The Last Day

50 7 7
                                    

A/N
  Bago ko umpisahan. Sana magustuhan niyo :) Kasi bigla bigla lang talaga tong pumasok sa isip ko :> Thanks in advance sa mga magbabasa :)

--

Isang taon... Isang taon akong naghintay sa kanya. Isang taon kong binabalik balikan ang lugar kung saan nangako siya sakin na babalik siya at babalikan niya ako sa lugar na yon sa loob ng limang buwan. Naghintay ako ng limang buwan. Pumunta ako sa lugar kung saan sinabi niya sa'kin na babalikan niya ko. Naghintay ako ng matagal na oras, nagbakasakaling dadating siya at baka nalate lang yung flight niya o natraffic lang siya. Pero sumapit ang gabi na wala akong nakita 'ni anino niya. Hindi ako nawalan ng pag'asa na hindi niya ko babalikan. Paulit ulit kong binabalik balikan ang lugar na yon at umaasang babalik siya. Hanggang ngayon, Isang taon ko ng paulit ulit pinupuntahan ito. Nangako siya kaya alam kong babalik siya. Babalikan niya ako kasi mahal niya ako.

Mahal nga ba niya ko? kasi kung mahal niya ko. Hindi niya ko paghihintayin ng ganitong katagal. Hindi niya puputulin lahat ng communication namin. Pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Umaasa pa rin akong babalik siya. Pinangakuan niya ko kaya kakapitan ko pa rin ang mga pangako niya. Mahal ko siya kaya hangga't kaya ko, Maghihintay ako..

Naalala ko yung araw ng huli kaming magkita

*Flasback*

Umupo kami sa isang bench. Sa tapat nito ay may isang malaking puno at magagandang tanawin.

"Aalis ka? Iiwan mo na ko?" malungkot kong sabi. Nagpaplano kasi siyang pumunta ng US dahil pinapapunta daw siya ng kaniyang isang kamang-anak dahil gusto siyang makita.

"Hey?" hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan niya ako "Limang buwan lang akong mawawala okay? magbabakasyon lang ako dun. We still have a communication"

"Limang buwan? Masyadong matagal yun. Hindi ko ata kaya yang gusto mo Kathlyn" Isang araw pa lang ata na hindi kami magkasama, masyado na kong mababaliw. Limang buwan pa kaya?

"Look" humarap ulit siya sakin "Nathan please? Limang buwan lang. Sana maintindihan mo ko" tumingin siya sa ibaba at halatang malungkot. Tsk. Ayoko pa naman ng ganun.

"Haaay" iniangat ko ang ulo niya sabay sabing "Oh sige na. Payag na ko" nakita ko ang mga ngiti sa kaniyang labi

"Talaga?"

"Oo basta Limang buwan lang okay? at may communication pa rin ha?"

"Oo mahal. Pangako. Pagkatapos ng limang buwan. Babalik ako, babalik ako dito sa lugar na to.. Dito mismo kung saan tayo nakaupo. PANGAKO YAN"

niyakap ko siya ng mahigpit sabay sabing "Mamimiss kita. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari mahal na mahal kita at hihintayin kita okay?"

nginitian niya lang ako bilang sagot..

Pagkatapos nun ay hinatid ko na siya sa kanila dahil kailangan pa daw niyang ayusin ang mga gamit niya para sa pag'alis niya bukas. Gusto ko sana siyang ihatid kahit man lang sa airport pero tumutol siya dahil masyadong maaga daw ang flight niya. Kaya hinayaan ko na lang.

Kinabukasan nagtext siya sakin ng mga bandang alas tres ng umaga na papunta na daw siya ng airport.

Nakarating siya ng ligtas sa lugar na pupuntahan niya. Nung una maganda pa naman ang takbo ng relasyon namin. Araw araw kaming nag'uusap sa skype pero dumating yung araw na dalawang beses na lang sa isang linggo kaming mag'usap hanggang sa nawala na. Nawala na lahat ng komunikasyon naming dalawa. Natakot ako ng maging ganoon ang sitwasyon.

THE LAST DAY [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon