SAYAW

57 2 0
                                    


"We fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.

Sino ba naman kasi mag-aakala na sa isang SAYAW pala magsisimula ang lahat?"

--

"Okay class, may ipapanood ako sainyo. Pamilyar naman siguro kayo sa ilang mga katutubong sayaw, ano?" Pagdidiscuss ni ma'am habang nandito kami sa loob ng Audio Visual Room or also known as AVR.

"Yes ma'am!" Sabi naman ng mga kaklase ko. Syempre, pwera lang sakin. D-U-H.

Ayoko kasi talaga ng MAPEH. Ang dami kasing arte! Kesyo dapat ganito, dapat ganyan. Aba naman!

Tapos ngayon naman pagsasayaw-in kami? The heck!

Para bang gusto ko nang batuhin ng isang sapatos itong teacher ko sa harapan.

Ang dami kasing gustong mangyari! Di bale na sana kung pakakantahin kami. Kaso hindi eh! SAYAW ang ipinagagawa sa amin!

Kung wala lang siguro akong kahihiyan ay kanina pa 'ko nagwelga dito.

"Since we still have two hours left, I'll give you time to practice. Naintindihan niyo naman siguro yung pinanood niyo. But before that, let's have a groupings first." Sabi ni ma'am.

All in all ay wala naman talaga akong naintindihan doon sa pinanood namin.

Ang alam ko lang ay tatlong klase ng sayaw ang ipinakita samin. So meaning, mahahati din sa 3 groups ang section namin.

"Okay. I'll assign your partner. Lahat ng tatawagin 'ko, sila ang magiging group one. Am I clear, class?" Pagmu-mwestra ni ma'am.

"Yes, ma'am!" Sagot nanaman ng mga utu-uto kong kaklase. Hahahaha. Sshhh.

"Rica and Steven."

"Zandra and Prince."

"Jonalyn and Jhulius."

"Kristine and Jay-c."

"And last but not the least, Paula and Lhester."

Paula and Lhester. Pau-- teka! Ano dawww?! Paula and Lhester?! Just wow! Kapag sinuswerte ka nga naman, oh! Ang daming pwedeng ipartner sakin, bakit si Lhester pa?! Bakit yung lalaking pinaka-kinaiinisan 'ko pa?! Ughhhh! Seriously?! Gusto ba ni ma'am ng World War 69? Tss!

"Okay. Go to your respective group, now." Pahabol na sabi ni ma'am nung natawag na kaming lahat. Aish!

Padabog akong lumakad papunta sa mga ka-grupo ko. Nakakainis naman, e! Bakit ba kasi kailangang may ganito pa sa MAPEH subject?!

"O, bakit isang bakol yang mukha mo?" Bati sakin ni Lhester. Tss. Feeling close! Kung di lang para sa grade 'to, kanina pa ko naglumpasay dito. Swear!

"Wala kang paki!" Sagot ko sakanya na may kasama pang irap.

"Tss. Sungit naman." Sabi niya sabay ngisi. DUH!

Tinitigan ko lang ulit siya ng masama kaya medyo sumeryoso naman yung mukha niya. Aghhh. Wala na! Sira na talaga ang araw ko dahil sa mokong na 'to! -_______________-

"Groupmates! Proceed daw tayo sa function hall. Start na daw ng practice sabi ni ma'am." Anunsyo ni Rica. Siya kasi ang na-assign na leader ng pangkat namin.

Mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa function hall, kaya naman medyo nahuhuli ako.

"Witwiw!" Sipol na nagmumula sa likuran ko kaya naman lumingon ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon