Chapter 2: Wake up time

10 0 0
                                    

CAROL HERNANDEZ’s POV

*Flashback muna tayo sa POV naman ni Carol*

3:55 am na kailangan ko ng matulog. Tatapusin ko na lang ‘tong paghuhugas tapos I’m off to bed na.

“Sige boss bes. Good night.” Sabay sabi ko kay Martin pagkatapos ng last na basong mabanlawan.

“Uy, salamat ah. Kaw pa talaga naghugas nyan. Sige good night.” Sagot nya.

“Malinis ba yung asul na kumot mo?” Yun lang kasi talaga ang tanging kumot nya na ginagamit ko tuwing dito ako matutulog. Ayaw ko ng ibang kumot nya. OC na kung OC and I don’t care.

“Oo, kagagaling lang sa laundry shop.” Malamang, di mo sya mapaglalaba ng mga ganun e. Yung mga undies lang nya ang nilalabhan nya. HAHAHA.

“Oh. Okay. Thanks. So let’s call it a night or whatever bes. Pagising na lang by 6.” Utos ko. Subukan nya lang tumanggi o magcomplain, makaka-1 point ‘to sa’kin. You wanna bet??

“Ish. Ako pa talaga ang ginawa mong alarm clock.”

“Shut up and do what I said!” I told you, masusungitan ko talaga siya. Ayun nakita ko na lang sa peripheral vision ko na tinaas na nya yung dalawa nyang kamay na nagsasabing ‘I surrender Boss’. Dalawang oras lang magiging tulog ko, ano na lang ang itsura ko mamaya sa presentation. Ugh! Kung hindi ko lang talaga matiis ‘tong mokong na ‘to wala ako dito. Hayaan na. Pagkatapos naman ng presentation e wala na akong klase. Yey dun ko na lang ibabawi ang tulog ko at dito ako didiretso. Mas malapit ang condo nya sa school e and I have my spare keys. And and… zzzzzz

6 am. At the present time.

“Carol??”

“Hmm?”

“Ang ganda mo.”

“Hmmm.”

“Bangon ka na.”

“Hmmm.”

“Di ba may presentation ka pa?”

“Hmmm.”

“Bahala ka, mag-e-8:30 na oh.”

“OMAGHAD! Sh1t! 8 na! 8 na!” Tapos nagmamadali na akong tumayo tapos didiretso na sana ako ng banyo ng biglang narinig kong tawa ng tawa si Martin. 

“HAHAHAHAHA!”

“Anong tinatawatawa mo dyan?”

“HAHAHAHAHA! Oh sh1t. 8 na! 8 na!” Tapos ginagaya nya ako. “Kung nakita mo lang yung facial expression mo bes matatawa ka din. HAHAHAHA!”

“Lungya naman dude! Lokohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising! Buwis1t!” Tapos lumapit ako sa kanya, sinusuntoksuntok ko siya.

“Aray tama na. Tama na bes!”

“Anong tama na? Matapos mo akong papuntahin dito ng alas tres tapos lolokohin mo pa ako paggising ko. Ngayon lang ako makakabawi. Walungya kang mokong ka! You always deprive me of having a good sleep. You fool!” Tapos tuloy pa din yung pagsuntok ko sa kanya.

“Aray! TAMA NA CAROL PLEASE!” Sigaw nya pero sumabay din yung pagsabi ko ng,

 “LAST NA ‘TO!” Sabay nasuntok ko yung mukha nya. OMG! Napaupo sya.

“OMG! Uy Martin okay ka lang? Hala. Sorry. Sorry. Soryyyyy.”

“Sabi na kasing tumigil ka na e. Kitamo ginawa mo.”

Dumugo yung labi nya.

“Sorry talaga.” Pero sa totoo lang imbes na ma-guilty talaga ako pinipigilan ko na lang tumawa.

We Deny the UsualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon