko siya na tanggihan ganyan ko siya kamahal. Parang kapatid nayong trato ko sa kanya e." Ok wait lang maliligo muna ako ok?" Sabi ko sakanya."Ok beast dito lang ako sa sala nyo"


Pumunta kaagad ako sa kwarto ko at naligo.


Curse You Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon