Chasing (OneShot)

370 10 2
                                    

Copyright ©2013 by BlueScorpii

Dedicated to MyMemoGirl na asawa ni Sandeul. xD

Enjoy:))

*****

Hindi lahat ng tinitignan mo, nakatingin sayo. At hindi lahat ng nakatingin sayo, tinitignan mo.

----------***

"Chocolates for yooouuu~~" -pakanta kong bungad sa kanya habang iniaabot ko ang tsokolateng hawak hawak ko.

"Tsk. Ano na naman yan?"

"Chocolates! Kakasabi ko lang di'ba? Ah! Baka specific ang gusto moooo~ I see~ This is a Praline Prestige light by Chocolat Frey," -bibo kong sabi at lalo kong inilapit ang chocolate sa kanya na para bang mahahalikan na niya ito.

"Para saan na naman yan?"

"Gusto mo talagang paulit ulit eh noh? Unli ang peg?! Ay grabe! Ganun mo kagustong marinig ang boses ko? Sinasabi ko na nga ba eh! Mahal mo ako! Pakipot ka lang. Hahaha," I said mockingly. Nangunot naman ang noo niya at halos magdikit na ang mga kilay niya. Waaaah. Ang gwapo, gwapo, gwapo, gwapo, gwapo, gwapo, gwapo, gwapo, gwapo niyaaaaaa!

Kinuha niya ang chocolate, but to my dismay, inilapag niya lang ito sa table na nasa harapan niya. Haaay. Di na 'ko nasanay. Tinignan niya ako sandali at humarap ulit sa ginagawa niya.

"Hindi mo man lang ba titikman yan, Aaron? Masarap yan!"

"Later. Busy pa 'ko."

"Eeeeee. Tikman mo lang..Masarap talaga yan! Promise," pangungulit ko pa. Umuubra naman 'to minsan eh, baka tumalab din ngayon. BAKA lang, okay?

"Thena naman! Sa susunod ka na lang mangulit! Busy ako oh! BUSY," sigaw niya sa akin pero nakatingin pa rin siya sa mga papel na sinasagutan niya. Pati ba naman 'pag galit siya hindi pa rin niya magawang tumingin sa akin? Haaay!

The next day, pumunta akong classroom ni Aaron. At sakto lang ang dating ko dahil katatapos lang din ng last class nila. If you'll ask me if sinusundo ko ba siya, the answer is a VERY BIG YES! Naka- Bold at CAPSLOCK pa yan para intense! Haha!

"Uy pare! Ang tiyaga talaga natin ha," sabi sakin ng isa sa mga lalaki niyang kaklase habang tinatapik tapik ang balikat ko. Actually, hindi na tapik 'yun eh! Palo na!

"Tsk! Mabigat ang kamay mo! Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya at binaling ko na lang ang tingin ko kay Aaron na katabi lang ng kaklase niyang ugok.

"Eh sa pambabasted niya, hindi ka nasasaktan?" balewalang tanong nito habang tinuturo niya si Aaron na katabi lang nito. Kung alam mo lang kung gaano. Kaso hindi eh, hindi mo alam.

"Sino bang tao ang hindi nasasaktan kapag lantaran silang inaayawan ng taong mahal nila?" Balik tanong ko sa kaklase ni Aaron pero kay Aaron ako nakatingin. Nakatingin lang din sa akin si Aaron. Seryoso ang mukha niya. Kelan ba hindi naging seryoso ang mukha niya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, walang tao ang hindi nasasaktan.

"Hindi ko kasalanan kung bakit nasasaktan ka."

"Wala naman akong sinabing kasalanan mo," sagot ko. Pero sa totoo lang gusto kong isigaw kung anu-ano ang mga ginagawa niya na nakakasakit sa'kin.

"Tigilan mo na, para hindi ka na masaktan pa," tumalikod siya sakin at naglakad palayo. Ilang beses niya na bang sinabi sa akin na tigilan ko na? Isang milyong beses na ata! Pero sabi nga nila, never give up! kaya hanggang ngayon hinahabol habol ko pa rin siya.

Ilang taon na rin simula nung una akong naghabol. And since then, araw araw na akong nakikigulo sa lahat ng ginagawa niya. Masakit, oo, pero anong magagawa ko? Mahal ko e. Kaya naman ako na babae ang nagbibigay ng rosas at teddey bear kapag Valentine's Day. Ako ang sumusundo, ako ang naghahatid, ako ang nanunuyo, ako ang araw araw na pumupuntang bahay nila para manligaw. Kilala na rin ako nina tita at tito pati na rin ng mga kapatid niya. O ha! Galing ko no? Hahahaha! Boto nga raw sila sakin e. Si Aaron lang talaga itong pakipot.

Chasing (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon