Minsa kailangan nating bawasan ang pag iisip natin na mapupunta siya sayo at magiging totoo ang word na gustong-gusto mo, ang ''HAPPILY EVER AFTER''. Pinaniniwalaan natin na meron pero ang hindi natin alam hindi happily ever after ang mangyayari, magiging ''DISASTER'' ito.
--Ito nanaman ako sa gate. Hinihintay si Ultimate Crush na naging inspirasyon ko.
'' Hi Janna! '' waaah! si ultimate crush!
Tss. Si janna nanaman ang unang niyang BINATI. kung naguguluhan kayo. hindi ko kaaway si janna. Minsan naiisip ko,Bakit ba si Janna ang nauuna. To tell you the truth, close kami ni Janna. Kaya lng minsan naiisip ko, lagi naman ako ang nasa tabi nya, pero si Janna pa rin talaga ang inuuna niya.
'' Hi din pla sherly! '' mukhang napipilitan niyang bati saakin.
'' Hello! '' pero kahit ganun babatiin ko parin si crush no!
'' Sherly..uhmm.. mauna kna ha, may sasabihin lng ako kay kay drew '' ano kayang sasabihin nitong babaeng to?
'' okay '' syempre kailangan ko ring pumunta sa klase ko baka malate pa ako. kahit na labag sa loob ko na kausapin nya si drew.
Pumunta na ako sa classroom. At nag turo lng ng nag turo ung teacher namin. Hanggang sa break time na namin
'' Hi sherly! tara sabay na tayong kumain! '' yaya ni janna. Pero teka, ang saya ata ng babaeng to?
Hindi ko pa ata nasabi na pumasok na si janna kanina.
'' Oh sige '' pag payag ko.
'' Hi Janna at sherly!'' Masigla ring bati ni drew na siyang ipanagtaka ko ng lubos.
'' hi din drew! '' sagot ko.
'' Tara kain na tayo. treat ko ''
'' Wow himala! manlilibre si bossing ''
'' Masya ako eh! ''
"Bakit naman?" Tanong ko sakanya.
"Ah basta" ang naging sagot niya lamang saakin.
'' okay sabi mo eh'' sagot ko sakanya.
Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa room namin para hintayin ang ang prof. Pero habang hinihintay naman ang prof napaisip ako kung dapat na ba akong magtapat kay drew. Sige gagawi ko na. Para sa ikatatahimik ko.
--
Pagsapit ng lunch agad kong nilapitan si drew.
'' Drew ''
'' Bakit? '' paglingon niya saakin.
'' pwede ba tayong mag usap? '' sana pumayag siya.
'' okay '' yes!
'' tara duon tayo sa likod '' pagyaya ko sakanya.
'' tara ''
Ilang saglit lang nakarating na kami sa likod ng school.
'' ano pa lng sasabihin mo? '' pag tanong niya.
'' umm.. a-ano m-may-y sasabihin s-sana ako s-sayo '' kinakabahang sabi ko.
'' ano yun? ''
bago pa man ako makapagsalita nag salita ulit sya
'' ay oo nga! may sasabihin rin pla ako sayo ''
'' ano yun? ''
'' alam mo ba kami na ni janna? sinagot na nya ako! matagal ko na syang nililigawan at matagal ko na ring hinitay ito! at sa wakas nangyari na din! at alam mo ba. sa tingin ko ako na ang pinakamasyang tao sa boung mundo! dinaig ko pa ang nanalo sa lotto! ''
'' GANUN BA? ''
Wow buti pa sya. ang saya saya habang sinasabi yun. Samantalang ako nahihirapan na dahil sa mga sinasabi nya. siguro ganun talaga sya kasaya kay janna. Kaya wala na akong magagawa. Aamin na lng ako sa knya at lalayo na. Naiiyak na rin ako ng sinasabi nya yun sa akin. Kaya pala lagi na lng si janna ang nauuna niyang pinapansin kasi nililigawan na pala nya ito. Minsan na nga lng umibig. Sawi pa. Dapat pala bago ko sya minahal ng sobra tinignan ko muna kng may nagugustuhan na syang iba. Para hindi ako umaasa pa. Pero ano nga ba ako?
'' Oo! ay oo nga pla! dba may sasabihin ka? ''
'' *sigh* Ipagtatapat ko lng sana na MAHAL KITA, matagal na. Pero sa tingin ko talagang manhid ka lng at hindi mo naramdaman ang pagmamahal ko sayo. O baka naman may pag kukulng pa ako kaya hnd mo ito naramdaman" sabi ko habang lumuluha na "Pero oo nga pla. Ano nga ba ako sayo. Isa lng nmn akong hamak na kaibigan mo na laging nandyan tuwing kailangan mo ng tulong. Pag nasasaktan ka. Siguro yun talaga ang ginagawa ng mag kakaibigan. sana pala hanggang FRIENDS na lng ang tingin ko sayo para hindi ako nasasaktan ng ganito.Nakakainis ka! alam mo yun?! Ang MANHID MO! hindi mo manlang naramdaman na gusto kita! na mahal kita! Ang TANGA TANGA MO! nakakainis ka!! hnd mo manlang napansin na lagi akong nasa tabi mo? pero yun pla KAIBIGAN lng ako '' pagpapatuloy ko pa ring sabi habang lumuluha at dinuduro sya at pinapalo sa dibdib
'' Pero kung talagang masaya ka , hindi na kita pipilitin , lalayo na lng ako. Siguro para maka move on na rin. Sige Drew ha. Alagaan mo si Janna . Sana maging masya kayo. Patawad din pala sa abala. Kalimutan mo na lang ang mga sinsabi ko. Salamat'' pamamaalam ko habang nakangiti ng pilit.
Akala ko alam ko na lahat tungkol sa kanya, nagkamali pala ako. Nag pakatanga ako pero wala rin palang nangyari, akala ko pag nag pakatanga ako, makukuha ko sya yun pala hindi, imbis na sya ang makuha ko, Iba ang nakakuha sakanya.
Nasasaktan ako. SOBRA! Pero wala rin yung kwenta, masaya na sya eh! kaya siguro lalayo na lng ako, malayong malayo.
DREW
Nagulat ako sa mga sinabi nya, akala ko wala rin syang feeling sa akin. Pero akala ko lang pala. Ang tanga ko! kung hindi lang sana ako naging torpe! hindi sana nangyayari to. Sana sinubukan ko manlang syang ligawan ! pero natakot ako, kaya binaling ko na lng ang feelings ko kay Janna.
Pero nung umamin sya saakin nun, naguluhan ako sa sinabi nyang GOODBYE hindi kya aalis sya? sana naman hindi.
Hinintay ko na lng mag bukas para makita ko ulit sya, pero nabalitaan ko na lng na umalis na sya. Mas lalo akong nainis sa sarili ko. Dahil hnd ko manlang sinubukang ipaglaban at bigyan ng pagkakataon ang pagibig ko sakanya.
Pero wala ng mangyayare, umalis na siya. At sana maging masaya sya sa buhay nya at hindi ako magsisi sa pinili kong landas. Patawad mahal ko.
THE END
_____________________________________________________________________________
MORAL LESSON
Wag mong balewalain ang feelings mo sa isang tao, dahil hindi mo alam ang mangyayari pag hindi mo sinubukan. At baka ito ang maging dahilan ng iyong pagsisisi.
_____________________________________________________________________________
Maraming salamat sa mga bumasa nito. Appreciated much mga kumare :)
Asahan niyong gagawa na ulit ako ng bagong kwento.
