Chapter 1 – Ang Boyfriend Ko
“Babe, subuan na lang kita?” suggest ni Kevin habang kumakain kami nung lunch time na.
Si Kevin. Yung boyfriend ko. Yep, boyfriend.
Uy, kilig siya.
Ay, ayan na, baka titili na naman ako.
Hay, ganun talaga ako. Laging nakikilig. Pati lovelife ng iba pinapakielaman eh. Lahat na lang talaga. Minsan nauurat na ‘ko sa sarili ko. Malay ko ba.
Ngumiti ako kay Kevin. “Sige.” Blush naman ako.
Actually, we’re not exactly in the same school. May visitor’s pass lagi ’tong si Kevin every Friday. Lagi siyang pumupunta every lunch tuwing Friday as much as possible. Di na kasi kami masyadong nagkikita. Pero di naman kami laging ganto. Fourth year high school na kami ngayon (really lucky na di kami nakasama sa unti-unting pagbabago papunta sa K+12 curriculum) and schoolmates kami nung 1st year and 2nd year. Pagdating ng 3rd year, nagkaron siya ng scholarship sa ibang school. And who am I to stop him from his dreams, di ba?
Naalala ko pa, new student ako nung freshmen kami. May mga kaibigan na ‘ko nun—mga lima pa lang yata—kaya lang ‘yung adviser namin, pinalitan yung mga seating arrangements. So nakatabi ko ’tong gwapong lalake. Di ko pa siya kilala nun.
Eh may kilala ako na nasa likod niya. Nawala ballpen ko, so since di ko pa kilala yung bago kong seatmate, nagpahiram na lang ako dun sa kilala kong babae sa likod niya. Eh ang tagal niyang maghanap ng extra ballpen.
“Wait lang, Jane, nawawala ata eh,” sabi ni Bea habang hinahalungkat ang gamit niya sa loob ng bag.
“Okay lang ‘yan, basta meron ako,” sabi ko sa kanyang nagmamadali. May notes na kasing naka-post sa board eh. Ang dami. Kailangan ko pa ‘to lahat kopyahin.
The next thing I knew, may kamay sa table ko at naglagay ng HBW na black ballpen. Tiningnan ko ‘yung ballpen, tapos tumingin ako sa katabi ko.
Binigyan niya ‘ko ng ballpen.
Hinawakan ko ‘yung HBW. Tumingin ulit ako kay Bea na naghahanap pa at sabi ko, “Okay na, meron na ‘ko, thank you na lang ah.” Ngumiti ako sa kanya.
Tumingin ulit sa katabi ko. Gwapo—I’ll give him that. Hahaha. Nakayuko ‘yung ulo niya, parang wala pang kaibigan at wala siyang makausap. Kinalabit ko siya sa braso.
Bigla siyang tumingin sa ‘kin, sabay lumaki ng onti ang mata. Di ko alam, pero I found it cute eh.
Haluh, Jane, ano na pinagsasasabi mo?
Shaking my thoughts away, ngumiti ako sa kanya, at sinabi ko, “Thank you sa ballpen ah.”
Lumipas ang isang second, at for the first time, nakita ko ang ngiti niya.
At grabe. Malapit na ‘kong matunaw.
“Sige, okay lang,” sabi niya.
So ‘yun. Dun nagsimula ‘yung pagkakaibigan namin. After a year, kahit di na kami magkaklase, di pa rin kami nagkakahiwalay. At hinding-hindi ko malilimutan ‘yung araw na inamin niyang gusto niya ‘ko. Hay, ang swerte ko at ang lalakeng ‘yun ay di torpe.
Sakto pa, at Valentine’s Day nun.
Cliché, di ba?
Tumalun-talon ako, at tumili sa harap ng best friend kong si Red.
BINABASA MO ANG
Stick With Who?
Romance“You’ve gotta dance like there’s nobody watching, Love like you’ll never be hurt, Sing like there’s nobody listening, And live like it’s heaven on earth.” ― William W. Purkey Jane Isabelle Arayata believes she’s the luckiest girl on earth. At pa’n...