Chapter 5

291 10 2
                                    


MUGTO ang mata ni Heidi ng dumating sa condo niya si Vincent. Her guy bestfriend na nakilala niya sa states at ang dumamay sa kanya noong panahong ginusto niyang magpakamatay na lang.

"Bes anyare sa mata mo? Laki ng eyebags ah!" asar nito sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito at dumiretso sa kusina. Alam niya naming susunod ito sa kanya.

"Hey? Ok ka lang?" tanong nito sa kanya. Nginitian niya ito ng tipid at kumuha ng mug sa cupboard.

"Nag coffee ka na?" tanong niya sa kaibigan na nakatingin parin sa kanya.

"Tapos na. Dumaan lang ako dito para ibalita sayo na may nahanap na akong trabaho!" ngumise ito sa kanya.

Kakauwi lang kasi ng kaibigan niya sa Pilipinas last week. Balak magsarili. Tss. Ang yaman-yaman pinapahirapan sarili.

"Pero may bad news ako" agad siyang napatingin dito.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"What?" tanong niya.

"Sa F R O S T ako magtatrabaho" muntik niya ng mahulog ang mug na hawak.

"Sabi na nga ba! Sorry bes wala na talaga akong choice eh. Atsaka they offered me a good position. Hindi pwedeng palampasin" tiningnan niya sandali ang kaibigan.

Great. Just great.

"Good for you" she plainly said. Pinagpatuloy niya ang paghanda ng kanyang almusal. Buti na lamang at sabado walang pasok.

"Hindi ka naman masaya eh!" dabog ni Vincent sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at seryosong tinitigan.

"Sorry na bes." Ngumite siya.

"You know why my eyes are like this today?" umiling ang kaibigan niya.

"Your soon-to-be-boss messed me up. Damn! Yung feeling na akala ko handa na ako ulit makita siya at makausap ng harapan pero bes hindi! Kahapon na sa bahay niya ako and I was staring at him dumbfounded. Lahat ng sakit na sinubukan kong kalimutan noon bumalik sa isang iglap! Pakshit!"

Kumunot ang nuo ni Vincent sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa bahay niya?" usisang tanong nito.

"My boss assigned me to tutor his son." Sagot niya. Tumango naman ang lalaki.

"It must be real hard for you Heids!" gusto niyang batukan ang kaibigan sa sinabi. Hindi niya ba nakikita ang ebidensya? Na sa harapan niya na. Mukha siyang namatayan dahil sa sobrang pagmumugto ng kanyang mga mata.

"Tss. Wala ka talagang dulot!" reklamo niya.

Nilagyan niya ng mainit na tubig ang mug niya. What the hell would he expect from Vincent? Puro kalokohan lang ang alam. Minsan lang magseryoso tapos ang kulit pa. Parang di lalaki.

"So anong sabi sayo ni Ex mo?" napairap siya sa hangin sa tanong nito.

"He wants me to be his wife and his son's mother" she plainly said again.

Yun lang sinabi niya. Ayaw niyang idetalyadong sabihin ang lahat. Baka maiyak na naman siya. Tss.

"Really? Siguro mahal ka pa niya?" hahambalusin niya na talaga tong lalaking to.

"Pwede ba Sullivan tumigil ka sa mga tanong mong yan! Hindi ako siya! Yung boss mo tanungin mo!" inirapan niya ito. Vincent just chuckled at her.

"Masyado ka namang defensive bes. Oo at hindi lang isasagot eh" sinamaan niya ito ng tingin.

"Are you stupid or what? I don't hold his feelings kaya hindi ko masasagot yang tanong mo!" singhal niya dito. Umupo siya sa kanyang carpeted floor at inilapag ang dala-dalang mug at in-on ang TV.

"But I can. Lalaki ako" tinaasan niya ito ng kilay.

"And what do you know about love Vincent?" she smirked at him.

"Wag mo akong ismolin bes! Aba madami akong alam nuh!" tinawanan niya lang ito.

Umupo ito sa tabi niya pero nakaharap sa kanya.

"Love is when you still love him after all the pain he gave you. Love is when you feel you can't breathe easily because the pain is too much for you to handle. Love is when accepting him again and giving him another chance. Love is when you know you still love him and you can't fool yourself any longer" her jaw drop again.

What just happened? Nagtalumpati ba ang kaibigan niyang manhid?!

"See? My alam ako tungkol sa love! Ako pa?" kinindatan siya nito.

"But bes, most of all, Love is when accepting him a million times even if you know he'll give you twice a million pain. Hindi yun magpapakatanga. Pagmamahal yun. Pagmamahal na ikaw lang ang nakakakita at nakakaramdam. Syempre others would think na sobra mo ng tanga kasi nasasaktan ka na hindi mo parin binibitawan. So what? Ikaw yung nagmamahal. Hindi sila. Ikaw yung nasasaktan. Hindi sila. Ikaw yung nakakaramdam. Hindi sila. Ikaw yung haharap sa consequences hindi sila."

This time pakiramdam niya nanuyo na ang lalamunan niya sa litanya ng kaibigan.

"Saang libro mo yan nabasa bes?" yun lamang ang tanging lumabas sa bibig niya. She can't believe Vincent Sullivan. The Stoned-hearted guy. The non-love believer just said that. God! Miracles do exist!

Tumawa ng malakas si Vincent.

"Nagmahal din naman ako Heidi. Nagmahal din naman ako ng totoo. Kaya hindi na bago sa akin ang mga bagay na ito." Ngumise ito sa kanya.

So seven years isn't still enough para masabi niyang kilala niya na talaga si Vincent. He will always be a mystery. A mystery she wish she can solved easily.

"Ewan ko sayo. Dami mong secrets sa akin! Samantalang ako lahat sinasabi ko! Madaya!" dabog niya sa kaibigan. Vincent laugh at her.

"Sasabihin ko din sayo. HAHAHAHA! Kapag kaya ko ng pagusapan" he wink at her. And then for a moment he saw a fast glimpse of pain in his bestfriend's eyes.

Tumayo ito at inayos ang sarili.

"Oh? Aalis ka na?" tanong niya.

"Yup. Dadaan pa ako sa FROST. Ngayon daw yung orientation." Tumango siya.

"Sige. Ingat. Love advicer!" tukso niya dito. Tumawa sila pareho.

"Bes try mo kumain ng pagkain di puro kape. Kaya nagiging nerbyosa ka eh!" asar nito sa kanya. Inirapan niya lang ito.

Ng makaalis ang kaibigan. Muling sumagi sa isip niya ang sinabi nito.

Love is when accepting him a million times even if you know he'll give you twice a million pain. Hindi yun magpapakatanga. Pagmamahal yun.

Napangite siya ng mapait.

"I could accept him. But what about his son?" she mumbled to herself. Pinunasan niya ang munting luha na kumawala sa kanyang mga mata. Tss.

Sana ganun kadali lahat. Sana ganun kadaling ibalik ang lahat. Sana ganun kadaling makalimot. 




Gone but not Forgotten ( Book Two of Dear Ex- Boyfriend) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon