I- (ToGetHer) They Meet Again

15 1 0
                                    

According to statistics there is a low chance for two individuals who had broken up to get back together. Ni-research yan ng paulit-ulit ng isang dalagang limang taon ng hindi pa rin makapag-move on sa kanyang pinakaunang nobyo. Grumaduate na siya't lahat sa high school at college pero hindi niya pa rin makalimutan ang lalaking unang nagparamdam sa kaniya kung paano ba ang maging espesyal sa buhay ng ibang tao.


Paano niya nga ba ito makakalimutan kung sa loob ng limang taon wala siyang ibang pinapayagan sa mga gustong manligaw sa kanya? Kung sa loob ng mga panahong iyon ay para siyang daga na tumatakbo pagnakakita ng pusa?


Pero... masisisi nga ba natin siya kung pakiramdam niya hindi pa siya handang muling buksan ang kaniyang puso para sa iba? Lagi niyang iniisip na wala siyang kwentang nobya dahil hindi buo ang pagtingin niya sa kaniyang sarili. Kapag iniimagine niya naman ang sarili na nasa isang relasyon palaging may kung anong pangamba sa puso niya. Parating may takot--- malaking takot na masaktan at muling makasakit.


Ayaw na niyang muling makakita ng mga matang puno ng pagtatanong kung bakit kailangan magwakas ang isang magandang pagsasamahan. Ayaw na niyang muling pagdaanan ang pag-iwas sa taong nakakapagparamdam sa kaniya ng sari-saring emosyon sa isang simpleng galaw o salita lamang. Higit sa lahat ayaw na niyang malungkot lalo't kapag napagmamasdan niya kung gaanong ka-mali ang ginawa niya noon.



-I-


Kanina pang nakamasid sa kawalan si Jelly. Ilang buwan na rin mula nang makauwi siya sa kanila. Matapos ang limang taon na pamamalagi sa puder ng tiyahin niya ay naisipan niyang magbalik sa kanilang probinsya. Sa probinsyang kinalakihan niya at nagsisilbing kanlungan ng mga alaalang humubog sa kaniyang pagkatao sa ngayon.


Nang mapagpasyahan niyang bumalik alam niya ring kaakibat nito ang pagbabalik ng mga alaala at mga tao mula sa kaniyang nakaraan. At inihanda niya na ang kaniyang sarili sa posibilidad na ito.


Subalit sadyang mapanudyo ang pagkakataon. Ilang ulit man niyang sabihin sa sarili na ayos lang ang lahat--- na wala na siyang mararamdamang kahit na ano kapag nagkrus muli ang landas nila ni Ace... wala... ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Nahihiya pa rin siya sa binata. Napapalundag pa rin ang puso niya pag nakikita niya ito. At napapatameme siya sa harap nito.


"Arghhh!!!! Ayoko na!!!!" muli niyang ginulo ang kanyang buhok at parang baliw na sumigaw sa bintana.


Napalabas naman ang nakababatang kapatid niya sa kwarto nito upang matingnan kung bakit siya nasigaw.


"Ate, don't tell me you're gonna jump out there?" nakataas ang kilay nito sa kanyang ate na sinilip niya mula sa kanyang kwarto na magkatabi lang naman.


Bilang ganti sa walang kwentang konklusyon ng nakababatang kapatid nito na si Jerry ay inirapan niya ito at pinagsarhan ng bintana.


Sumalampak na lamang siya sa kanyang kama at nagtakip ng unan sa mukha.


Sa isip niya para na ba siyang nasisiraan ng ulo o kaya naman ay luging-lugi para magpatiwakal? Nakakalito na talaga. Kailangan niyang gumawa ng kahit na ano para naman mawala na sa isip niya si Ace.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ToGetHer AgainWhere stories live. Discover now