Journal ng Adik

142 1 0
                                    

Entry 1:

Thursday 7Am ang pasok ko ngayon sa iskwela, maaga kong nagising kahit sobrang antok pa ako, naligo ako kasabay ng pamangkin ko, hindi naubos ang breakfast at umalis ng hindi nagsusuklay, well sanay naman ako at feel ko ang ganda ko lalo pag hindi ako nagsusuklay! LAWL.

Entry 2:

Walang prof after 20mins sa classroom, napaka walang kwenta! Sayang ang effort ng paggising ko. Pero okay na ren dahil my exam daw kung sakali, at dahil naiwan ko pa ang reviewer ko pwede na ring walang prof.

Entry 3:

Sarado pa ang starbucks ng 7:30, napaka walang kwenta! Sila dapat ang unang magbukas dahil madameng magkakape sa umaga. Nagpasiya akong maglakad papuntang Cafe De Lipa at swerteng mukang bukas na sila kaya pumasok ako pero hinarang ako ng crew at sinabeng closed pa sila, nakiusap nalang ako na maghintay sa loob para hindi naman ako magmukang tanga kung saan ako pupunta, bongga pumayag si ate.

Entry 4:

Naka order na ko ng moist barako brownie at tall choco truffle celleto. Wala pang reply sa email ang jowa ko. Badtrip lang.

Off ko pala ngayon, kaya pagkatapos ng next class ko, 10-11:30am uwi na akong diretso. Ang boring lang diba? Parang hindi ko den off dahil asa labas ako maghapon pag off ko. Mga 5Pm mamaya ay lalabas ulet ako para makipag kita sa jowa ko.

Everyday kame nagkikita dahil ayoko siyang mamiss, busy ako sa buhay eskwela At trabaho pero maswerteng masaya ang lovelife ko! Mainggit ang mga walang lovelife at hardworking! Wahahaha LAWL!

Entry 5:

Nagsusulat ako ng journal, first time ko to, please wag niyo akong i-judge. Marami akong thoughts, si boyfriend lang ang laging nakakarinig kaya mabuti pang i-share ko dito, malay niyo my aral pala. OHA!

Sa pagsuslat kong to namimiss ko ang iPad 3 ko, bongga yun sa laki T bigat pero napakalinaw naman, compare sa iPad mini at mejo mahirap magtype dito kaya mas lalo ko siyang namiss. Kung hindi lang dahil sa mobility purposes eh hindi ko yun pagpapalit.

Entry 6:

Busy-busyhan ang peg ko. Love it! At imberna dahil deadma sa email ko si jowa. Asa office siya ngayon pero he never fails to email me na andun na siya. At since wala pa siyang email, muka kong tanga dito walang kausap pati sa email :(

Nakakaramdam ako ng sakit ng tyan, dahi ata dito sa kape. Hay. Natatae ako.

Entry 7:

Tinatanung ako ngayon ni jowa kung san kame magkikita, nung nagsuggest ako ayaw nia, bat niya pa ko tinanong diba? Kaloka.

My crush ako hindi lang ako sure kung crush ko nga siya, pero baka challenged lang ako. Suplado kasi! Kainis. Yung mga joke ko ang simple magreply. Pfft! Anyway, iniiwasan ko to dahil my jowa ako, mahirap na mabasa tong kwento ni jowa tas me pacrush crush pa ko. Oh well, mas love ko naman siya! Ahaha. Kambyo mode.

Entry 8:

Pumasok ako sa work kagabe, oh yea! Panggabe na ko! I know, it sucks bigtaym. Ugh! Napaka walang puso ng bisor ko diba? Simpleng "NAG-AARAL AKO!" Hindi pa magets, ugh. Anyway, wala akong tulog, zombie nga ako ngayon eh, nganga sa klase dahil gutom, well ngayon nagbrebreakfast na ko sa Cafe De Lipa. Coffee plus Tuna Pandesal. Wag na kayong magaasume na masarap ang tuna pandesal dito dahil hindi! At ang cape sakto lang, syempre what do you expect! Kung hindi ka maarte wag kang magkape dito. Well, andito ako dahil libre at mabilis ang wifi, sa starbucks ko sana gusto kaso chaka ng wifi my bayad! Lol.

Nawala pala ang pambayad ko ng tuition, hassle! Badtrip! At kaloka! Tumawag ako sa nanay ko nasigawan at namura pa ko. Hahaha! Oh well. Hindi pa ko masyadong kabado dahil baka namisplaced ko lang sa iba kong bag. Jusko! Sana nga namisplaced ko lang.. Huhuhu :( pag nagkataon eh wala kong pambayad ng tuition! Waaaa. Wag naman sana.

Entry 9:

Napaka walang kwenta ng bisor ko. Bow.

Entry 10:

Ayokong papigil. NAPAKA WALANG KWENTA NIYA!!!

Btw meron kameng presentation mamaya sa next subject, hmmm. Napagalaman kong meron akong intrapersonal intelligence! Oha. Hindi ko na ieexplain dito dahil mahirap i-explain, i-google niyo nalang pwede? Kaloka. Wag kayong demanding. Haha chos.

Hindi ako masyadong naghanda dun, stock knowledge lang. Kaya nga intrapersonal eh. Hahaha! Sige tignan naten kung dun talaga ako magaling. Sorry nalang kung hindi. Hahaha!

Entry 11:

Tumawag si jowa, bumili daw siya ng krispy kreme! Jusko, nung isang araw nag JCO na kame ngayon naman donut ulet, hindi ko malaman dito sa jowa ko kung gusto talaga niya maubos ngipin ko eh. Chos! Sweet ng jowa ko eh noh! Errmergesh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journal ng AdikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon